9 - NOT LIKE I HAVEN'T SEEN IT BEFORE

6.5K 107 0
                                    

9 Not Like I Haven't Seen it Before

Andrei was glad that it was all over. It was totally uncool; pushing and pulling and pushing together like that. They felt like they were being played, as if they were being controlled by horny teen age boys. Also, because of their sudden attraction for one another, they missed the speedboat that passed by-the only shot they could have had to get help or to even get out of the island. Ni hindi pa nga niya sigurado kung kaya niyang tapusin iyong lumang speedboad na nasa garahe.

Malaking tulong sa kanyang ang ginawang pagligo. The hot water helped him rinse and drown all those primal thoughts burning within him. Normal na ulit ang kanyang pakiramdam. Wala na ang kakaibang init sa kanyang sistema.

"Your turn," aniya kay Iris pagkalabas niya ng banyo.

Tumayo naman kaagad ang dalaga at naglakad papunta sa banyo. Pinagmasdan niya ang likod nito habang naglalakad ito palayo. His gaze scanned her back down to her round bum. Thoughts of him running his fingers across her smooth, soft porcelain skin and his hands palming her ass made his stomach churn with dark desire.

Bumalik lang siya sa reyalidad nang umingit pasara ang pinto ng banyo. Hindi tama ang iniisip niya. Kakatapos lang nilang pag-usapan ni Iris ang kung anumang init na namamagitan sa kanila. Napagkasunduan na nilang tapos na iyon. It wasn't right to bother himself with those kind of naughty thoughts again. You know what people say, a thought is more dangerous than a gun. The gun is just the tool, the thought pulls the trigger. Alam niya sa sarili niyang delikado ang iniisip niya.

Iniiling niya ang ulo para alisin ang maruruming ideya na tumatakbo sa kanyang isip. Itinuon niya ang pansin sa mahihinang yabag ng maliliit na paa ni Iris; sa tunog ng pagbuhos ng tubig mula sa shower head. Kahit saan basta walang kinalaman sa pakikipagniig sa kasama.

Ramdam niya ang ginaw dahil sa lamig ng hangin na dala ng malakas na buhos ng ulan sa labas. Hinalungkat niya ang damitan para magbihis. Tanging sando at t-shirt lang ang laman niyon, wala kahit isang sweater. Obviously, those types of clothes aren't enough to shield him from the cold. He settled with a t-shirt anyway, then he shut the windows closed. The room temperature was still cold though. Kinuha niya ang kumot para panandaliang ibalot sa katawan. He then realized something. How are they supposed to sleep tonight?

There was only one bed.

Another issue.

Sleeping separately with one on the bed without a blanket was simply out of the question. Hindi iyon posible sa ganoong lamig ng panahon. Napabuntung-hininga siya sa situwasyon. Hindi iyon nagkataon lang, alam niyang sinadya iyon.

Two people in lust with one another sleeping on one bed. Just great.

-

The shower was what Iris needed. All her lustful desires were washed away with soap and shampoo. She propped her elbow on the wall, her forehead leaning on it.

Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Ano ba ang problema niya? Bakit ganoon ang epekto sa kanya ng binata?

Hindi naman siya ganoong klase ng babae. Pero ano nga ba ang espesyal kay Anrdei na nagtutulak sa kanya palapit dito? Sabagay, paano nga ba naman niya malalaman kung iyong simula nga lang ng gabi ng lagim nila ay hindi niya matandaan.

Despite of the hot shower she just had, she felt chilly when she got out of the comfort room. Inakala pa nga niyang nakabukas ang air-con pero hindi naman pala. She immediately rummaged the wardrobe for clothes. Fortunately, there were undergarments for her. Halatang bago at hindi pa nagagamit ang mga iyon. Subalit laking pagkadismaya niya nang makitang puro sleeveless at mga short shorts lang ang damit niya roon. Wala sa mga iyon ang sapat para sanggahin ang lamig ng panahon.

Tell Me A Lie [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon