27 - 4TH OF JULY FIRECRACKER

4.6K 90 0
                                    

27 4th of July Firecracker

Kumakabog ang dibdib ni Iris habang hinihintay na sagutin ni Andrei ang tawag niya. His phone was already ringing and it was taking quite long for him to answer his phone. Lalo tuloy siyang kinabahan. It better be him who answers his goddamned phone now, not that Anna, or else she's calling his chances off.

"So you're senses finally kicked in now."

Ipinikit niya ang mga mata at saglit na ninamnam ang boses ni Andrei. Binasa niya ang labi gamit ang kanyang dila. "Sa'yo ba galing itong mga bulaklak?"

"Sa akin nga. Nagustuhan mo ba?"

Tiningnan niya ang mga pulang rosas. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Thank you, they're beautiful."

"Mabuti naman at nagustuhan mo." Dumaan ang ilang segundo bago ito muling nagsalita. "So, are you in the mood to talk now or what?"

Humiga siya sa sofa. Kung mag-uusap sila, gusto niyang nasa komportableng kondisyon ang katawan niya. "Ako muna ang magsasalita, puwede ba 'yon? I will say my piece and you will listen. And after I'm done talking, it will be your turn to speak and it will be my turn to listen. Ayos ba sa'yo ang ganoong set-up?"

"Yes. Speak what you must."

Humugot siya ng hangin na maingat din niyang pinakawalan. "Maayos naman ang relasyon natin noon 'di ba? We were doing fine until that night of your birthday when I accidentally said my ex's name during our hot moment. But I already apologized, didn't I? You knew I was sorry. Tapos bigla ka na lang umalis ng bansa at malalaman ko pang kasama mo iyong Anna na 'yon! What was I supposed to think? Akala ko nga noon girlfriend mo ang babaeng iyon. Syempre nagselos ako nang malaman kong kasama mo siya."

Saglit na itinigil niya ang pagsasalita. Isinubo niya ang isang daliri at wala sa sariling kinagat ang kuko. "We just had a fight and you left me without saying goodbye. You were with another woman in another country. At noong tawagan kita, siya pa ang sumagot sa cellphone mo. Nasa shower ka raw at siya raw ang bedwarmer mo. Ano ang dapat kong isipin doon, huh, Andrei? Tapos nakatanggap pa ako ng mga malalanding pictures niyo! The fuck, Andrei. Hindi ba masyado naman yatang sumosobra na ang ginagawa mong ganti sa akin?"

"Hang on, hold your phone," he interrupted. "There's nothing going on between me and Anna. Magkaibigan lang kami. Oo, may nakaraan nga kami pero hindi iyon kasing seryoso ng tulad ng sa atin. She was my fling, alright. But that's all there is to it. Tapos na kami roon. Basically, Anna and I just friends now."

Iris rolled her eyes. 'Just friends' my ass. "You let her call you 'baby'!"

"Right, I'm sorry about that. Nakasanayan ko lang na ganoon ang tawag niya sa akin. 'Wag kang mag-alala, hindi ko na siya hahayaan na tawagin ulit ako ng gano'n."

She fisted her hair out of frustration. "Andrei, ipaliwanag mo na lang sa akin, please, kung bakit siya ang sumagot ng phone mo noon at bakit kayo magkasama. And those damn pictures I received! Bilis-bilisan mong magpaliwanag, malapit nang ma-out of stock ang pasensya ko!" aniya kahit kakasimula lang ng pag-uusap nila.

"I am trying to explain," he said calmly. "Kakagaling ko lang noon sa isang business event na kinailangan kong puntahan. Kasama ko si Anna sa event na iyon. She asked me out for dinner and she suggested to cook for me. Walang malisya sa akin ang alok niyang iyon kaya inimbitahan ko siya sa tinutuluyan ko. It was just a friendly dinner. Nagshower muna ako habang nagluluto siya. Kumain kami at pagkatapos n'on itinawag ko na siya ng taxi para makauwi na siya. Wala naman siyang sinabi sa akin na tumawag ka. That's all that happened. Iyon lang 'yon, Iris. I didn't cheat on you, I never did."

Muling binasa ni Iris ang labi niya gamit ang kanyang dila. Nilunok din niya ang bikig na nakabara sa kanyang lalamunan. Subalit tila barado pa rin iyon. Her throat felt dry and words struggled to slip past through it. Her eyes fixed on her red-painted fingernails. Her nail polish was chipped on the one fingernail she bit. Iniisip niyang ayusin iyon mayamaya. Pero sa ngayon, kailangan niya munang tapusin ang pag-uusap nila ni Andrei. She just had to get over it.

"Paano naman 'yung mga pictures na natanggap ko?" Iyon na ang huling beses na magtatanong siya ang tungkol sa bagay na iyon. Honestly, she's getting tired of asking him about the pictures. Alam niyang nagpapaliwanag naman ito. But goddamn it, she wanted the answers out immediately!

