30 - SEALED WITH A HOT KISS

13.1K 162 10
                                    

30 Sealed with a Hot Kiss

After the shower, Iris and Andrei went to the kitchen to make breakfast together. The two of them were only wearing bathrobes and were still naked underneath.

Hiram lang kay Andrei ang suot niyang roba. Malaki iyon para sa kanyang katawan at umabot ang laylayan niyon hanggang sa gitna ng binti niya pero balewala lang iyon sa kanya. She felt comfortable in it and she loved how much it smelled like him.

They made pancakes glazed with cream cheese for breakfast. The smell of butter and pancake mix filled the kitchen. And yet, Andrei's scent still lingered everywhere, especially on her skin.

Kasalukuyan na silang kumakain nang mapansin ni Iris na madalas ang pagsulyap sa kanya ni Andrei. Kanina pa ito ganoon kahit noong gumagawa sila ng pancakes. They were exchanging silly glances every now and then, but she noticed that he was now staring more often.

In her opinion, the two of them looks ridiculous. Para silang mga high school students na may gusto sa isa't isa. May halong kilig ang bawat tingin.

"May dumi ba ako sa mukha ko?" natatawa niyang tanong.

He gave her that charming, killer smile. "Nothing, I just feel so fulfilled right now."

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

Nilunon muna nito ang pagkain sa bibig at humigop muna sa tasa ng kape nito bago sumagot. "Masaya lang ako na tayo na. Because honestly, I thought this would never happen."

Curious, tinanong niya ulit kung bakit.

"You were the first woman to turn me down," he said.

"Seryoso? You're kidding right?"

He shook his head.

"Wow, talaga? Hindi naman sa sinasabi kong may mga babae na ring tumanggi sa'yo bago pa sa akin. I mean, you're hot and rich. Who would turn you down? Imposibleng tanggahin ka ng babae, unless they're already taken or they have a deeper reason."

"Iyon na nga, eh. Kahit naman taken na 'yung babae, wala namang nagbabago. They still date me."

Umiiling na napatawa na lang si Iris sa sinabi ng kaharap.

"Naaalala mo pa ba kung ano ang mga nangyari noon sa club bago tayo mapunta sa loob ng sasakyan ko?" tanong nito mayamaya.

She shook her head. "No. Masyado akong lasing noon para maalala. Care to give me a recap of the events on that night?"

Andrei's smile widened. "You were very, very drunk that night. I remember you dancing like crazy on the dance floor. Para ka ngang bulateng inasinan." Umiwas ito nang tangkain niyang kurutin at itinuloy ang pagkukuwento. "I was watching you from afar and I saw that some men were starting to gather around you. Nag-alala ako kasi mukhang hindi mo kasama ang mga kaibigan mo kaya naglakas loob akong lapitan ka. I approached you and pulled you out of the crowd. We talked, joked around and had the best laughs of our life, and we ended up making-out. Then we were in my car steaming the windows with our body heat."

Kagat ni Iris ang loob ng pisngi niya matapos pakinggan ang kuwento ni Andrei. It was a brief summary of that night but it was enough to remind her of all that happened before.

Then a question long forgotten came rushing in again.

"Teka lang," aniya. "May naalala ako. Bakit mo nga pala alam na 'Iris' and pangalan ko samantalang 'Cindy' ang ibinigay kong pangalan noon sa'yo?"

His eyes faltered to look at her face. Tumiin ang labi nito at tila biglang ginapangan ng nerbiyos.

Napatuwid tuloy ng upo si Iris. May kahina-hinala sa reaksyon ni Andrei. May itinatago ito.

Tell Me A Lie [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon