14 Nothing But Hate
Hilot ni Iris ang kanyang sentido habang nakatitig sa mga job offers sa dyaryong hawak niya. Inihilig niya ang ulo niya sa malambot niyang unan. Masakit na ang ulo niya sa kakaisip kung paano siya mabubuhay ngayong wala na siyang trabaho. Tanggal na siya sa trabaho niya sa Pharaoh Tea at Hernandez dahil hindi naman siya nakapagpaalam nang malinaw at mabilis na nakahanap ang mga dati niyang pinapasukan ng ibang papalit sa kanya.
She is completely jobless and the left of her savings in her bank account won't even last for one and a half month; a huge chunk of it was even wasted when the groceries she bought for her plan to escape all her father's bullcrap was gone.
Puyat din siya dahil sa ginawang paghalik sa kanya kabagi ng hinayupak na Andrei na iyon. Hindi siya nakatulog nang maayos dahil doon. Whenever she closes her eyes, it was all Andrei's face she could see; it was all Andrei's mouth she could taste. The kiss happened fast but Iris seems to have memorized the act with every tiny detail still intact. His lips are softer than anything she have ever known, like biting into cotton candy. It's sweet, it's so effortlessly sweet.
She frustratingly groaned.
Ugh! I hate him! I hate his pretty face! I hate his hazel brown eyes! And definitely I hate the taste of his mouth!
She certainly knows she feels nothing but hate for the guy.
Pero mas naiinis siya sa sarili. Nag-iinit at namumula ang kanyang mga pisngi tuwing maaalala niya ang lahat ng eksenang magkalapat ang kanilang mga labi at nagsasalo sa katawan ng isa't isa. Bakit ba kasi apektado siya?
Isa rin iyon sa rason ng sakit ng ulo niya dahil masyadong imposible. Imposibleng mahulog siya sa lalaking hindi pa naman niya talagang lubusan na nakikilala. Yes! She barely knows shit about him 'till now and yet she already shared her body with him for several times. And now she is discussing the matter with her own mind too. Fantastic. It just proves her that she is really going crazy just because of that guy.
Inis na nagpagulung-gulong siya sa kanyang kama. Nagpapadyak siya roon na parang bata saka nagpakawala ng pekeng hagulgol.
She frustratingly shove the newspaper on her face. "Ano na ba ang gagawin ko sa buhay ko ngayon?"
Lumipas ang ilang segundo ng kanyang pagmumuni-muni. Iniisip pa rin niya kung paano siya makakakuha ng pang matagalang trabaho. Iyong simple lang at madaling gawin; iyong susuweldo siya ng sapat para mapunan niya ang lahat ng gastusin niya sa pang araw-araw.
Napagdesisyunan niyang tawagan ang mga kaibigan niya. Maraming koneksyon sina Agatha at Angela. Tiyak niyang ito lang ang mga taong bukal sa loob na tutulong sa kanya sa hinaharap niyang problema ngayon.
It was only Angela who answered her call because Agatha is still on MIA mode. Sinabi niya kay Angela na nangangailangan siya ng bagong trabaho. She told her why she lost her job knowing that Angela might already have an idea about it, and then she asked her help in finding a new job.
Her friend bombarded her with many suggestions and opportunities. Like, working in an office where she could apply all the knowledge and skills she acquired from college. Inaasahan niyang maliit na trabaho lang ang ibibgay nito gaya ng dati niyang trabaho. Hindi pa niya nararanasang magtrabaho sa isang kompanya dahil una, gusto ng ama niya na magsimula siya sa sarili nilang negosyo. Pangalawa, ayaw niyang sundin ang gusto ng ama pero nahihiya naman siyang mamasukan sa ibang kompanya dahil dito.
Aminado siyang mas pinili niya ang pagkakaroon ng maliit na trabaho at medyo mas mahirap na buhay. Ginawa niya iyon dahil ayaw niyang nakadepende siya sa matanda. Gusto niyang patunayan sa sarili niya na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa; na ang buhay ay hindi lang umiikot sa pera at kayamanan. Inaamin din niya na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa ama dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanila ng ina niya noong bata pa sila dahil mas pinili nito ang marangyang buhay.

BINABASA MO ANG
Tell Me A Lie [R-18] [Completed]
RomanceIris Vargas is not your usual good girl. She's young, and wild, and free living in her own cruel world. Until one night she had a hot scene with this stranger on the backseat of his car. Andrei Leviste, ang lalaking itinakda para sa kanyang ate. ...