12 Banana Tree
Andrei wasn't so sure what happened to the speedboat yesterday. Gumagana naman nang maayos ang makina niyon nang muli niyang tingnan para ayusin nitong umaga. Ni walang kahit anong sensyales na may sira iyon kaya labis niyang ipinagtataka kung ano talaga ang naging problema nito kahapon. It just didn't make sense.
Tanghali na nang marating nila ang kabilang isla. Dumaong sila sa pampang malapit sa kinaroroonan ng resort ng pinsan ni Andrei. Maraming dayuhan na naroon; palakad-lakad, kumukuha ng mga larawan; at ang iba naman ay nakahiga lang sa buhanginan at nagbibilad sa ilalim ng araw. Bitbit ang mga gamit na binagtas nila ang mapuputing buhangin patungo sa resort. Ilang metro lang naman ang layo niyon ayon kay Andrei. Malaking tuwa niya nang matanaw na niya ang bungad ng resort. Doon niya nadama ang pagiging malaya mula sa pagkakakulong sa pagmamay-aring isla ng ama. Dalawang araw lang silang naroon pero kung nagkataong hindi niya naayos ang speedboat malamang ay inabot pa sila ng mahigit isang lingo o buwan doon.
Pinasok nila ang lobby. Lumapit si Andrei sa empleyadong nasa check-in desk na naka-uniporme ng floral print na damit katulad ng iba pang mga emplaydo na naroon. Ibinigay niya ang pangalan dito saka niya hiniling na makaharap ang kanyang pinsan. Sandaling gumawa ng tawag ang empleyado bago nito kumpirmahing haharapin siya ng may-ari at sabihing maghintay muna sila ng ilang saglit. Mayamaya lang ay nakita na niya ang paglabas ng hinahanap.
Kiara Salazar, his mother-side cousin, walked towards them with a big warm smile. Maliit lang ang pinsan, pero bumawi naman ito sa ganda ng maamo nitong mukha at sa itim na itim nitong kulot na buhok na malayang nakaladlad sa mga balikat nito.
Yumakap ito at humalik sa kanyang pisngi. "What brought you here, my dear cousin?"
"It's a long story, sweetheart."
Kiara laughed sultrily. "I have all the time in the world to listen."
Sighing, he decided to cut off to the chase. Alam niyang hindi rin naman siya titigilan ng pinsan niya sa pagtatanong kung sakaling hindi niya sabihin ang totoo. Ang masaklap pa ay baka hind siya nito tulungan. Despite having an angelic face, Kiara was a real devil in disguise. She could be a very naught brat if she wanted to.
"I was locked up in the other island with this chick—" he tilted his head to Iris's direction. "—who's supposedly my fiancé because of my father and his best friend's idea."
Tumaas ang isang kilay ni Kiara sa narinig. "Well that was just ridiculous. Ano ba ang tingin nila sa mundo ngayon? We live in a modern world now, duh. I thought fixed marriages only happen in movies and fiction novels. And sorry for the term, but that's just too cliché, don't you think?"
Kiara waited for them to respond, looking like she was expecting them to agree but none of them did so she just continued her opinion about the matter.
"I think it's wrong to force your own child into some marriage just to keep your wealth or friendship or whatever. Everyone should have their right to choose. Kung ako ang tatanungin, gusto kong kakaiba ang development ng love story ko. Hindi iyong ikakasal ako dahil lang itinakda ng magulang ko. I want it to be something unexpected, not just something like what you guys have right now." Kiara rolled her eyes then crinkled her nose to Iris. "Pity."
There was a firm straight line on Iris's lips. Minsan na rin niyang naisip ang mga sinabi ng kaharap pero bakit parang nainsulto siya sa mga salitang binitiwan nito? Forced and cliché. Ganoon nga ba ang kuwentong mayroon sila ni Andrei?
"You can still use your usual room upstairs. It's unoccupied," Kiara added.
"I need two rooms," Andrei said.
"Why?"
"Iris and I won't sleep together." Iminuwestra ni Andrei ang kasama sa pinsan saka niya parehas na ipinakilala ang dalawa sa isa't isa. "Kiara, this is Iris Vargas, ang pangalawang anak ni Tito Gus. Iris, this is Kiara, my lovely cousin and the owner of this resort."

BINABASA MO ANG
Tell Me A Lie [R-18] [Completed]
RomanceIris Vargas is not your usual good girl. She's young, and wild, and free living in her own cruel world. Until one night she had a hot scene with this stranger on the backseat of his car. Andrei Leviste, ang lalaking itinakda para sa kanyang ate. ...