Chapter Thirty-One

3.2K 72 2
                                    

CAMERON'S POV
 
Nag-angat naman ako ng tingin ng padabog na bumukas ang pinto ng office ko, at sa pagtingin ko ay biglang may sumalubong sa akin na kamao at tinamaan ako sa mismong ilong ko.
 
Dahil sa impact nuon ay napa-atras ang inuupuan ko na swivel chair, kaagad na hinawakan ko ang ilong ko at saka tinignan ang kamay ko.
 
There was a blood.
 
Tumingin naman ulit sa gumawa nuon na si Celeste.
 
"What is your problem!?" Naasar na tanong ko.
 
"Para yan sa pangi-iwan mo sa kaibigan ko, Gago!" She said at saka akmang susugurin ako pero inawat naman siya ni Zaldy na nakasunod pala.
 
"I have my reasons." Sagot ko and she snorted.
 
"Reasons my ass." She said at saka inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Zaldy at saka inayos ang suot nitong jacket. "Kahit anong reasons pa yan, gago ka pa rin." She said at saka may inihagis sa akin, buti na lang at mabilis ang reflex action ko kaya nasalo ko iyon. "I heard na masaya na siya, wag na wag mo na siyang guluhin at saktan ulit." Aniya bago tuluyang umalis sa office ko.
 
Tinignan ko naman ang sinalo ko and that is a cellphone.
 
At parehas na parehas sila ng model ng cellphone na ibinigay sa akin ni Zaim.
 
Ibig sabihin…
 
Binuksan ko naman iyon and I saw my face in it.
 
It was Harriet's phone.
 
"Sir." Tumingin naman ako kay Zaldy at may inabot ito sa akin na panyo. "The blood." He said, kinuha ko naman iyon at saka pinunasan ang dugo sa ilong ko.
 
"May kailangan ka pa?" I asked.
 
"ahm..ano kasi Sir, di ko alam kung dapat ko bang sabihin sa iyon to or hindi.." He said at may paga-alangan ito sa tono niya.
 
"Nandito ka na sa office ko, kaya no choice ka kundi sabihin yan, ano ba iyon?" I asked.
 
May iniabot naman siya sa aking papel, naka-harap ang likod ng papel na iyon sa akin kaya di ko makita ang laman.
 
"Are you resigning?" I asked.
 
"Of course not Sir, basahin niyo na lang po." He said. Kahit nagtataka ay binaliktad ko iyon at tumambad naman sa akin ang picture ni Harriet at ni Spade. Ang half-brother ni Liam.
 
Tinignan ko naman ang headline, at it says there na may idine-date nga daw si Harriet na lalaking di alam kung taga-saan.
 
Binasa ko naman ang article and it says there na baka ang lalaki na daw na iyon ang magiging hari ng Thunycea, base na rin sa kung gaano sila ka-sweet habang nagu-usap ng araw na iyon.
 
Hindi ko na tinapos ang binabasa ko instead ay nilukot ko iyon at saka itinapon sa trash can na nasa tabi ko.
 
"Cancel all my appointments Zaldy." Utos ko.
 
"Right away Sir." He said at saka umalis na din sa office ko, tinignan ko naman ang cellphone ni Harriet na hawak ko at binuksan iyon.
 
May tumambad naman na note sa akin.
 
Cameron,
   I'm fine, but seriously I'm not. Iniisip ko pa rin kung bakit iniwan mo na lang ako bigla-bigla, wala man lang explanations basta ka na lang umalis at iniwan ako.
    Ikaw ba? Ayos ka lang ba? Naiisip mo rin ba ako gaya ng pagi-isip ko sayo? Paano mo pinapalipas ang araw na hindi mo ako nakikita?
    Kasi ako lagi kitang iniisip, laging bumabalik sa alaala ko yung mga panahon na pinag-samahan natin.
   Pero masaya na ako ngayon Cameron. Infact, ikakasal na ako.
   Mahal kita Cameron pero siguro tama nga ang sinabi mo na, oras na para palayain kita.
   Pinapalaya na kita Cameron.
   Sana mahanap mo na rin ang babaeng makakapag-pasaya sayo.
 
