Chapter Thirty-Six

3K 64 0
                                    

HARRIET'S POV

Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya, para akong robot na biglang nawala ang sistema sa katawan.

"Harriet." He muttered.

At iyon ang nagpamulat sa akin sa realidad.

Inalis ko naman ang maskara na suot ko at saka itinapon iyon sa isang tabi bago tumingin sa kanya.

"It's your highness for you." I said.

Hindi naman siya sumagot at gaya kanina ay nakatingin lang siya sa akin.

"I can't believe na dito lang din mapupunta lahat." I said and I let out a sigh.

"Let me explain." He plea and that made me chuckle humorlessly

"Nawalan ka na ng karapatang magpaliwanag simula noong umalis ka sa palasyo." I answered at saka tinignan ang mga kuko ko. "Besides, ikakasal na rin naman ako. So don't bother" Dagdag ko.

"Sigurado ka na ba?" He asked.

"Sigurado saan?" I asked in confusion at saka tumingin sa kanya.

"Sa pagpapakasal mo...kay Spade." He said.

"Oo sigurado na ako, at wala ka ng magagawa para baguhin iyon." I said at saka lumakad na paalis duon.

Pero napahinto naman ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry." He whispered, naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin mula sa likod and I gasped on that. "I shouldn't left you that day..." He whispered again.

Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko, tama na Harriet, hindi ka marupok.

Hinawakan ko naman ang mga braso niya na nasa bewang ko at saka inalis iyon duon, hinarap ko naman siya at alam kong bakas sa mukha ko ang galit.

"Sana nga diba? Sana nga hindi mo ko iniwanan ng araw na iyon para hindi ako nagkakaganito." I said at naramdaman ko naman ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. "Edi sana masaya pa tayo, edi sana hindi ako miserable ngayon." Dagdag ko.

"Nasaktan din ako Harriet." Ani nito.

"MAS nasaktan ako Cameron!" I screamed all of the sudden. "Ako lang dapat ang nasasaktan dito, ako ang iniwanan. Wala kang karapatan! Wala kang karapatan na magpakita sa akin bigla-bigla tapos anong sasabihin mo? Sorry? Gago!" I said at saka tuluyan ng tinalikuran siya at umalis na sa lugar na iyon.

Dapat di na ako pumunta duon.

Nang makabalik na ako sa loob ng venue ay nakasalubong ko naman si Spade na halata ang pagkabahala sa mukha.

"There you are...saan ka ba galing?" He asked at saka inalalayan ako na makalakad.

"Sa labas." Maikling sagot ko.

"Sa labas? edi nakita ka ng media? bakit mo naman ginawa yon?" He asked again.

"Nope, sa likod ako napadpad, malayo sa media and guess what." I said at saka tumimingin ulit sa kanya.

"What?" Tanong nito.

"Nakita ko siya." Sagot ko and his eyes widened in realisation.

"R-really? anong sinabi niya? may ginawa ba siya sayo?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin.

"Cameron is not like that Spade, wala naman siyang ginawa. Paulit-ulit lang naman siyang nag-sorry" I said and I let out a sigh at saka umupo sa sofa na nanduon. "Ang lakas ng loob niya na magpakita sa akin bigla tapos sisirain lang ng ganun-ganun ang sistema ko." Natatawang sabi ko.

Umuklo naman si Spade at saka tumingin sa akin at iniipit sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko.

"Ganun talaga kapag mahal mo ang isang tao Harriet, kahit na ipag-tabuyan ka. Lalapit at lalapit ka pa rin." He said, tumingin naman ako sa kanya.

"Kung mahal niya ako, bakit niya ako iniwan?" I asked and he gave me a smile bago sumagot.

"Hindi sa lahat ng oras laging nandyan ang mga tao na nasa paligid mo, I mean, pare-pareho lang tayo na tao at pare-pareho na may problema." Sagot nito.

Hindi naman ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya.

Kung sino man ang babaeng mamahalin ulit ng lalaking to, napaka-swerte niya.

Kaso, ikakasal na siya sa akin.

"Hindi ka ba talaga nagsisisi na papakasalan mo ko?" I asked.

"Ikaw ba, hindi ka ba nagsisisi na ikakasal ka sa akin?" Tanong nito pabalik.

At it really hit me.

Hindi pa talaga ako handa para duon.

"Pero kailangan ako ng bansa ko." I said more than yo myself.

And this time, siya naman ang hindi nakasagot.

Dahan-dahan naman ba inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, siguro dahil na din sa alak na nainom ko ngayong gabi.

"Your highness! there you are!" Kaagad naman na humiwalay ako kay Spade at tumingin sa nagsalita. "Oops, I'm sorry naka-istorbo ba ako?" Zaim asked.

"What is it?" I asked.

"If Spade don't mind, hihiramin lang sana kita para makausap ang ilang investors na interesado kang makilala." He said. "Wait, where is your mask?" He asked.

"Uhm...nailapag ko somewhere eh, di ko na maalala." Sagot ko at saka tumayo at inayos ang gown na suot ko. "Let's go?" I asked.

"Right...let's go." He said.

Habang naglalakad ay nahagilap ng mata ko si Cameron and he is glaring to someone.

Sinundan ko naman iyon ng tingin and I saw Spade na siyang naka-upo ngayon sa kinauupuan ko kanina.

Nakita niya ba yung ginawa ko kanina?

Oh well, Like I care.

Besides, Spade is my fiance. I have a right to do that.

Right?

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Left.

Chareeeng HAHAHAHAHA

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon