Zea POVGood morning Philippines!!!
bumangon ako na may magandang ngiti sa labi at naligo ng matiwasay. nag make up at nagbihis ng pamasok. pagkababa ko nagulat ako ng nasa salas si jady.
"jady? ano ginagawa mo dito? dika nagsasabi na pupunta ka? binilisan ko sana."
"ok lang :) tara?"
habang naglalakad kami, napapansin kong parang may mali. may gusto syang sabihin o itanong. basta! ang gulo. diko maintindihan si jady ngayon.
"ok kalang ba?" tanong ko sa kanya
hindi sya sumagot. nakatulala lang sya. o yes! I get it. meron nga.
"spill the tea" sabi ko sakanya. bigla syang nagulat sa sinabi ko.
"h-ha? a-anong sinasabi mo?"
"come on jady! ang tagal na nating magkaibigan. kilala na kita. kayong lahat. so ano yun? anong problema mo?"
"wala ano kaba. di lang ako nakatulog ng ayos kagabi. kaya medyo masakit ulo ko."
"ganun ba? hehe sorry. kalako may problema e."
ano ba naman zea, tamang hinala kana a. nako. nakakahiya kay jady. hehe
dumating kami sa campus at andun na pala sila. kaso..
"asan si rayven?"
tanong ko kila jess lovely at will.nagkibit balikat lang si will.
"kanina kopa nga tinatawagan e. di naman sinasagot tawag ko. kahit sa text ko di nagrereply" pag aalalang sagot ni jess.
"diba magkasama kayo kagabi jady? nasan sya?" tanong ni lovely
lahat kami nakatingin na sa kanya. at sya parang nag iisip palang ng sasabihin.
"oo m-magkasama kami kagabi. pero umuwe nadin kami agad. kaya diko alam kung nasan na yun ngayon"
tinaasan ko ng kilay si jady. at nag peace sign sya sakin. hay nako. ano ba yan? bat parang himala naman ata na wala si rayven? tapos si jess na na contact sakanya di manlang nya sinasagot? meron bakong hindi nalalaman???
"jess! :)" tawag ni Gab kay jess
"kuya Gab! :)"
haays. I smell something fishy. uh-oh! I think I get it na. oh my gudness!!
"guys, punta lang kaming library ni kuya Gab a. kitakits mamaya sapark! byee :)" at nag wave ang loka.nako jess!! anong ginagawa mo!! masasaktan si rayven neto tsk tsk!
"sobrang nakakapagtaka at M.I.A si rayven ngayon." -lovely
"M.I.A?" tanong ni will
"Missing In Action! hello? wag ka ngang ignorante william!!" si lovely.
"aba!!"
"osya sya sya!!" pag aawat ko. alam kong mag uumpisa nanaman tong 2 to e.
"jady?" pagtawag ko sa kanya.
"huh?"
"wala na si jess, umamin kana."
biglang nanlaki mata ni will
"pare may gusto ka kay jess? pano na si zea?" - will
bigla syang binatukan ni Lovely.
"wag ka ngang engot! makinig ka nalang!"
"ganto kase yan guys" pag sisimula ni jady.
"sana wag na muna malaman ni jess. ayokong maramdaman nya na kasalanan nya lahat"
"okiee we'll promise." sabi ko sa kanya. at nag promise din naman yung 2
"nakita namin si Gab at Jess kagabi na magkasama. magkayakap din sila."
WHAAAAAT!!!!O____O
"nasaktan ng sobra si rayven sa nakita nya. kaya tumakbo sya at iniwan nyako kagabi. gusto ko sana lapitan sila jess kaso sabi ni rayven, hayaan namin sila. kaya ayun umuwe nadin ako kagabi. pag kauwe ko, tinawagan ko agad si rayven pero diko na sya macontact. kaya kinakabahan ako baka kung ano na nangyare dun."
"halaa, anong gagawen natin?"-lovely
bakas sa mga mukha namin ang pag aalala kay rayven. nasan na kaya sya?"puntahan natin siya sa kanila"- will
dina kami nagpatumpik tumpik pa. umalis na kami ng campus at pinuntahan si rayven. lumuwag yung pakiramdam namin ng malaman namin na nandun lang sya sa knila. natutulog daw si rayven. pinapasok kami ng mama nya at ginising nya si Rayven.
"anong ginagawa nyo dito?" tanong nya.
"binibisita ka! dika pumasok e."- lovely
"kung hinahanap mo si jess, wala sya. kasama nya si Gab nandun sila sa----" agad tinakpan ni Jady yung bunganga ni william at kinurot naman sya ni Lovely. tong William nato panira talaga.
agad namang pumasok si rayven sa kwarto nya at sumunod kami. hinawakan ko sya sa braso at chineer up.
"wag kana magmukmok. pogi pogi mo e."
"onga pare. wag kana malungkot. nandito naman kami"
"sasamahan ka namin :)"
biglang sumimangot yung mukha ni rayven.
"anong sinasabi nyo dyan? maliligo nako at papasok. intayin nyo nalang ako sa campus. mauna na kayo. baka hinahanap na kayo ni jess. wag nyo sya iwan sa lalaking yun ng mag isa" - rayven
agad naman kaming umalis at sinunod ang gusto ni rayven. tama! habang in pain pa si rayven, kami muna ang magbabantay kay jess. si jess ay para lamang kay rayven! hahaha
_end_
BINABASA MO ANG
My Unbelievable love story
Romancesigurado akong makakarelate ang iba sa inyo;) enjoy reading;) dito mapapatunayan ang tunay na pagmamahal. kung hanggang saan mo kayang magsakripisyo para sa taong mahal mo.