 
 
Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko pagkatapos kong basahin ang sulat na iyon, nakaramdam naman ako ng pagbigat sa dibdib ko. Parang paulit-ulit na binabasag ang puso ko.
 
Napahikbi naman ako habang paulit-ulit na pinupunasan ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.
 
"Fuck this." I muttered at saka pinagsalikop ang dalawang kamay ko bago ipinatong ang ulo ko duon habang umiiyak.
 
Alam ko namang wala akong karapatan na mag-reklamo sa mga sinabi niya duon sa letter kasi in the first place ako ang nang-iwan.
 
It was a closure letter pero bakit ang sakit?
 
Pero mas masakit yung fact na ikakasal na siya pero hindi sa akin.
 
Kinuha ko naman ang cellphone ko at sinagot ang kung sino man ang tumatawag duon ng hindi tinitignan ang caller ID.
 
"I'm not on mood to talk right now." I muttered at pilit na pinatigas ang boses ko para hindi halatang umiiyak ako.
 
"Alam kong dahil kay Harriet yan." Ani ni Liam sa kabilang linya.
 
"Alam mo na rin pala?" I asked and chuckled humorlessly.
 
"Yeah, ikaw agad ang tinawagan ko ng malaman ko kay Jasmine iyon eh." He said.
 
"Anong gusto mo?" I asked again.
 
"Inom tayo, libre ko." He said at bahagyang natawa naman ako duon.
 
"Sure." I said at saka ibinaba ang tawag na iyon at lumabas ng office ko habang pinupunasan ang mata ko. Tumingin naman ako kay Zaldy na nakatayo at hinihintay ang utos ko. "Ilang araw akong mawawala." I said at saka tuluyang umalis na duon.
 
Hahanapin ko lang yung sarili ko.
 
 
 
 
 
HARRIET'S POV
 
"Yung relationship namin hindi naman siya na-public gaya ng sa atin ngayon." I said at saka tumingin kay Spade na sumisipsip mula sa juice na hawak niya. "Cause its risky, kaka-patong pa lang sa akin ng korona tapos may issue na ganun." dagdag ko.
 
"Hindi ba mahirap yun?" He asked.
 
"Sa una oo, kasi nakaka-ilang mag-pretend na wala kaming relasyon sa harap ng maraming tao. Pero katagalan ine-enjoy na lang namin." I said.
 
"Mukhang tinamaan ka talaga sa singkit na yun ah." He said and I chuckled.
 
"Yeah, lately ko lang din na-realized" Sagot ko. "Nga pala, I have a question for you." I said.
 
"Ay teka lang di pa ako nagre-review, bukas na lang." Pabirong sabi nito and I chuckled. "Oh sige ano yun?" He asked.
 
"Bakit pumayag ka kaagad na pakasalan ako? Hindi mo pa naman ako ganun ka-kilala." I asked curiously. Itinapon naman niya ang wala ng laman na lalagyan ng juice sa nadaanan naming basurahan.
 
"Actually, I just joking when I told you yes at first. Pero noong tinanong ko kung magiging hari ba ako kapag pinakasalan kita and you say yes. Pumasok kaagad sa isip ko yung mga single parent na tinutulungan ko." He said at tumingin naman ito sa akin. "I'm helping them to keep their babies lalong-lalo na yung mga nanay na buntis pa lang. Tinutulungan ko sila para hindi nila ipalaglag ang bata. So ayun, naisip ko na mas lalong dadami ang matutulungan ko kapag hari na ako." He explained.
 
Huminto naman ako sa paglalakad at ganun din siya, saglit na tinignan ko siya bago ako yumakap sa bewang niya.
 
Halatang nagulat naman siya sa ginawa ko pero kalaunan ay niyakap niya din ako pabalik.
 