"Hindi mo ba naisip na baka lumang pictures lang namin iyon?"

Sapo ni Iris ang noo. Ang totoo niyan ay hindi sumagi sa isip niya iyon. Minsan na niyang nakita ang mga eskandalosong larawan ng dalawa at hindi na niya inulit na tingnan ang mga iyon. Wala na siyang balak na tingnan pa ulit. Ayaw na niyang sariwain ang sakit na naramdaman niya noong unang masilayan niya ang mga larawan. Hindi siya masokista.

Nangibabaw sa kanya ang sakit at galit kaya pinagdudahan niya kaagad si Andrei. Mas pinaniwalaan niya ang mga masasakit na ideya na ibinubulong sa kanya ng sarling isip niya. Tinalo siya ng malikot niyang imahinasyon.

Posible nga na totoo ang sinasabi ni Andrei, pero posible rin na nagpapalusot lang ito.

Andrei's voice was coated with sadness. "I'm so disappointed in you, babe."

She frowned. "A-Ano? 'Wag mo nga ako agawan ng linya. Ako dapat ang nagsasabi n'yan sa'yo!"

"Is that what you really think of me?" inis na tanong ni Andrei. "Iniisip mong lolokohin kita dahil lang may hindi tayo pagkakaunawaan bago ako umalis ng Pinas? That's not how I roll, sweetheart. I don't cheat on my girlfriend. I don't play disloyal. I don't play disrespect. The only playing I'll do with you is between your legs."

He sighed. "I know I fucked up because I left you without saying goodbye and was with another woman-I'm very sorry for that. Iyon lang ang ihihingi ko ng tawad sa'yo. I won't apologize for cheating on you because I. Didn't. Cheat. Tama lang na pagdudahan mo ako dahil sa ginawa kong pag-alis nang walang paalam at pakikipagkita kay Anna. Pero 'yung parang kumbinsidong-kumbinsido ka na nambababae ako? That was so fucking disappointing. Dapat kinausap mo muna ako, at least. Pero imbis na iyon ang gawin mo, nagalit ka kaagad sa akin at hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwang. You judged me so easily and that makes me really sad."

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Iris. Ngayon ay naguguluhan siya. Nalilito siya kung magagalit pa rin ba siya o makokonsensya dahil totoong hinusgahan nga niya si Andrei nang hindi man lang ito hinahayaang makapagpaliwanag.

"Siguro nga mali ako na hindi kita kinausap pero natural lang na magalit ako sa'yo pagkatapos ng lahat ng iyon. You know what, Andrei? Mas maganda siguro kung bibigyan muna natin ng space ang isa't isa. Maybe it would be better if we break up."

"Fuck space! Ang laking space na nga ng Pacific Ocean dadagdagan mo pa?"

"All I'm saying is-"

"Ssh," he hushed. "Ssh ssh-shut up! We don't need space, we will make this work."

Nagpakawala ng nanginginig na hangin si Iris. "Paano? Ano'ng balak mong gawin kay Anna?"

"I'll say it again, walang namamagitan sa amin. I'll deal with her. Uuwi muna ako d'yan sa Pinas, saka tayo mag-uusap. Don't break-up with me over a fucking phone call. Saka ka madesisyon kapag kaharap mo na ako at hindi ka na masyadong emosyonal. Bahala ka, pagsisisihan mong pinakawalan mo ako. Sobrang guwapo ko pa naman."

She rolled her eyes while a small smile crept her face. Nais niyang magpanggap na bunga ng disgusto ang kurba sa kanyang mga labi, when actually it was because of amusement "Tumigil ka nga."

He chuckled. "Come on. You can't deny it. You know you love me. And you should know that I love you too."

Those words grew flowers in her lungs. It felt beautiful but made it hard for her to breathe. "M-Mahal nga kita."

"Ano 'yon? Hindi ko narinig, chappy ka."

"Gago, sabi ko mahal nga kita!"

Muling tumawa si Andrei. "Gusto ko lang marinig ulit. Anyway, as much as I'd love to hear your voice I have to end this call now. May importanteng tao lang ako na kailangang kausapin. Tatawag na lang ulit ako bukas. Sleep tight. Dream of me and keep in mind that I'm smitten in love with you, baby."

And her heart exploded like a 4th of July fucking firecracker that shattered into a million tiny pieces of happiness. A wider smile breaks out across her face. God, why does he have to make it so hard for her? Why does he have to make loving him so damn easy? Ganoon lang kadali. Simpleng panunuyo lang at bumigay na naman siya.

Malungkot lang dahil bitin na naman ang pag-uusap nila. Damn it, she can't wait to see him again.

Tell Me A Lie [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon