28 - GLASS WALL

5.8K 112 1
                                    

28 Glass Wall

Today is the day that Andrei will come home. Nasa airport na siya nang tumawag kay Iris para ipaalam dito na pauwi na siya sa Pilipinas.

Maikling kamustahan lang ang nangyari sa pag-uusap nila at mabilis na pinutol rin niya iyon matapos maibigay ang estima ng oras ng pag-uwi niya.

Kinuha niya ang pinakamaagang flight pabalik sa bansa dahil hindi na niya kayang patagalin pa ang mga oras na lilipas bago niya muling makita ang kasintahan.

Mahirap din para sa kanya na malayo rito lalo na ngayong mayroon pang gusot sa relasyon nila. Unti-unting lumalabo ang relasyon nila at hindi nakakatulong ang distansya sa pagitan nila para maayos iyon. Their communication through phone calls is not enough to patch things up between their relationship. It isn't enough to satiate his grave longing for her as well. Gusto niya na nakikita at naririnig ang boses nito nang personal. Gusto niya na nahahawakan ito; nayayakap at nahahalikan. God knows what else sweet and naughty stuff he wanted to do with her.

Tinapos na niya ang lahat ng dapat niyang asikasuhin sa New York. Nagpareschedule siya ng mas maagang appointment upang makaharap kaagad ang mga importanteng tao na dapat niyang makausap para masigurong maayos pa rin ang takbo ng negosyo nila roon. Iyon nga ang dahilan kung bakit kinailangan niyang putulin ang tawag ni Iris kahapon. He had to deal with all his business affairs immediately so he could have the pleasure of seeing her again without much further ado.

Sumakay na siya sa eroplano at hiniling na sana ay maging mabilis ang biyahe niya pabalik sa Pilipinas.

-

Mahigit sampung oras na ang lumipas mula noong matanggap ni Iris ang tawag ni Andrei. Sinabi nito na kapag nakabalik na ito ng bansa ay didiretso muna ito sa opisina nito. Kaya nang mayari ang oras niya sa trabaho ay doon siya tumuloy para maghintay.

Sukbit niya sa balikat ang shoulder bag na naglalaman ng sobre ng mga larawan nila Andrei at Anna. She was anticipating to confront him about the pictures. She wants to see his reaction up close after seeing those pictures personally.

Sinadya pa nga niya talagang mag-ayos para sa muling pagkikita nila. In case things get ugly, she won't be. Kung mag-aaway man sila at mauuwi siya sa pag-iyak at pagwowalk out mula sa opisina nito, at least she wouldn't look too ridiculous.

Tahimik sa loob ng opisina ni Andrei tulad noong unang beses niyang pumasok doon. Ang naiba lang ay wala ang mga patung-patong na papel, folders, at binders sa desk nito.

She paced to her right and was greeted by the sight of tall buildings. Tanging ang salamin na dingding lang ang naghaharang sa kanya mula sa tanawin sa labas.

A faint image of herself reflected on the glass wall. She stared at it seeing herself wearing a white tight blouse that hugged the swell of her breasts and the curve of her tiny waist. Tinernuhan niya iyon ng maikling itim na pencil skirt na hindi nag-abalang itago ang mahuhubog at makikinis niyang hita. And from her pale long legs down to her feet were red high heel stilettos that mentally screamed 'fuck me.'

Nilapitan niya ang salamin na dingding upang panoorin ang tawin sa labas. Puro nagtataasang gusali ang nakikita niya. Sa ibaba ng mga iyon ay ang makakapal na kalsada na tila naging manipis dahil sa distanya niyon mula sa kinatatayuan niya. Everything she saw beyond the glass were all in smaller versions. Small cars were running down the streets, small people were strolling on the sidewalks.

Umatras siya nang ilang talampakan palayo sa salamin nang mapagtanto niya kung gaano siya kataas kumpara sa ground level.

She has never been fond of heights.

Pinaalalahanan niya ang sarili na huwag na muling lalapit pa roon.

Umupo siya sa couch sa sulok at nagbuklat muna ng mga magazine para pumatay ng oras.

Tell Me A Lie [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon