Chapter Twenty-Seven

3.1K 76 0
                                    

CAMERON'S POV

Padabog na binuksan ko ang pinto ng opisina ko at sinipa ang unang vase na nakita ko. Bumagsak naman iyon sa carpeted floor, basag.

Dumiretso naman ako sa swivel chair ko at pabagsak na umupo duon, I removed my eyeglasses at saka tinignan si Zaldy na tahimik lang na nakasunod sa akin.

"Cancel all my meetings na may kaugnayan sa mga investors and board members, I don't want to see their fucking face for now." Utos ko.

"Yes Sir." Ani ni Zaldy.

"Leave." I said at kaagad naman na sumunod ito. I let out a sigh at saka kinuha sa bulsa ko ang cellphone na ibinigay sa akin ni Zaim.

Sinubukan kong ibalik sa kanya iyon noong iwan ko ang Thunycea pero tumanggi lang ito.

He said na baka daw kailanganin ko ito in future. Konektado pa rin ito sa cellphone ni Harriet na nasa Thunycea.

Binuksan ko naman yung cellphone na iyon and I saw Harriet's face. Yes she's my wallpaper.

Nakuha ko itong picture niya sa interenet, ito yung first photo niya as a Queen of Thunycea.

She is really elegant.

And beautiful.

My fingers lightly trailed her face, kasabay nuon ay ang pagtulo ng luha ko.

I'm so sorry Harriet.

Dahan-dahan naman na inikot ko ang swivel chair ko para nakaharap ako sa glass wall na nasa likod.

Pero hindi ako nag-focus sa tanawin kasi nakatitig lang ako sa picture ni Harriet.

Ipinangako ko sayo na hindi kita iiwan pero...tignan mo ang ginawa ko.

I left you.

For the sake of the selfish board members.

"I'm so sorry" I said in between of my sobs.

Binuksan ko naman ang phone at saka tinawagan ang number ni Harriet, nanginginig na itinapat ko ang receiver sa tenga ko at hinintay na sagutin niya iyon.

Pero 'cannot be reach' ang number na iyon.

I closed my eyes at saka sumandal sa swivel chair.

"Sa wakas na-tiyempuhan din kita singkit." Narinig kong sabi ni Allen, di naman ako nag-abalang humarap sa kanya. He can talk like I fucking care.

"Wala ako sa mood." Sagot ko at saka pinunasan ng mga luha ko.

"Oh c'mon! minsan na nga lang tayo magkita eh ang sungit mo pa." He said and I rolled my eyes, humarap naman ako sa kanya at tumaas ang kilay ko ng makita siya.

Medyo gumanda ang hulma ng katawan niya at medyo naging blooming ang aura niya.

"Whats up lover boy?" He asked at saka naupo sa upuan na nasa harap ng lamesa ko. "Umiiyak ka ba? let me guess, babae no?" He asked again.

"Eh ano naman?" Pambabara ko and he chuckled on that.

"Bro, wala namang masama kung iiyakan mo ang isang babae. Di nakakabawas ng pagkalalaki yun, in fact that was a proof na mahal talaga natin ang isang babae." He adviced.

"Yeah, you're right." Sagot ko.

"So sino ba yang iniiyakan mo ha?" He asked and wiggled his eyebrows suggestively.

"Ano munang ginagawa mo dito?" I asked.

"Oh right I almost forgot, here." He said at saka may inilapag na ilang folders sa lamesa ko. "Ilang linggo na ako ang namahala dito sa kumpanya mo, naawa ako kay Zaldy eh." He said and I chuckled.

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon