Chapter Thirty-Seven

3.1K 64 1
                                    

HARRIET'S POV

I let out a sigh at saka iminulat ang mata ko, tumingin naman ako sa digital clock na nasa side table ko and it says that its 4:00 am. Dahan-dahan naman na bumangon ako at saka tumayo mula sa kama.

Binuksan ko naman ang sliding door ng balkonahe ko and I stepped outside and breathed the fresh air of Thunycea.

It's been a week simula noong makita ko si Cameron sa Dubai, pagkatapos ng gabing iyon. Kaagad na umalis ako at bumalik dito sa bansa ko.

Kasi habang nanduon ako, mas lalong masisira ang sistema na binuo ko noong iniwan niya ako.

There's no way na ipapasira ko na lang ng ganun-ganun iyon.

Spade stayed there for a week, naintindihan naman niya kung bakit kailangan kong umalis.

"A jog will be fine." I said at saka pumasok ulit sa kwarto ko at nagbihis.

Nang makarating ako sa malawak na lupain ng mansion ay kaagad na nag-stretching ako bago tumakbo, kita ko naman ang ibang trabahador na naglalakad papunta sa kani-kanilang mga pwesto.

Hindi ko alam kung naka-ilang laps ako, huminto na ako ng maramdaman ko ang pagod at ang init ng katawan ko.

Lumakad naman ako kung saan nanduon si Vince na naghihintay sa akin, kinuha ko naman ang bote ng tubig na nasa box na dala niya at saka uminom duon.

"Good Morning your highness" Tumingin naman ako sa nagsalita at kaagad na naibuga ang nainom ko na tubig sa kanya ng dahil sa sobrang gulat. "Wow, what a morning." Cameron commented at saka pinunasan ang mukha niya gamit ang panyo.

"Cameron!? what are you doing here!?" I asked, kaagad naman na tinakpan ko ang bote na hawak ko at saka ibinalik sa box na hawak ni Vince.

"Forgive me your highness, I forgot to mention that he came yesterday." Vince said habang nakayuko ito.

"Leave us." Utos ko.

Nag-bow naman ito bago umalis, nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay humarap ulit ako kay Cameron.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"I'm here to fulfill my Knight duties." He answered.

"Knight duties my ass." I said and rolled my eyes. "Umalis ka na diba? wala ka ng karapatang bumalik." Dagdag ko.

"Give me a chance." He said all of the sudden.

"What?" I asked.

Lumuhod naman ito kaya napa-atras ako ng bahagya pero hinawakan lang nito ang kamay ko. 

"Give me a chance your highness, gagawin ko ang lahat.." He plead.

"Talaga?" I asked at tumango naman ito. "Then leave..." I said.

His face flash a disbelief one.

Binawi ko naman ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Akala mo ba ganun na lang kadali iyon? sorry pero hindi ako marupok gaya ng ibang babae diyan." I said at saka pumasok sa loob ng mansion at iniwan siya duon.

Sinipa ko naman ang unang lamesa na nakita ko, at dahil duon ay nalaglag ang vase na na nanduon at nabasag iyon.

"Your highness! are you okay?" Serein asked.

Tumingin naman ako sa kanya.

"I don't want to talk to Knight Cameron today, if he really need to, send Vince instead" Utos ko at saka umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Nang makapag-bihis na ulit ako ay kaagad naman na umupo ako sa kama at sumandal sa headboard habang may binabasang papel.

Pinakuha ko ang ilang mga papeles na nasa study room ko kasi ayoko talagang lumabas ngayon.

Lalo na ngayon na nandito na si Cameron.

Bakit ba affected ako masyado? duh di kaya ako marupok.

Di daw marupok.

Shut it brain, totoo naman.

Eh bakit nandito ka sa kwarto mo? natatakot ka no?

I'm not, bakit ako matatakot?

Takot.

I said shut it.

I let out a sigh at saka humiga sa kama. Nababaliw na ako, nakikipagtalo na ako sa sarili ko.

Totoo nga ang nababasa ko sa ibang novels na nababaliw yung mga hari at reyna dahil sa sobrang pagmamahal.

No way! di pa ako baliw.

Tama di pa ako baliw.

Napapitlag naman ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko, I muttered 'come in' at bumukas naman iyon.

"Your highness, consort Spade is here." Ani ni Vince na siyang kumatok.

"Let him in." Utos ko.

Nawala naman siya sa pinto at maya maya ay napalitan ni Spade, he smiled at me bago isinara ang pinto.

"Kailan ka pa dumating?" I asked at saka bumangon mula sa pagkakahiga.

"Noong sunday pa, by the way. Nandito na pala si Cameron?" He asked at saka umupo sa paahan ng kama ko.

"Yeah, nabugahan ko pa nga ng tubig ng dis oras eh." I said at saka bumalik sa pagbabasa sa papel na hawak ko kanina.

"Seriously? sinong matinong reyna ang gagawa nuon? Wait, bakit ko ba tinatanong? ikaw lang naman ang gumawa nuon." Pambabara nito sa sarili niya at bahagya naman akong natawa duon.

"Humihingi siya ng chance." I said at saka ibinaba ang papel na hawak ko at tumingin sa kanya. "Lumuhod pa nga siya sa harap ko eh." Dagdag ko.

"H-he really did that?" Gulat na tanong nito.

"Oo, lumuhod talaga siya." I said.

"Wow, grabe talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao." He said.

"And what do you mean by that?" I asked in confusion.

"Hindi lumuluhod kahit kanino ang lalaking iyon, kahit pagpulot ng ballpen sa sahig hindi siya lumuluhod." He said at saka nagsimulang mag-drawing gamit ang daliri sa sheets. "At nai-kwento niya sa amin dati na luluhod lang siya sa babaeng makakakuha ng puso niya." Dagdag nito.

I rolled my eyes at saka sumandal ulit sa headboard.

"Nakaka-asar siya, I hate him." I said.

"No you don't" He answered.

"Excuse me?" I asked.

"You hate what he did, not him." He answered again at dahil duon ay binato ko siya ng unan at natawa naman siya duon.

Bakit ba lahat ng sinasabi ng isang ito tama!?

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon