Chapter Eleven

3.9K 97 2
                                    

HARRIET'S POV

Kaagad naman na tumulo ang luha ko habang pinapanood na ibaba sa hukay ang kabaong kung saan nanduon ang aking ama.

Lumapit naman ako at inihulog ang hawak ko na puting rosas, kumurap-kurap naman ako habang patuloy pa rin sa paggawa ng luha ang mata ko.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Ate Jasmine sa kamay ko. Tumingin naman ako sa kanya bago isinandal ang ulo ko sa balikat niya habang ang kabilang kamay naman niya ay hinahaplos ang braso ko in a comforting way.

"Condolences your highness" Ani ni Vince at tumango lang ako bilang sagot. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino.

"Cancell all my meetings today. I want to be alone." Utos ko at nag-bow naman ito bago umalis.

Mga ilang minuto ang lumipas bago tuluyang natabunan ang kabaong ni Papa. Nagsimula na silang mag-ligpit ng mga ginamit pero ako ay nakaupo lang sa tapat ng lapida ni Papa.

Here lies:
King Leo Nathanie Casper Altamirano
1966 - 20xx

Itinabi namin siya sa kung saan inilibing si Mama.

"Papa...Mama...sana masaya na kayo kung nasaan kayo." I said in between of my sobs. "Miss ko na kayo." Dagdag ko.

Hinawakan ko naman ang lapida ni Papa at tuluyang napayuko at humagulhol.

Nakaramdam naman ako ng basa sa balikat ko hanggang sa magsunod-sunod na iyon. Great, pati ang panahon nakikisabay na sa akin.

Pero nanatiling nakaupo lang ako duon kahit unti-unting lumalakas na ang ambon.

"I don't know if I can still lead the kingdom Papa..." I said and I smiled a littled. "Pero para sa iyo...para sa inyo ni Mama, gagawin ko." Dagdag ko.

Naramdaman ko naman na may nagtabon ng coat sa ulo ko. Tinignan ko kung sino at si Cameron naman iyon, may hawak siyang payong habang nakatingin sa kung saan.

"Tumayo ka na diyan, masisira yang dress mo." He said pero hindi ko siya sinunod at ibinalik ang tingin sa lapida ni Papa. "Your highness.." Pagtawag nito.

"Leave me alone Knight." I said.

"I can't leave my girlfriend in the middle of the rain." He said.

I closed my eyes at pilit na pinakalma ang sarili ko, hindi ko alam kung ano na ang mararamdaman ko ngayon.

"It hurts." I mumbled.

"I know." He answered, tumingin naman ako sa kanya ng umupo siya sa tabi ko. "Sino ba ang hindi masasaktan kapag iniwan ng taong mahal niya diba?" He asked at saka tumingin sa akin.

"Sasamahan mo talaga ako dito?" I asked and he smiled at saka tumango. Tinapik naman niya ang balikat niya like he's saying na sumandig akk duon.

"Pinaalis ko na ang mga guards at si Vince." He said ng makita ang paga-alangan sa mukha ko.

Inalis ko naman ang coat na itinabon niya sa ulo ko at saka sumandig sa balikat niya.

"And like I said, you can cry." He said at awtomatiko namang nagsimulang gumawa ng luha ang mata ko. "You have every right to be sad right now." Ani nito at saka hinaplos ang buhok ko.

"And like I said earlier, I still believe in you." He whispered.

"Thank you...boyfriend.." I said at bahagyang natawa naman siya duon.

"Walang anuman, girlfriend." He said at saka hinalikan ako sa noo.

.

.

.

I sneeze and excusing myself immediately to Vince. Kita naman ang paga-alala nito sa mukha niya.

"You're highness, are you feeling well?" He asked.

"I'm fine Vince, I just stayed too long under the rain." I said at kaagad na bumahing naman ulit ako at gaya kanina ay nag-excuse ulit ako. "Where is knight Cameron by the way?" I asked

"He left the country this morning your highness." He said at kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Why?" I asked again

"He said that he has an important thing to do in the Philippines." Vince explained. I rolled my eyes at saka inayos ang damit ko, walang hiyang lalaki yon. Hindi man lang nagpapa-alam sa akin. "I can call him if you need him" He offered pero sumenyas lang ako na wag na. Baka biglang malugi ang business niya duon eh.

"Can you please elaborate me why I have a press conference all of the sudden?" I asked at saka humarap ulit sa kaniya.

"The people want to know what really happened and why all of the sudden you claimed the throne" He said.

"Okay, let's go." I said at saka lumakad palabas ng study room ko at dumiretso sa Press Room.

Duon ginaganap ang mga press conference gaya ng gagawin ko ngayon, hindi pwede sa throne room dahil tanging ang mga may mataas na katungkulan at ibang mga tao na may permiso lang ang pwedeng pumasok duon.

Binuksan naman ng mga guards ang pinto ng makarating ako duon. Kaagad naman na sinalubong ako ng mga flash ng camera habang papasok ako.

Pinaghila naman ako ng isang guard duon ng upuan at duon ako naupo, sa harap ko ay may mga magkakatabing mic na nakapatong sa lamesa.

"The Queen needs your silence everyone." Ani ng spokesperson ng palasyo, I think his name is Christian.

Nang tumahimik na ang lahat ay nagsalita na rin ako.

"Everyone, I am Queen Harriet Grace Ariadne Altamirano the youngest daughter of the late King Leo and Queen Aurora." Pagpapakilala ko sa sarili ko. "I know all of you are wondering what happened to the King." I said at tumingin naman ako sa kanilang lahat

"He was shot and went into a critical condition but eventually... he died." I said at natahimik naman ulit ang mga tao. "We are still investigating what happened." Dagdag ko.

"Your highness, can I ask a question?" Tanong ng isang reporter duon at tumango naman ako. "According to my source, you immediately held a coronation after the King's death. Why is it?" Tanong nito.

"It is my father's wish to me. He said that if someone happened to him, held a coronation immediately. Cause he don't want to left his people without a leader." Sagot ko at tumango-tango naman ang reporter na iyon.

"Rumors are spreading around the country your highness, it says that you removed all the members of the council. Is it true?" Tanong naman ng babaeng reporter.

"Yes its true." Diretsahang sagot ko at nagsimula naman ang bulong-bulungan. "Cause they are a bunch of the manipulating people and I don't want that." Dagdag ko.

"Also some of the rumors says that you order a shoot kill for them." Dagdag naman ng reporter.

"Its true, cause they dare to disrespect my gender and my whole personality." I honestly answered.

"Your highness" Tumingin naman ako sa tumawag sa akin and I nodded, signalling him to ask what he want to ask.

"Is it true that you and Knight Cameron are dating?" He asked and my eyes slightly widened.

Oh fuck this.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxx

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon