HARRIET'S POV
Isang buwan.
Isang buwan ang nakalipas simula noong iniwan ako ni Cameron.
Isang buwan ko na din sinusubukang kalimutan siya.
At sa loob ng isang buwan na iyon ay hindi ko siya makalimutan.
Spade is really a blessing on me, lagi siyang nandyan kapag nalulungkot ako. Madali lang naman siyang pakisamahan, kung ibang babae ang nasa pwesto ko malamang sa malamang na-inlove na iyon sa kanya.
Di naman siya mahirap mahalin, pero hanggang kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya.
I let out a sigh at saka tumayo mula sa kinauupuan ko na swivel chair at saka pumunta sa pinto habang inaalis ang mga pins ko sa buhok at hinayaang bumagsak iyon.
Pagkabukas ko ay kaagad na tumambad sa akin si Spade na nakasandal sa katapat na dingding at may hawak na isang bouquet bulaklak
"Hey." Bati ko, nag-angat naman siya ng tingin sa akin and he smiled bago umalis sa kinasasandalan niya.
"Hey there My Queen." He greeted back at saka ibinigay sa akin ang bulaklak na hawak niya.
"I expect na may meaning kung bakit Carnation ang ibinigay mo sa akin na bulaklak" I said habang nakatingin sa mga ito.
"Carnation stands for Pride and Beauty your highness." He explained at tumango-tango naman ako.
"Thank you for this by the way." I said. "Ano nga palang ginagawa mo dito?" I asked at saka isinara ang pinto sa likod ko.
"Binibisita ka lang." Sagot nito, tumaas naman ang kilay ko at hinintay ang iba pa niyang sagot. "Okay fine! yayayain lang sana kitang lumabas." Dagdag nito.
Bahagyang natawa naman ako sa sinabi niya.
"Sa tagal na nating magkasama ngayon ka pa nahiya sa akin. Anong meron?" Pagtataka ko, napakamot naman ito sa ulo niya.
"One month na kasi...tapos na-realize ko na hindi ka nga pala basta-basta na babae lang, you are the Queen." He said at kumunot naman ang noo ko.
"Umaatras ka na sa kasal natin?" I asked.
"No! of course not." Sagot nito. "Naga-alala lang ako na baka isipin mo na hindi na kita ginagalang dahil sa mga ikinikilos ko kapag kasama kita." He explained.
I chuckled at saka hinampas ang braso nito.
"Alam mo, tumigil ka. Hindi ko naman iniisip yun eh." I said at saka ipinalibot ang braso ko sa braso niya. "Kaya tara na at lumabas na tayo." Dagdag ko at saka hinila na siya palabas.
.
.
.
"Maga-ampon ako ng aso." I said at saka tumingin kay Spade na nilalaro ang isang aso duon.
Kasalukuyan kaming nasa dog park, dito malayang nakakapag-laro ang mga aso na pinap-ampon.
"Talaga? anong lahi ang gusto mo?" He asked.
"Ikaw ba?" I asked back.
Saglit na nagka-titigan kami bago siya natawa.
"Oh? anong nakakatawa? ang weird mo talaga." I said.
"I-i'm sorry *laughs* bigla kasing pumasok sa isip ko yung pagkakaroon natin ng baby." He said at kumunot naman ulit ang noo ko.
"Okay? weird ka talaga, paano napasok ang pagkakaroon natin ng baby sa paga-ampon ng aso ha?" I asked.
BINABASA MO ANG
His Series #3: Cameron Radcliff
RomanceCameron Lawrence Radcliff, isang matunog na pangalan pagdating sa business at entertainment industry. Hawak lang naman niya ang ilang sikat na talent agency mapa-acting or music man at siya ang nagtayo ng ilang sikat na kumpanya, he is also a well k...