Chapter Twenty

3.2K 65 0
                                    

HARRIET'S POV
 
"I want you girlfriend...can I?" He asked.
 
Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya matapos niyang itanong iyon, should I?
 
"I...I..." I stuttered at mayamaya ay tumawa siya ng malakas, tumaas naman ang kilay ko dahil duon. "Anong nakakatawa?" I asked.
 
"I'm just *laughs* kidding okay?" Natatawang sagot nito sa akin.
 
I rolled my eyes at saka bumangon mula sa kama at iniwan siya duon, narinig ko naman ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko pinansin iyon.
 
Dumiretso naman ako sa may music room at pagalit na naupo sa may harap ng piano at nagsimulang tumugtog.
 
"Girlfriend." Pagtawag ni Cameron sa akin ng makarating siya sa music room.
 
"Wag mo kong kausapin." I said habang tumutugtog.
 
"Girlfriend naman, sorry na." Paglalambing nito at saka lumapit sa akin at lumuhod, hindi ko naman pinansin iyon at nagpatuloy pa rin sa pagtugtog. "Huy, pansinin mo naman ako." He said habang sinusundot ang braso ko.
 
"Get lost." Utos ko.
 
"Well, I always got lost whenever I look in your eyes." Ani nito, I rolled my eyes, bakit ba ang dali sa isang to na gawing sweet lahat ng bagay?
 
"Tigilan mo ko." I said.
 
"Girlfriend naman, di kita titigilan hangga't di mo ko pinapansin." He said, ibinagsak ko naman ang mga daliri ko sa mga key ng piano at lumikha naman iyon ng kakaibang tunog. Tinignan ko naman siya na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin. Binigyan naman niya ako ng ngiting pambata.
 
And I'll admit, I can't fucking resist it.
 
"Di ka talaga titigil?" I asked at tumango naman ito. "Fine." I said
 
"What do you mean fine?" He asked.
 
"Okay na, apology accepted." I said at nanlaki naman ang singkit nitong mga mata.
 
"R-really?" He asked at saka tumayo.
 
"Ayaw mo? Edi wag." I said at saka tumayo pero pinigilan naman niya ako at saka pinaupo ulit sa upuan.
 
"Girlfriend naman, wala akong sinabi. So gutom ka na ba? Ipagluluto kita." He said at napangiti naman ako.
 
"Yes please?" I asked, he chuckled at saka hinalikan ang noo ko.
 
"I'll be back." He said bago lumabas ng music room, naupo naman ako sa may sofa duon at saka tinignan ang mga magazine ng magsawa ako duon ay pumunta naman ako sa malaking bintana na nanduon.
 
Dumidilim na ang paligid, feeling ko Cameron will insist na dito muna kami matulog.
 
Kilala ko yun, gustong-gusto niya akong ma-solo.
 
Tumingin naman ako sa likod ko ng makarinig ako ng kaluskos, ng wala naman akong makita ay ibinalik ko ang tingin sa may bintana.
 
Napapitlag naman ako ng biglang mawalan ng ilaw, bumilis naman ang tibok ng puso ko ng makarinig ulit ng kaluskos.
 
"Cameron?" I asked, baka kasi siya ang naririnig ko. "Cameron!" Pagtawag ko ulit.
 
Napatili naman ako ng may pumalibot na braso sa leeg ko, I heard a breathing behind me at may matalas na bagay sa tagiliran ko.
 
"Who are you?" I asked.
 
"Scared your highness?" Tanong nito, hindi naman ako sumagot at sinubukang makaalis sa pagkakasakal niya sa akin. "One wrong move your highness and this knife will be found inside your body." Ani nito.
 
"What do you want." I said and I heard her chuckle.
 
"The crown your highness, I want my crown." She whispered, I clenched my jaw at pinigilan ang sarili ko na sikuhin ito. I need more answers.
 
"W-why?" Tanong ko na may kasamang takot, sheez kahit paano pala magagamit ko ang mga natutunan ko sa acting workshop eh.
 
"Cause I am the real queen, I should be the one who's in your place." She spat.
 
"You wish." Ani ko at kaagad na siniko siya, nabigla naman siya duon at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para makawala sa pagkakasakal niya. Hindi ko naman pinakawalan ang kamay niya at kaagad na kinuha ang suot nitong alahas.
 
"You bitch!" She said and I groaned in pain ng maramdaman ang pagsipa sa akin sa tiyan na dahilan para matumba ako.
 
