26 Forfeiting the Cold War
Nais ni Iris na buoin ang mga araw niya na walang anino ni Andrei. Sa ngayon, iniiwasan niyang magkaroon ng kahit anong koneksyon o komunikasyon dito kahit pa imposibleng mangyari iyon dahil sa ilalim ng iisang kompanya pa rin sila nagtatrabaho. At kung hindi nga ba naman siya mamalasin ay ito pa ang boss niya. See, that's what you get for letting your boss screw you. If something bad happens between you, all you get is complication. You will get complication and nothing but complication.
Panalangin lang niya na sana ay hindi mabulilyaso ang trabaho niya dahil lang sa problema nila Andrei. Best wishes to professionalism and not getting their personal issues between them at work!
Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para iwasan ang mga tawag ni Andrei. Although, she must admit that she do miss him real bad a lot and it takes a strong and painful self-restrain to not give in into talking to him.
The telephone on her desk rung. She quickly grabbed it and said her usual greeting. "Iris Vargas of Venus's beauty products speaking."
"Hey, sweetheart."
Her body stiffened upon hearing that deep, sexy voice. "S-Sir," pormal niyang tugon.
"Cut that crap, Iris. I want to talk to you."
Nahimigan ni Iris ang inis sa boses ni Andrei at kusang naningkit ang mga mata niya sa disgusto. Ito pa talaga ang may ganang mainis ngayon? "Busy ako ngayon. I'm in the middle of work right now so if you have nothing important to say then don't disturb me."
"I'm your damn boss and you will do as I say," he said with finality in his voice. "You've been ignoring my calls for a while now and don't you even fucking think that I haven't noticed that. Iniiwasan mo ako at kung iniisip mo na hahayaan kong maging madali iyon para sa'yo, puwes nagkakamali ka."
"Talaga lang, ha?" Nagngangalit ang mga ngipin na ibinagsak niya ang telepono pabalik sa lalagyan niyon. Hindi pa nakakaraan ang tatlong segundo nang magring na naman iyon. She dismissed the call but the phone just kept ringing and ringing. Nakukulili na ang tenga niya sa paulit-ulit na pagtunog niyon kaya hinugot niya muna ang wire na nakakonekta sa likuran para saglit na putulin ang linya.
Pikit-matang hilot niya ang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa kakulitan ni Andrei.
"My God, he's so annoying! Tiningilan nga niya ang pagtawag sa cellphone ko pero itinuloy naman niya sa work phone ko ang pamemeste niya!"
Hindi pa lumalamig ang telepono niya nang lapitan siya ni Wylona. "You have a call from Sir Andrei," Wylona said handing over her phone to Iris with a confused knot on her eyebrows.
"Fuck!" Iris mouthed. Pinigil niya ang pag-ikot ng mga mata bago tanggapin ang aparato. "I'm very sorry," she apologized instantly. "Pasensya na kung pati ikaw ay naaabala rin ni Andrei."
"It's okay, he's my boss anyway. Iiwan ko muna sa'yo iyang cellphone ko."
"Salamat. Ibabalik ko na lang sa'yo mamaya pagkatapos naming mag-usap. Pasensya na talaga," magalang na paumanhin niya.
Binigyan siya ng maunawaing tango ni Wylona. "Mukhang may LQ kayo ni boss, ah. Sige, ayusin niyo muna iyan." Tumalikod na ito at naglakad palayo.
Inilapat niya sa tenga ang cellphone nang tuluyan na itong makaalis. "What the fuck is your problem, bakit ba ang kulit mo?" galit niyang bungad.
"Jesus Christ, someone's really pissed."
"At bakit naman ako hindi magagalit, huh, Andrei? I have all the right to feel pissed at you, Mister."
He sighed. "Look..." Muling napabuntung-hininga si Andrei. "Puwede bang bigyan mo muna ako ng pagkakataon para makapagpaliwanag? Kahapon ko lang nalaman na may problema ka sa akin. Kung hindi ko pa pala hiningan ng pabor si Blake na alamin kung ano ang nangyayari sa'yo, malamang hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaalam-alam na may problema tayo. I was fucking clueless as shit."
"Damn you are."
"I was very fucking clueless. Because I swear to God, I never did anything wrong."
Si Iris naman ang napabuntung-hininga sa pagkakataong iyon. "Can't you just leave me alone? Kung wala ka namang sasabihin na may kinalaman sa trabaho ko, puwes huwag mo akong tawagan! Por favor, Andrei. I really don't want to talk to you right now."
"Fine," he hissed angrily. "Kapag malamig na ang ulo mo saka tayo mag-usap."
Unang nagbaba ng tawag si Andrei na siya pang lalong ikinabuwisit ni Iris. Siya dapat ang unang magbaba dahil siya ang galit sa kanilang dalawa pero sa ginawa ni Andrei mukhang ito pa ang may inis sa kanya. At ganoon na lang ba iyon?
"That's it? He didn't even try harder! Hindi na nito pinagbuti ang panunuyo? Wala man lang sorry? What a fucking asswipe!"
She wanted to throw Wylona's phone on the floor and stomp on it until it was crashed to bits. The problem is it's isn't her phone. Kaya bago pa niya mapagbuntunan ng galit iyon ay ibinalik na niya sa may-ari.
Pilit niyang itinataboy sa isip si Andrei na hindi naman niya magawa dahil minu-minutong sumasagi ito sa isip niya. And after hearing his voice, it was just hard for her brain to not acknowledge thoughts of him.
Kakauwi lang niya nang may kumatok na deliveryman sa pintuan niya. May dala itong bouquet ng mga pulang rosas. Sabi nito ay galing daw iyon kay Andrei. She didn't want to accept it at first because it may be another bad joke from that slut, Anna. She's not dumb, alam niyang galing sa hitad na iyon ang mga larawan na natanggap niya noong isang araw.
Eventually, pinirmahan din niya iyong papel na patunay na natanggap niya ang mga bulaklak. Itatapon niya rin sana iyon kapag nakaalis na ang deliveryman. But the bouquet of roses came with a huge box of chocolate and curiosity killed her.
Holding the box of chocolates on one hand with her other arm keeping the bundle of flowers held close to her chest, she used her feet to move the door close. Inilapag niya ang kahon ng tsokolate sa coffee table. The flowers were beautiful and still looked fresh. She was quite surprised that Andrei had managed to send her flowers despite their cold war. Or maybe he arranged it even before he called. Or maybe it wasn't him who sent the flowers anyway. But maybe it was really from him and she was just being too dubious about it.
"So many maybes..."
She closed her eyes and took in the scent of the roses. It smelled good.
A card was clipped between the stems. Kinuha niya iyon at binuksan.
"I love you."
- Andrei
Three words and her heart beat faster. Sapat na ang mga salitang iyong para sabay-sabay niyang maramdaman ang matitinding emosyon tulad ng tuwa, lungkot, sakit, at panghihinayang. Those are the words she wanted to hear most from him.
Lumambong ang mga mata niya habang nakatitig sa mga katagang iyon na nakaimprenta sa matigas na papel. "Mahal din kita, Andrei," anas niya.
She turned the card to see its back. Blangko ang likod niyon. Walang "sorry" o kahit ano. Bumagsak ang mga balikat niya at napabuntung-hininga. Kaninang tumawag din ito, nanghingi ito ng pagkakataon na makapagpaliwanag pero hindi ito humingi ng tawad. Mukhang wala itong balak na magsorry at talagang pinapanindigan na wala itong ginawang kasalanan sa kanya.
Dinukot niya mula sa bulsa ang cellphone. Hinanap niya ang numero ni Andrei. Matagal din niya iyong tinitigan, pinag-iisipan kung kakausapin na ba niya ito o hindi. But it wouldn't hurt anyway if she did talk to him now, would it? If they were meant to fall apart, they will. If they were meant to be together, then they will be.
She dialed his number. Her heart racing fast in anticipation to hear his voice.
"Come on, Andrei... Pick up your phone. Explain yourself and don't you dare fucking tell me a lie."

BINABASA MO ANG
Tell Me A Lie [R-18] [Completed]
RomanceIris Vargas is not your usual good girl. She's young, and wild, and free living in her own cruel world. Until one night she had a hot scene with this stranger on the backseat of his car. Andrei Leviste, ang lalaking itinakda para sa kanyang ate. ...