Harry’s POV
Deretso lang akong nakatingin sa Tatay ni Julianne ngayon. Siya.. Siya ang rason kung bakit nagkalayo kami ni Julianne eh. Fvck him, kung hindi lang siya tatay ni Julianne kanina ko pa siya sinuntok.
“Oo.. Fan din ako ninyo, feeling ko kasi nagiging baget's ako pag nakikinig sa mga kanta niyo. Ang cool.” Tch. He’s acting like a kid. I mean, hindi dahil sa ayaw ko na gusto niya ang mga music namin. Pero, damn him. Kung hindi ba kami sikat at marangya, tratratuhin niya kaming parang mga askal? Palalayasin sa bahay nila? Gaya ng ginawa niya kay Marcel? Fvck him.
“Da--este Sir, ngayo’ng alam niyo na kung sino kami.. Pwede na bang ligawan ang anak niyo?” Napalingon ako sa sinabi ni Niall.
“Aba! Oo naman, kahit pakasalan mo pa ngayon ang anak ko. Okay na okay.” See? Tch.. Golddigger. Kanina na hindi niya pa kami kilala kung ano pang pinagsasabi, at ngayon. Bigla nalang naging smooth ang pakikitungo niya sa ‘min.
“Mawalang galang na ho. Pero, para yatang nagmamadali kayo? Bakit po ba? Anong minamadali niya? Ang maki-sawsaw sa pera ni Niall?” Hindi na ako nakapag-timpi pa. Sasabihin ko ang dapat kong sabihin. Pinagtinginan nila akong lahat, ang papa naman ni Julianne ay nakatingin sa ‘kin parang nanigas ang katawan.
“Hazz”
“Ano po? Hindi ba kayo makasagot? Bakit? Dahil guilty ba ka--” Bago ko pa man lang tatapusin ang sasabihin ko ay may kamay na na dumapo sa pisngi ko.
“Wag na wag kang magsasalita ng ganyan sa Pamamahay namin Harry. Walang sinuman ang dapat pagsabihan ang Papa ko.” Napahawak naman ako sa pisngi ko at tiningnan siya na masamang nakatingin sa ‘kin. “Hindi mo pa kilala ng lubusan ang Papa ko Harry. Kaya wala kang karapatan sabihin ang mga bagay na ‘yan.”
“Hindi ba? Hindi ko ba talaga siya kilala? Ha?..” Lumapit ako sa papa niya at nakipagtagisan ng tingin. “..Kilala niyo po ba ang mukhang ‘to sir? Ha?”
Julianne’s POV
Kinakabahan ako sa ginawa ni Harry ngayon, bakit siya nagkaganito? Sinasabi niya lang paulit-ulit ang Kilala mo ba ang mukhang ‘to sir? Kay Papa. Kaming lahat ay nakatingin lang sa kanila, wala ni isang lumapit para awatin si Harry, marahil kaming lahat ay nagulat sa inakto niya. Hindi ko alam kung nagseselos lang ba siya kay Niall o may galit talaga siya kay Papa. Pero bakit naman? Ngayon lang sila nagkakilala.
“Oh! Bat hindi kayo makasagot diya’n? Kilala niyo na ba ako?” Galit na galit talaga ang itsura ngayon ni Harry, nakakatakot. At pati si Papa ay natameme.
“Tama na Harry.” Pilit kong sinisigaw, pero napaos nalang yata ako, hindi niya pa rin ako pinakikinggan.
Maya-maya ay tiningnan niya ako. Tinging malungkot. Malungkot siya. Sobrang lungkot.. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Pagkatapos, ay umalis siya. Dinala niya ‘yung bag niya. Ewan namin kung saan siya pupunta pero, lahat kami ay piniling ‘wag muna siyang sundan.
“Ano bang pinag-gagawa noong kasama niyo ha?” Galit na sigaw ni Papa.
“Sir, kami nalang ho ang hihingi ng tawad sa inaakto ng kaibigan namin. May pinagdadaanan po kasi ‘yun kaya ganoon. Pasensya na po.”
“Walanghiya ‘yun, muntikan na akong ma bogbog. Sige, dahil sa may pinagdadaanan ‘yun ipapalampas ko nalang muna. Pero, pag nagkamali siya’ng galawin ako. Ewan ko nalang kung ano ang magagawa ko.” Tumango lang silang lahat..
Panandalian lamang kaming nag-uusap ng may biglang pumasok.. Oh My God! Paanong..??
“Hazza? Bakit mo isinuot ‘yan?” Sabi ni Liam. Hazza? Harry? Siya si?
“Ngayon? Kilala niyo na ba ako? Ha?” Sigaw niya. Nakakatakot ‘yung boses niya. Nag-iba na talaga ang ugali niya, hindi na siya kagaya noong dati.. Naramdaman ko nalang ang pag-tulo ng mga luha ko, Pakengshet! Sa ilang taon kong hinintay siya.. Nandito lang pala siya sa tabi ko? Bakit hindi ko man lang nakita at naramdaman ‘yun? Bakit? Dahil ba sa ibang-iba na siya? Bakit siya nag iba? Naramdaman ko nalang na nag tama ang paningin namin. Masama pa rin ang tingin niya. Para siya’ng sinaniban. “Kilala mo na ba ako Julianne? Yanyan? Fvck!”
“B--bakit? P--paanong?” Hindi ko na yata alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagugulohan ako, nasasaktan..
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa naramdaman ko ang pagyakap sa ‘kin ni Louis. Siya kasi ang katabi ko at malapit lang sa ‘kin. Somehow, i felt comfort. Pero hindi ko na yata kaya.. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nag dilim ang paningin ko.
***
A/N : Short UD muna.. Hahaha! Comment vote and be a fan dearies .. Mwahugs :)
BINABASA MO ANG
SECRET FAN [Harry styles TAGALOG FANFICTION]
FanficNever in my wildest dream.. na sa pagiging isa'ng SECRET FAN ko. magbabago ang buhay ko.