Tatayo sana ako pero may naramdaman akong paa sa dibdib ko.
 
"You think you are strong enough to stop me your highness? Think again." She said, tumawa naman ako ng malakas at alam kong nagtaka siya duon.
 
"And you think that this thing is brilliant? c'mon show me yourself, don't be a coward darlin." Ani ko at naramdaman ko naman ang pagbigat ng paa niya na nasa dibdib ko. I screamed at saka sinuntok ang tuhod niya ng buong lakas at narinig ko naman napasigaw din siya dahil duon.
 
Narinig ko ang pagmamadali ng lakad niya papalayo, I let out a sigh at saka napahawak sa kamay ko na ginamit kong pansuntok.
 
Bumukas naman ang ilaw ulit at narinig ko ang pagtawag ni Cameron sa akin.
 
"I'm here boyfriend." Hinihingal na sabi ko, kaagad naman na nag-appear si Cameron sa paningin ko and worry is etched on his face.
 
"Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?" He asked at saka inalalayan akong bumangon, I chuckled humorlessly at saka may ipinakita sa kanya.
 
Kumunot naman ang noo nito. "A ring?" He asked again.
 
"That's from her, totoo nga ang hinala ko. Sinusunod niya ang mga nangyayari sa libro." I said at saka umubo at pinagpagan ang damit ko. "I think we need to postpone this date, may dumagdag na sa puzzle piece na hinahanap ko." Dagdag ko.

.
 
 
 
 
 
.
 
 
 
 
.
 
"Thank you for coming here in just a short notice." I said to Zaim.
 
"Wala iyon your highness." Ani nito.
 
"So, Cameron here told me na sa iyo daw siya lumapit para hanapin ang kapatid ko...sa labas." I said at tumango naman ito at may iniabot sa akin na folder.
 
"Marami akong nahanap na babae at nangangalag Taylor pero may isang bukod tangi ang tingin ko...konektado sayo." He said and he motioned his hand to open folder.
 
Binuksan ko naman ang folder at kaagad na inihit ako ng ubo ng makita ang picture. Kaagad naman na lumapit sa akin si Cameron at inabutan ako ng panyo.
 
"Here." Ani niya at saka inabutan ako ng tubig, ininom ko naman iyon bago tinignan ulit ang picture na nasa folder.
 
I was staring at my face.
 
"A-anong ibig sabihin nito?" I asked in confusion.
 
"Read her whole information your highness." Ani ni Zaim.
 
Tinignan ko naman ang mga basic information sa kasunod na page.
 
Name: Taylor Reynders
Birthdate: December 31, 1997
Mother's name: Elsa Reynders
Father's name: <no record>
Name of Siblings: <no record>
Country of Origin: Thunycea
Current Location: Arica
 
"Bakit kamukha ko siya?" I asked ng matapos kong basahin ang basic information niya.
 
"Naka-usap ko ang isang kaibigan ko na plastic surgeon, sabi niya may nagbayad daw sa kanya para gayahin ang mukha mo at ang ginamit niyang pangalan ay Ruby Porter." Zaim explained at saka may ibinigay na picture sa akin, ang original na mukha ni Taylor.
 
Totoo ngang anak siya ni Papa, may hawig ito sa kanya.
 
"May posibilidad na kaya niya ginaya ang mukha ko para malaya siyang makapag-labas pasok dito sa mansion." I said.
 
"I will gather my security team to ask question" Ani ni Cameron at sumang-ayon naman ako.
 
"Can I see the CCTV record your highness? I also want to help." Zaim said at tumingin naman ako sa kanya.
 
"Are you sure?" I asked, he smiled at me at saka hinawakan ang kamay ko.
 
"I'm sure." Sagot niya.
 
"I'll suggest that you remove your hand Zaim." Cameron said sternly, he chuckled at saka inalis ang kamay nito sa ibabaw ng kamay ko.
 
"Chill dude." Natatawang sabi ni Zaim.
 
"Cameron, why don't you lead Zaim to the control room?" I suggest.
 
Lumapit naman ito palapit kay Zaim at hinila ito patayo at palabas ng throne room, nang mawala na sila sa paningin ko kinuha ko naman ang picture ng totoong mukha ni Taylor.
 
"You want a game Taylor? Fine, I'll play with you." I said habang nakatingin sa picture niya.
 
And I will beat you in your own game.
 
 
Xxxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon