5 - HOW WOULD YOU KNOW

8.9K 181 18
                                    

~ 5 ~
HOW WOULD YOU KNOW

Andrei quickly moved away from Iris. "Mama, hindi ito tulad ng iniisip mo!" Napangiwi siya nang hampasin ng ina ang kanyang braso. Tila hindi siya nito narinig dahil patuloy lang ito sa pagpalo sa kanya. "Mama, makinig ka nga. Lasing iyan kagabi, tinulungan ko lang!"

"Alam ko ang nakikita ko, Andrei! Huwag ka ng magdahilan! Sinasabi ko na nga ba, kung sinu-sino na naman ang mga babaeng kinakasama mo!"

Pilit na umiiwas ang binata sa mabibigat na kamay ng kanyang ina subalit hindi siya makawala dahil masyadong mahigpit ang pagkakasabunot nito sa kanya. Masakit na rin ang batok niya dahil napipilitan siyang yumuko para pumantay sa tangkad ng ginang. "She passed out last night, okay? And I don't know where she lives that's why I brought her here instead of leaving her on the road. You should be proud of me. Napaka-gentleman ko!"

"Aba, aba!" Kinurut-kurot nito ang tagiliran niya. "Dapat pa ako maging proud sa pagiging gentleman mo?! Eh naabutan ko nga lang na halos ipalunok mo na sa kanya ang underwear niya!"

The two were consumed by their argument. Naging abala si Andrei sa pagdepensa sa sarili niya habang ang ina naman niya ay patuloy lang ang pagsesermon. Iris took the chance to sneak for her escape. She looked around for her things. She found her shoulder bag on the lamp table but she couldn't find her clothes. Iyong uniporme lang niya sa teahouse na nasa loob ng bag niya ang damit niyang naroon. Pasimple siyang pumasok sa banyo sa gilid ng kuwarto. Mabilis siyang nagpalit ng damit. Medyo natigilan siya nang maalalang wala siyang bra. Pero kahit ganoon, hindi na siya nag-abalang hanapin ang mga damit niya kagabi. She needed to get out of that place.

She tip-toed cautiously to walk her way out of the room.

"Hoy, babae!" tawag sa kanya ng matanda.

She froze.

"Where do you think you're going? Mag-uusap pa tayo." Binigyan siya ng matalim na tingin ng matanda. Pakiramdam niya ay medyo nanginig ng kaunti ang laman niya dahil doon.

Luminga-linga siya sa paligid, nagbabaka-sakaling may ibang kinakausap ang matanda. Sa kasamaang palad, siya talaga ang kausap nito.

-

Tahimik na magkatabi sina Andrei at Iris sa leather sofa. Tila parehas silang nawalan ng dila habang mapangmata silang kinikilatis ng ina ng binata. Parehas lang silang nakatungo. Hindi nila magawang tumingin ng diretso rito dahil pakiramdam nila ay nahuli sila nito na gumagawa ng milagro kahit wala naman talaga silang ginagawang masama.

Mariana Leviste cleared her throat. The two flinched. "Andrei, what's her name?"

"Iris, Ma," he answered without looking up to his mother.

Nagtaas ng tingin si Iris sa mukha ng kaharap. The woman was old of age. Pero kahit matanda na ang ginang ay magandang-maganda pa rin ito. She had deep-set brown eyes like Andrei's. The classic lines of her face reminded Iris of those beautiful women in Roman paintings. Iyong mga ganoong klase ng ganda ay walang kupas. Konserbatibo rin ang suot nito subalit hindi niyon naitatago ang angking alindog ng ginang.

"Prostitute ba siya?" diretsang tanong nito na para bang bingi si Iris para hindi marinig iyon.

"No." Andrei quickly responded. "How dare you say that to my girlfriend?"

"A-Ano?" Halata ang pagkabigla sa mukha ng ginang. "Since when did you started dating her? I thought you were with Anna! Isa pa Andrei, may fiancée ka na!"

Kung nabigla ang ina ni Andrei, si Iris naman ay halos lumuwa ang mga mata. She was shocked, yet at the same time she was eyeing him with threat. Ano baa ng sinasabi nito?

Tell Me A Lie [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon