Chapter Six

4.6K 106 5
                                    

HARRIET'S POV

My fingers lightly touched the key of the piano while playing a song, kasalukuyan akong nandito sa music room ng mansion habang hinihintay ang council at ang ibang delegates mula sa ibang bansa.

Dahil ngayong araw, ipapakilala na ako bilang crown princess at sa darating na biyernes na ako ko-koronahan.

And its Tuesday today.

"Stone cold?" Tumingin naman ako kay Cameron na nakasandal sa may hamba ng pinto at nakatingin sa akin. Huminto naman ako sa pagtugtog. "Why did you stop your highness?" He asked

"Akala ko bumalik ka na sa Pilipinas." I said at saka tumayo at lumapit sa kanya.

"Hindi ako pwedeng bumalik sa Pilipinas hangga't hindi ka pa nako-koronahan." He answered.

"So...kasalanan ko?" Tanong ko sa kanya.

"Wala akong sinasabing ganyan, your highness" He said at bahagyang natawa naman ako dito.

"You can lower your speech to me kapag tayong dalawa lang" I said at tumango naman ito. "By the way, nandyan na ba sila?" I asked.

"Yung iba wala pa." He answered.

"Fuckshit, kinakabahan ako." I muttered at narinig ko naman siyang natawa duon.

"It's unbelievable, I heard the princess cursed." Natatawang comment nito, I chuckled

"Minsan kasi uma-ariba ang bibig ko kapag kinakabahan, the girls even called me cursing machine." I said habang inaalala ang mga moments ko na hindi ko sinasadyang magmura.

"It's natural, you know." He said at saka tumingin sa kaliwa't-kanan bago ibinalik ang tingin sa akin.

"What?" I asked and he smiled.

"Wala lang, ngayon ko lang na-realize na I trained the crown princess to be a part of the most successful girlgroup." He said and I chuckled.

"I still remember that day, yung halos tusukin ko na yung mata mo kasi di ko gusto yung way ng pagtingin mo sa amin" I said at kumunot naman ang noo nito.

"bakit naman?" He asked

"Kasi naman, yung tingin mo parang nangja-judge." I ranted.

"I'm a specific person, gusto ko ganito-ganyan. Mapili kumbaga" He explained.

"I know, yun ang sabi sa amin ni Tito Aimar noon." I said, "Nakaka-miss ang girls, kamusta na kaya sila?" I asked.

"Zaldy reported na ipinagpa-patuloy pa rin nila ang tour kahit na biglaan ang alis mo, by the way. Alam na ba nila na ikaw yung.." He trailed off but I shrugged my head.

"I want to protect them." I said and he nodded.

"Pero katagalan mapa-padpad sila dito sa Thunycea para gumawa ng isang fund-raising concert, magko-courtesy call sila dito." He said at mahina namang napamura ako. Ba't nakalimutan ko yon?

"Kung gusto niyo hindi na lang natin sila papa-puntahin dito? Pwede naman yun." He suggested, umiling naman ako at saka binigyan siya ng ngiti.

"One way or another, malalaman din nila ito. Ba't hindi pa sa araw na yon diba? Kailan ba?" I asked

"The week after your coronation." He said, napabuntong-hininga naman ako.

"Your highness." Tumingin ako kay Vince na kadarating lang, he bowed slightly bago nagsalita ulit. "The council is waiting" He said at tumango naman ako, tumingin naman ako kay Cameron na nakatayo na ng maayos. He also bowed slightly.

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon