○○○○○○○○○○○○○○○○○Evah's POV
Hinihila ako ni Drea pero hinayaan ko nalang. Sa totoo lang maleta talaga ako dati. Char eme lang. Tumigil kami sa isang kwarto. Wait! Dorm ko to ah!
Binuksan niya ang pinto. Hehe di ko kasi nilock. Wala naman atang magnanakaw dito. Tsaka sabi ni tito ,"don't worry you're safe here." So di na ako nagabala na mag lock. And beside what if there's something I need to run from. Edi sa kakahanap ko ng susi ko naabutan na ako diba. Big lang masyado brain ko.
'Bakit? Malaki ba problema mo? Tsaka nagcucutting class na tayo !Tsaka nandito ka di yun pwedi diba?! Mag kakaron tayo ng puni---'napatigil ako sa pagsasalita ng bigla syang umiyak. Huh? May nasabi ba akong mali? Or am I wrong? Am I right? Left?
'Bes...? Sorry!'sabi ko at niyakap siya. Naluluha narin ako. Ang sama sama ko! Waaaah! Huhu. I shed my tears away and look at Drea. Ang oa talaga ng mata ko kala mo talaga gripo siya eh.
'Bakit ka nagsosorry?'takang tanong niya. I rolled my eyes. Kita niyo yan kahit umiiyak ako nagawa ko pa yan!
'Trip ko lang pake mo ba.'sabi ko at pinunasan ng tumulo nanamang luha. Madali lang akong umiyak. Ganon siguro talaga pag maganda ka.
Sa sobrang weird ko minsan kahit ano nalang iiyakan ko. Well not always naman. Mga sometimes madalas lang.
'Tss. May nalaman kasi ako tungkol sa...pagkatao ko.'sabi nya ng nakayuko. Umurong naman ang luha ko. Ano naman tungkol sa pag katao nya?
Wait dont tell me! 'Ampon ka?!' I shouted. Binatukan nya ako. Aray ha! Ang sakit! Kung makapanakit to kala mo naman manhid ako. Duh?
'Gagi hindi!'mataray na sabi nya. Eh ano pala? May jowa na siya? Maeexpell siya dahil nilabag niya ang rules?
'Basta promise me Mons na kahit anong malaman mo ngayun please wag mo akong iwasan ...And remember that I won't do anything dangerous to you!'sabi nya na ikinataka ko. Kung ano ano nanamang sinabi ng isang to! Ok lang kaya to parang kailangan na nito ng medical assistance.
'Beshy kasi....kasi....ano.....kasi...kasi...' I gave her a glare. Sasabihin nya ba o hindi?!
'Seryoso ka ba talaga Drea?!'inis na tanong ko pasuspense pa to. Para naming asa horror movie kami.
'Kasi nga....'
'Ano nga?!'
'Kasi ano...'
'Kasi ano?!'
'Ahh...'
'DALI!'
'KASI NGA BAMPIRA AKO!'ano?
Bampira? Vampire? Wow mali ba to? Asan ang camera? Is a prank? Such thing doesn't exist. High ba tong kaibigan ko?
'Ha?'litong tanong ko.
'Im a....Vampire.'seryosong sabi nya at bigla nalang may lumabas na pangil sa bibig nya, her skin became pale and her eyes... it's turning to green!
Hindi ko na nasundan ang mga pangyayari at nawalan na ng malay.
○○○○○○○○○○○○○○○○○○
Q_ueenMysy
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress(Lost Series#1)
FantasyA simple average girl living with her mother's bestfriend and its five children. Bata palamang ay naulila na si Evah Monique Ramirez.What if it turns out that she's the long lost heiress of McHeather Clan?Or is she really? Join Evah as she,and you,u...