Traydor

21 2 0
                                    

Rayven pov

Umalis ako sa harap nila. Ayoko mag burst out. Baka masaktan ko nanaman yung kaibigan ko. Este traydor kong kaibigan! Alam kong mali ang magalit sa kapwa, pero kahit anong galit ko sakanya, di maaalis na naging mabuti ko syang kaibigan. Tuwing sinusuntok ko sya, kahit kailan hindi sya gumanti. Hindi nyako magawang saktan. Kahit nasaktan ko sya noon. Hindi nya ininda yung pasa sa mukha nya. Nginitian nya lang ako na parang walang nangyare. Tinawag nya akong pare, nagpaubaya sya kahit mahal na mahal nya si Jessica! Tuwing naiisip ko yan, naiinis ako. Bakit nya nagawa saken to! Kaibigan ko sya, kapatid ang turing ko sa kanya pero, pero bakit nya ko tinraydor?!!

FLASHBACK.....

Tinawagan ako ni gab na mag cecelebrate daw sya sa restaurant kase isa sya sa mga candidate ng exchange student. Matagal pa naman ang alis nila siguro mga 4months pa. Kase inaasikaso pa mga papeles nila eh.

Masaya ako para sa kaibigan ko. At masaya rin ako kase sinagot nako ni jess.

Gab: bro! Andito kana pala. /fist bomb/

Ako: bro! Congrats ah!

Erell: 2pala kayong masaya eh.

Gab: bakit?

Ako: sinagot nako ni jess :)

Lahat sila ki nong grats ako, pwera kay gab.

Gab: pare.

Biglang tumunog ng malakas yung radyo at nag tugstugan na sa restaurant. Naging isa syang disco ball sa sobrang ingay.

Ako: ano yun pare.

Gab: congrats!

Ako: ano?

Gab: wala.

Ako: guys cr lang ako ah.

Narinig naman nila kase sumigaw ako. Sobrang ingay talaga kung hindi ka sisigaw hindi ka talaga maiintindihan.

Nagpa gwapo lang ako ng konti sa salamin at tinawagan si jess. Sinabi ko lang na kasama ko si gab.

Pagbalik ko nakita kong nag uusap sila. Parang may sinasabi si gab na hindi nila maintindihan kaya nag sign ako sa nagpapatugtog na putulin muna yung kanta para di masayang boses ni pare. Mabait ako eh ano ba kayo. Hahaha

Gelo: /pasigaw/ ano pareng gab?

Gab: /sumigaw/ /biglang tigil ng kanta/ na aagawen ko si Jessica kay Rayven!

O.o rinig na rinig yun ng 2 tenga ko. Nagpanting ang tenga ko at sinuntok si Gab!

Ako: walanghiya ka! /suntok/ kaibigan kaba talaga ha?!! Diba ang sabi mo nag papaubaya kana?! Bakit mo sya aagawen?!!

Gelo: pare tama na.

Gab: /punas ng dugo sa labi/ pare mali ka ng iniisip.

Ako: mali?!! Narinig ko lahat Gabriel! Gago ka!!

Gab: bro pasensya na. Di talaga yun yung ibig kong sabihin. Sorry.

Ako: sorry? Bro walang kapatawaran yang pang aahas mo!

Gab: ano ba kaseng gusto mo? Gagawen ko bro.

Ako: ang gusto ko lang layuan at iwasan mo si Jessica yun lang! At kapag nakita at nalaman kong nilalapitan at kinakausap mo sya, tong pagkakaibigan nato bro matatapos na. TANDAAN MO YAN!

Sandali lang nagkaroon ng katahimikan at nagsalita ulit si Gab.

Gab: sige gagawen ko. Pasensya na.

Pagkasabi nya non. Umalis nako. Diko makakalimutan tong araw nato.

END OF FLASHBACK.

ARRRRRRGH! binato ko yung Cellphone ko sa karsada. Naiinis ako. Bakit ba sya bumalik?! Ok na kame eh. Ayokong malaman ni Jessica na ako yung dahilan kung bakit umiiwas si gab sa kanya noon.
Alam kong mgagalit sya saken.

And worst, baka hiwalayan nya pako.

End.

My Unbelievable love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon