Eleven

593 11 0
                                    

Harry's POV

Damn headache. Ang sakit ng ulo ko. Sh*t! Teka, ano nga pala nangyari kagabi? Ahh. Kaya pala, uminom pala kami. Tch. Bumangon na ako para mag hilamos. Hindi ko pa alam ang oras, anong oras na kaya?

Kagabi napag desisyonan ko ng makipag-kilala kay Julianne. Ang ipakilala na ako si Marcel. Ano kaya magiging reaksyon niya?

Nag toothbrush lang ako saglit tapos nag palit na ng damit. Bababa na sana ako nang makita ko si... Oh sht! What am i seeing? Fvck! I saw Julianne and Niall hugging and kissing each other. Para akong tinamaan ng bilyon-bilyong bala sa bandang dibdib ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Damn it! Sila na ba? Pa'no naman nangyari yun? Ang sakit.

Julianne's POV

OMG! Hindi ako maka-galaw, hindi ko man lang magawang pumiglas sa halik ngayon ni Niall. It was a soft kiss. At sa aminin ko. Nagugustohan ko. Waaa! Kayo ba naman halikan ng isang myembro ng One direction. Makakatanggi pa ba kayo? E halos ng mga fans nga gusto silang halikan. Ok. Ang swerte ko. Kyaaa! Kinikilig talaga ako. Kagabi pa 'to siya e. Sabi niya gusto niya raw ako. E lasing siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sakanya o hindi. Pero sabi nga nila. Pag ang lasing nagsalita, totoo daw ang sinasabi. Mmmh! Maybe yes. Maybe no.

"S-sorry." Bumitiw na sa pag halik si Niall sa'kin. Awkward. Parang gusto ko pa ng isa. Pero, paano nga ba? Waaa! Grabe ang green ng isip ko ngayon. Yumuko lang ako.

"O-okay lang."

"J-julianne. Can i ask?"

"Spill." Naka-yuko ko pa ring sabi. Nahihiya ako. Waaa!

"If may manliligaw sa'yo, sasagutin mo ba?"

Napa-isip ako sa tanong niya. Paano nga ba? Eh, sa itsura kong 'to. Baka zombies at allien lang ang manliligaw e. "Depende, kung pagta-tyagaan niya talagang manligaw at mahal ko rin naman siya. Baka oo, sagutin ko siya."

Ngumiti si Niall ng nakaloloko. "Bakit?" Tanong ko.

"Wala." At umalis ang loko. Anyare do'n? Naiwan tuloy ako dito na hawak-hawak yung labi ko. At tahimik na tumili.

"Tch." Napa-tunghay ako sa dumaan sa harap ko. Si Harry? Ang sama ng tingin. Galit pa rin to sa'kin for sure.

"Kayo na ba ni Niall?" Napalingon ako sakanya. Ang likod niya ang nakaharap sa'kin. Hindi ko makita yung mukha niya. Pero, bakit tinanong niya kung kami na ba ni Niall? Nagugulohan ako sa mga taong 'to. Bigla kong naalala 'yung hinalikan ako ni Niall kanina. Posible kayang nakita niya kami? Emergerd!

"H-ha? A-ah.. H-hindi."

"Ba't parang nauutal ka?"

"H-hindi a-ah."

"Tch! Kung kayo na ni Niall. Humanda ka nalang sa maaring consequences ng relasyon niyo. Alam mo na kung ano ang patakaran ng management. At isipin mo na rin 'yung fans. Paghandaan mo kung ano mang negative comment's na ibato nila sa'yo." Hindi ako makapag-salita. Bakit dere-deretso siya? Hindi pa nga niya ako hinayaang sagutin ang tanong niya. At ang sakit no'n ha? Ibig ba sabihin pag maging kami ni Niall paghihiwalayin kami? Wala naman akong plano na maging boyfriend ni Isa sakanila.

Sasagot na sana ako nang makitang wala na si Harry sa harap ko. Umalis na siya. Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit ako nainis. At kung saan. Basta ang alam ko naiinis ako. Naiinis ako.

***

"Ba't hindi ka sumabay sa aming kumain?" Napatingin ako sa nagsasalita sa may pintuan ng kwarto ko. Si Niall pumasok pala. Hindi kasi ako sumabay kumain sakanila, at hindi rin ako kumain talaga. Tagos na tagos pa rin kasi yung sinabi sa'kin ni Harry kanina. Bakit ba kasi iniisip ko 'yun? E, wala naman akong makukuha don ha? Ugh!

"Wala kasi akong gana."

"Sure ka? Baka, ikaw walang gana. E, yang mga alaga mo sa tiyan mo? Baka, nahimatay na yan."

Kahit korni yung joke niya. Napatawa nalang ako. Siya talaga ang pinaka jolly sa buong 1D. Kaya, siguro maraming fans ang gustong-gusto siya. Mabait, tapos jolly pa.

"Ano na? Hindi ka pa rin ba kakain?"

Umiling ako bilang sagot. Nagtaka nalang ako nang bigla siya'ng lumabas. At pagbalik niya, may dala na siya'ng mga pagkain. Sobrang daming pagkain.

"Ano yan?"

"Pagkain? Halata naman siguro. Common sense din Julianne."

"I mean para saan?"

"Para kainin? Pagkain nga di'ba?"

Kung maka bara 'tong Nialler na to. Hindi pa nga ako nagsimulang kumain. Siya, ang dami ng nakain. Ok. Hungry monster. Psh!

"Ano? Hindi ka pa rin kakain? Ok. Thank you ha? Ako nalang kakain nito." Akmang kukunin na niya sana yung spaghetti na natira. Pero, dahil sa gutom na ako. Pinigilan ko.

"Ganyan. 'yan ang gusto ko sa'yo e. Hahaha!" Inirapan ko lang siya at nagpa-tuloy sa pagkain. Habang siya, ayun. Tinitingnan lang ako habang naka-smile. Ewan ko kung bakit hindi ako naiilang. Siguro, sanay na lang talaga akong nandito palagi si Niall sa tabi ko. Kahit after noong may nagyaring kiss sa'min. Waaaa! Hindi ko talaga mapigilang mamula pag naiisip yun.

"You're blushing."

Waaa. Nahahalata niya. Ugh! Bakit ba kasi ako ganito. Tumawa lang siya. Habang ako, hiyang-hiya na dito. Mas nagulat pa ako nang lumapit ang mukha niya sa'kin. OMG! Hahalikan na naman ba niya ako? Waaa. Nakatingin lang ako sakanya. Unti-unti siya'ng lumapit hanggang sa naramdaman kong dumampi ang daliri niya sa gilid ng mga labi ko.

"You're still pretty kahit may ketchup yung lips mo." Ayan, napaka assumera ko kasi. May ketchup lang pala. Hindi pala ako hahalikan. Ugh!

Pero, nabigla ako nang may mabilis na dumampi sa labi ko. This time, hindi na yung thumb niya kung hindi.. Kyaaaaa! His lips. OMG! We kissed for the second time. Nakaka-adik.

"But, much better when i wipe them using my lips." He said between our kisses. Owaaaaa! Hindi ko na alam kung abnormal na ba ang pag tibok ng puso ko nang marinig sakanya yun, pero GOsh! Fvcking Gosh! Niall is so sexy the way he said those word's. O to the M to the G.

"I like you Julianne. I like you so much. So please! Don't stop me.. For now, i will be your Suitor."

A/N : Swerte mo Julianne. Hahahaha! Ano na kaya ang mangyayari kay Marcel a.k.a Harry?

SECRET FAN [Harry styles TAGALOG FANFICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon