15 Tatiana's Apology
"Sinet up mo ako!"
"No!" tanggi ni Angela. "I swear, hindi ko rin alam na si Andrei pala ang may hawak ng Venus. Noong tawagan mo ako para manghingi ng pupuwede mong pasukan, kay Tita Luisa ako nangtanong. Siya ang nagsabi sa akin na iyong kaibigan daw niya ay naghahanap ng puwedeng i-hire na marketing manager. That was just an hour earlier before you called me. You asked me for job offers and I gave you many suggestions. It was just totally a coincidence that you picked that one."
Bagsak ang mga balikat ni Iris. Marami nga itong isinuhestiyon at iyong pagtatrabaho sa isang beauty products department bilang marketing manager ang sadyang pinili niya dahil angkop iyon sa kakayahan niya. Maaaring wala nga talagang alam ang kaibigan tungkol sa bagay na iyon.
"Kung magtatrabaho ako roon sa kompanya ng ama niya, makikita ko siya araw-araw. Wala ka na bang alam na iba kong puwedeng pasukan?"
Angela took a sip on her milk tea before speaking. "'Di ba tanggap ka na sa Venus? Bakit naghahanap ka pa ng ibang trabaho gayong mayroon ka na? So what if you have to see him every day, it's not like he's going to bang you against your will," Angela says rolling her eyes.
She gasped, wide-eyed on Angela's remark. "Angela!" Her eyes scanned the surroundings of coffee shop to see if someone has heard her friend. It wasn't like people know her or care about her, but still, she was glad to see that everyone's attention were consumed on their own businesses.
"Bakit kasi hindi mo lang subukan?"
"Alam mo naman ang situwasyon ko. Fiancee ko siya. Hindi lang malinaw iyon pero fiancée ko siya dahil sa kagustuhan ng mga ama namin. I was engaged against my will! Baka kapag nalaman nilang nagtatrabaho kami sa iisang departamento ay kung ano pa ang isipin nila."
"Does your fathers have to know? Wala namang masama kung magkasama kayo ni Andrei sa trabaho kung wala namang malisya iyon. Huwag nga lang malalaman ng mga tatay niyo dahil paniguradong bibigyan nila ng malalim na kahulugan iyon, especially because they are rooting for the both of you to get married." Bumuntung-hininga ito kasabay ang paglamlam ng mga mata. "Just try, Iris. It won't kill you. You don't have to throw away this opportunity that you have right now just because of the hatred you feel for your father. Subukan mo lang magtrabaho roon. Tingnan mo kung magugustuhan mo. Kung hindi, maghanap ka ng iba mong maaaring pasukan at kapag natapos na ang kontrata mo sa Venus you can leave it.
Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa huli. Alam niya ang ibig sabihin nito. May punto ang kaibigan niya. She can't run away from her father's shadow forever.
"You're right," she said. "Dapat akong gumawa ng desisyon para sa sarili ko, hindi para sa ama ko. I shouldn't always base my decisions on my 'escape' from my father's hands." She decided to heed Angela's advice. "I shouldn't' always run."
-
Her new job wasn't as bad as she thought it would be. Gusto niya ang kanyang ginagawa. At bukod sa malaki ang sinusuweldo niya, nagkaroon pa siya ng mga bagong kaibigan. To sum it all up, she was happy with her new job. The amount of money she earns monthly is more than enough for her expenses. Malaki ang naitatabi niya dahil doon kaya nga nagagawa na niyang humanap ng ibang malilipatan. Iyong lugar na mas maayos, mas malinis, mas tahimik, at mas ligtas ang kapaligiran. May unit na siyang nakita na malapit lang sa trabaho. Balak niyang lumipat na roon sa susunod na linggo.
She barely sees Andrei because word says he has a lot of other stuffs that he does. Sa dalawang buwan ng pagtatrabaho niya sa Venus, nalaman niyang respetado pala ang binata at tinitingala sa larangan ng pagnenegosyo. Ibang-iba ang imahe nito sa trabaho kumpara sa lalaking nakasama niya noon. She wondered if he had a twin brother. But then, maybe that is just how professional he is at work. She missed him though, the annoying him. Madalang na lang niya itong nakakausap at kung magkaroon man sila ng pagkakataon para magpalitan ng mga salita ay puro lang iyon tungkol sa trabaho. Ganoon na ka-kaswal at ka-propesyunal ang pakikitungo nila ngayon sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Tell Me A Lie [R-18] [Completed]
RomanceIris Vargas is not your usual good girl. She's young, and wild, and free living in her own cruel world. Until one night she had a hot scene with this stranger on the backseat of his car. Andrei Leviste, ang lalaking itinakda para sa kanyang ate. ...
![Tell Me A Lie [R-18] [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/189648551-64-k784862.jpg)