"Para saan naman to?" Natatawang tanong nito habang nakayakap din sa akin.
 
"Wala lang, na-amaze lang ako sa mga sinabi mo. Di ko akalain na ginagawa mo iyon." I said at saka tumingin sa kanya and I smiled at him.
 
Kung titignan kami sa malayo ay para kaming lovebirds na naglalambingan dis-oras ng gabi.
 
"Pang-ilang beses ko na yan narinig your highness." Pagbibiro nito, humiwalay naman ako sa kanya at saka hinawakan ang kamay nito.
 
"Don't worry, you have my support. Tutulungan kita kasi tinulungan mo din ako." I said and he gave me a smile. "Anyways, tara na sa mansion at nagugutom na ako." I said, natatawang inakbayan naman niya ako at saka nilakad na namin ang daan papunta sa mansion.
 
Nang makarating naman kami duon ay inalis ni Spade ang pagkaka-akbay sa akin at saka inalalayan ako na maka-akyat sa hagdan papunta sa main door.
 
Sumalubong naman sa amin ni Serein, he bowed at us.
 
"What is it Serein?" I asked.
 
"Prince Heat is here to talk to you, your highness." Ani ni Serein. Nagka-tinginan naman kami ni Spade and he nodded at me.
 
"Lead Consort Spade in his room and serve his food." Utos ko.
 
"Di ka sasabay sa akin?" He asked.
 
"May kakausapin pa ako eh." I said.
 
"Hihintayin kita." He said.
 
"Sure ka?" I asked and he nodded again. "O-okay then, pwede ka munang mag-stay sa entertainment room habang hinihintay ako." I said at saka tinignan si Serein. "Lead him on entertainment room instead." Utos ko ulit.
 
"Sure your highness." Aniya.
 
Ngumiti naman ako kay Spade bago siya iniwan duon at pumasok sa loob. Tinahak ko naman ang daan papunta sa throne room kung saan nanduon si Prince Heat.
 
"Prince Heat, we meet again." I said habang naglalakad papasok sa throne room, tumayo naman ito sa kinauupuan niya at nag-bow sa akin. "Have a seat." I said at sumunod naman ito.
 
"I know it’s a sudden visit your highness but it is important." Panimula nito. "My father read the article about your marriage to an unknown man, he demands an explanation about it." He explained.
 
Saglit na tumingin ako sa kanya bago tumawa ng malakas, yung tawang nakaka-asar.
 
"Okay sorry about the laugh *laughs* but first of all, are we related?" I asked at umiling naman ito. "Then I believe that I don't need to do an explanation about my upcoming marriage." Dagdag ko.
 
"But he wants you to marry me instead." He said and I scoffed.
 
"He's not my father." I said at saka sumandal sa kinauupuan ko. "Look, I get it that you are offended on what my decision is but to question about it is already a violation. You are on my land Prince Heat, and you don't have a right to question me." I said at saka tumayo at lumabas na ng throne room leaving him behind.
 
Kapal naman ng mukha niya na kwestiyunin ako, ano siya chicks?
 
"Your highness, I found this while cleaning your study room." Ani ni Vince at may inabot sa akin na papel, kinuha ko naman iyon at tinignan.
 
"Okay, you may leave Vince and tell the maid to prepare the dining hall, me and Spade will eat together." Utos ko, nag-bow naman ito bago ako iniwan duon.
 
I let out a sigh at saka binuklat ang papel na iyon and I saw a familiar hand-writing.
 
It was Cameron's handwriting.
 
Kaunti lang ang sulat na nanduon pero halos mawasak ang puso ko ng basahin iyon.
 
I love you, mahal kita at patuloy pa rin kitang mamahalin hanggang sa huling hininga ng buhay ko.
---- Cameron.
 
I clenched my jaw at saka nilukot ang papel na hawak ko.
 
Mahal din kita Cameron.
 
Mahal na mahal.
 
 
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon