24 - THE ONLY THING THAT MAKES HER COPE

4K 90 0
                                    

24 The Only Thing That Makes Her Cope

Her day in the office turned bleak since her heartbreak last night. She received a text from Andrei that morning. He said good morning and he was checking up on her about how's she's doing. But Iris ignored the message. She thought there no use in talking to him anymore because he has just proven himself to be a real f-cking asshole.

Maybe avoiding and not speaking to him is inevitable because he is her boss. Pero sisiguraduhin niyang kung maaari lang ay hindi niya ito kakausapin maliban na lang kung talagang mahalaga ang dapat nilang pag-usapan at may kinalaman iyon sa trabaho. Matapos niyang makita ang lahat ng larawan kagabi ay napagdesisyunan niyang tapos na ang lahat sa kanila ni Andrei. Sa pag-uwi nito ay pormal na siya makikipaghiwalay dito, pronto.

Ibinuhos niya ang sama ng loob kagabi sa pamamagitan ng pag-iyak. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya. Nang magising siya kinabukasan ay akala mong kinagat ng ipis ang mga mata niya dahil sa pamamaga. She wore sunglasses to work because of that. Kapag may nagtatanong tungkol sa suot niyang salamin, ang sinasabi niyang palusot ay mayroon siyang sore eyes.

Mabigat ang pakiramdam niya habang bumubuo ng plano para sa marketing campaign na ilalaan nila sa launching ng bago nilang Venus beauty products and cosmetics. Hindi rin niya maiwasang isipin kung alam ba ng co-workers niya na ganoon ang ginagawa ni Andrei sa kanya. They have been there longer than she did, they probably know about his wild escapades with other women.

She mentally kicked herself. Kung may alam man ang mga ito tungkol doon, mas malaking sampal iyon para sa kanya lalo na't inanunsyo pa ni Andrei na mayroon silang relasyon. Or maybe they really don't know. Siguro masyado lang niyang pinalalalim ang pag-iisip kaya pati ang mga tao sa paligid niya ay napagdududahan na rin niya.

She hated herself for falling in love with him; for being too vulnerable. Hindi na siya nadala! Dapat ay natutunan na niya ang lesson niya noon kay Troy, pero ang bilis niyang nalimutan iyon nang makasama si Andrei. Kaya heto siya ngayon na umani na naman ng sawing puso dahil sa pagiging marupok.

Nakipagkita siya sa mga kaibigan pagsapit ng lunch break. Ikinuwento niya rito ang tungkol sa mga larawan na natanggap niya kahapon. Pagkatapos niyang magkuwento ay mukhang mas galit pa sa kanya ang mga kaibigan.

"That motherfucker!" ani Angela. "Kapag nagbalik si Andrei dito sa Pinas, puntahan mo kaagad tapos isampal mo sa kanya 'yung mga pictures. Don't worry if he fires you, we will help you find another job!"

"At kapag naisampal mo na sa pagmumukha ng kumag na 'yon ang mga pictures, si Anna naman ang hanapin mo saka mo ipalamon lahat 'yon kanya!" sulsol pa ni Agatha.

Umiyak lang siya ulit nang umiyak sa mga kaibigan niya kaya lalong namaga ang kanyang mga mata. She had to call in sick so she wouldn't have to go to work this afternoon with very red, swollen eyes.

Dumaan siya sa grocery store para bilhin ang mga sangkap na kailangan para sa pagkaing plano niyang lutuin. She wanted to cook for herself this night. She thought of it as a medicine, a hot meal for her wounded heart. Sabi nga nila, idaan mo sa pagkain ang depresyon mo. At iyon ang balak niyang gawin.

Mayroon ulit siyang natanggap na mensahe mula kay Andrei nang makauwi siya. Tinatanong nito kung marami raw ba siyang ginagawa. Muli, hindi niya pa rin iyon sinagot, bagkus ay tuluyan na niyang pinatay ang kanyang cellphone. Sariwa pa ang sugat niya. There's no way she's talking to him right now.

She placed the grocery bags on the counter and started preparing the food. While doing that, her thoughts drifted again to Andrei and Anna.

Trying to make sense of the whole thing he did to her was driving her mad.

Breaking up with your boyfriend is one thing. Pero iyong malalaman mo pa na may ibang babae pa itong ikinakama habang kayo pa? Mas masakit iyon ng sampung beses kaysa sa bastang hiwalayan lang. It deflates your confidence about almost everything and it makes you doubt your bedroom skills.

Was she bad in bed?

Iyon ba ang dahilan kung bakit nito nagawang tumikim ng iba?

Didn't he enjoy her enough?

Was she too boring for him?

And so the questions went on until it burned her mind and exhausted her physically and mentally.

The only thing that makes her cope with the situation is by thinking that it was Andrei's balls she was chopping right now. Puno ng galit na tinadtad niya ang karne habang iniisip na bayag iyon ni Andrei. Sobrang galit lang talaga siya kaya pati iyon ay napagbuntunan niya ng galit. She can only imagine how his face would look like if he's hurting too much. He would be probably wincing with tears. He would probably look pathetic. Kung tutuusin, nararapat lang talagang tapyasan niya ito para sa ginawa nitong pananakit ng damdamin niya.

Mabilis namang maghilom ang pisikal na sugat, pero ang sugat so puso ay hindi basta gumagaling. It takes time to heal. Hindi iyon basta nadadala lang ng aspirin at betadine. Corny as it may sound but that's the truth.

Sunod niyang kinuha ang labanos at walang awang pinagsasaksak iyon sa pag-iisip na si Anna ang nilalapastangan niya.

"Die! Bitch, die!" she even shouted as she stabs the innocent vegetable. It was unintentionally minced when she was done.

Umupo siya sa sofa at nagsalang ng kung anong palabas sa movie player. Kinain niya ng may ngiti sa mga labi ang iniluto niya. Cannibalism, she thought because she imagined a while ago that it was her cheating boyfriend and that one helluvah slut, Anna, she was cooking. Then she will shit them. Because that's what they are, a shit.

Romantic comedy pala ang palabas na pinapanood niya. Nakakatawa naman ang pinapanood niya at nagawa siyang pasayahin niyon subalit nang dumating sa kalagitnaan kung saan pumasok na ang conflict ng kuwento, nagsimula na naman siyang maiyak. It reminded her of how bitter she was. A pathetic woman, falling for a lying, cheating jerk like Andrei.


Tell Me A Lie [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon