Epilogue

5.9K 129 12
                                    

HARRIET'S POV

"Harriet naman! ilang buwan na akong naghihintay ng e-mail mo hanggang ngayon wala pa rin??" Naiinis na tanong ni Spade sa kabilang linya.

"Ano? umagang-umaga yan na naman ang issue mo? tigilan mo ko Spade, baka gusto mong mas humaba ang ban mo dito?" Pagbabanta ko sa kanya.

"Okay! sorry! sadyang miss ko na ang Thunycea, alisin mo na kasi yung ban sa akin." Spade plead and I can imagine na naka-pout siya ngayon.

"Siguro after kong manganak, baka magbago ang isip ko." I said nonchalantly. Bumukas naman ang pinto ng study room ko at sumilip naman duon si Cameron.

He smiled bago pumasok.

"What!? eh ilang linggo pa yun?" Pagre-reklamo ulit ni Spade.

Hinila naman ako patayo ni Cameron sa kinauupuan ko at siya ang umupo bago ako pina-upo sa lap niya.

Many months had passed, marami na rin ang nangyari sa aming dalawa ni Cameron.

Yep, ikinasal kami. Nagulat ang buong bansa sa balitang iyon, alam ko. Nakakagulat talaga.

Buong akala nila na si Spade ang mapapangasawa ko pero in the end.

It was Cameron.

And I'm really happy for it.

Pero kapalit noon ay isang malungkot na pangyayari.

Spade called me one day at ibinalita niya na na-aksidente si Liam at Ate Jasmine.

At dahil duon ay naging kritikal ang lagay ni Ate Jasmine at kinailangan na ilabas ang bata sa sinapupunan niya.

The child is still fighting for his life pero si Ate Jasmine?

She's gone.

Kasabay ng pangyayaring iyon ay ang pagkabuntis ko.

Pabalik-balik ako sa hospital dahil sa paulit-ulit na pagdurugo ko dahil sa sobrang stress.

Buti na lang at nandyan si Cameron na siyang umalalay sa mga gawain ko dito sa palasyo.

And now, I'm ready to pop and welcome my child in this world.

Wala akong pake kung babae ang magiging unang anak ko. Basta siya ang magmamana ng lahat ng ito pagdating ng panahon.

"Sino yan?" Cameron asked. Ibinigay ko naman sa kanya yung telepono at siya ang kumausap sa makulit na lalaking iyon.

I banned Spade and Zaim here in Thunycea matapos yung ginawa nila sa amin ni Cameron. Although may part ako na thankful sa ginawa nila pero mas umiral pa rin yung part na naasar ako.

Kaya ayun, banned sila dito hanggang sa sabihin ko na okay na.

"C'mon Spade, kahit na ako ang hari si Harriet pa rin yung magde-desisyon. She's the Queen, she's more powerful." Ani ni Cameron, he rolled his eyes at saka tumingin sa akin at umiling.

"Tama na yan, walang sense kausap yang tao na yan." I said. He sighed at saka pinatay ang cellphone.

Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya and I closed my eyes, naramdaman ko naman ang paghimas niya sa tiyan ko.

"How is she? pinapahirapan ka ba niya?" He asked softly.

"Nope, medyo tahimik siya this past few days." Sagot ko.

"Good." He answered. "Dadalhin na ba kita sa hospital?" He asked again.

"I'm still fine, di pa naman siya nagpaparamdam." I said at saka tumingin sa kanya.

His Series #3: Cameron RadcliffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon