25 MKGK-LOOK

4.1K 91 1
                                    

25 MGKG-Look

Kakagaling lang ni Iris mula sa isang massage spa kasama ang mga kaibigan niya nang maisapan niyang mag-isang dumiretso sa salon matapos nilang maghiwalay-hiwalay.

Nitong mga nakaraang araw ay tila bugbog ang pakiramdam ng utak at buong katawan niya dahil sa lungkot. Labis pa rin niyang ipinagmumukmok ang ginawang pagtataksil sa kanya ni Andrei. Buti na nga lang at nariyan ang mga kaibigan niya para pasayahin ang araw niya.

The massage treatment she had with her friends was heavenly. The fragrance of the oil and scrub that the masseuse applied on her body still clung to her skin and she smelt really good with it.

She walked inside the salon with her emanating sweet, vanilla scent.

Nilapitan siya agad ng isang parlorista at inasistihan.

"Give me a look that will make my soon-to-be-ex-boyfriend regret that he cheated on me," she said eyeing her own appearance in the mirror as she sits on the chair.

Iyon ang plano niya. Ang mas pagandahin ang sarili niya ngayon. She knows that a make-over is a must have for women with broken hearts. It will not only make them prettier, but it will also boost their confidence. Definitely a start to regain their lost self-esteem.

"Ah," anang baklang parlorista. "Gusto mo Ma'am 'yung MKGK-look?"

Nakasuot ng itim na uniporme ang parlorista mula ulo hanggang paa. Malinis at maayos itong tingnan. Maganda rin ang kabuang hitsura ng mukha nito pati ang ayos ng buhok nito kaya may tiwala si Iris na maganda ang kalalabasan kapag inayusan siya nito.

But before that...

"MKGK-look?" kunot noong baling niya rito.

Maaliwalas na ngumiti ito. "Maglaway kang gago ka-lookpo, Madame."

Tumatawang tinanguan niya ito. "Oo, iyon nga ang gusto ko."

Una siyang ginupitan. Makalipas nang ilang saglit, ang dating mahaba niyang buhok ay hanggang balikat na lang ang haba. Her hair was cut into and edgy, layered style. After her haircut, the parlor guy started doing her make-up. Habang minamake-upan ay tinuturuan din siya nito at binibigyan ng tips kung anong make-up color at shades ang babagay sa skin tone niya.

Nang matapos ang lahat ay ibang Iris na ang tumititig sa kanya sa repleksyon niya sa salamin. Her reflection was a brand new version of herself. And she loved what she saw. The new haircut framing the delicate features of her face gave her look a new edge. She even looked hotter with her new make-up on.

Her transformation was finished with a dark red nail polish. It symbolized her dark passion for making Andrei regret cheating on her. Truly, maglalaway talaga si Andrei ngayon kapag nakita siya nito.

Binigyan niya ng tip ang parlorista dahil nasiyahan siya sa ginawa nito.

Makayari sa parlor, pumunta naman siya sa malapit na Ministop store at doon napagpasiyahang bumili ng mga tsokolate. Chocolates never failed to lighten up her mood whenever she's feeling down.

She was picking up a handful of chocolate bars when her phone rung.

Iritadong kinuha niya iyon sa bulsa sa pag-aakalang si Andrei na naman iyon. Pero napakunot ang noo niya nang makitang galing pala sa numero ni Blake ang tawag. Si Blake ang dati niyang boss sa Pharaoh Tea, pinsan ni Troy, at matalik na kaibigan ni Andrei.

Sinagot niya ang tawag. "Sir?"

"Just Blake," sagot nito. "You don't work for me anymore, you can drop the formality." Dumaan ang ilang saglit bago ito muling magsalita. "Anyway, I was wondering if you can join me for lunch today."

Tell Me A Lie [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon