CHAPTER 13

418 18 0
                                    

PRINCE AIEL'S POV

Nandito kami ngayon ng kaibigan kong si Nympha.. Sinamahan niya ako dito sa mundo ng mga mortal.. Alam na naming lahat na mga taga Diwatao na buhay pa ang mahal na sanggre at tinago ni Nympha ang mahal na sanggre.. Nagalit una ang aming ina at ama sa nalaman nilang balita ngunit kalauna'y naintindihan rin nila kung bakit nagawa yun ni Nympha. Si Sanggre Ameldanata,ang aking kapatid, ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa amin dahil sa kanya ipinagkatiwala ang buong kapangyarihan na meron sa mundo namin at walang sinuman ang makakatalo sa aking kapatid.. Malakas rin naman ang kapangyarihan ko pero mas pinakamalakas ang aking kapatid at naintindihan ko yun.. Kailangan na bumalik ang mahal na sanggre dahil sobrang nangungulila na talaga ang taga Diwatao sa aking kapatid at ang aming mga magulang.

Naglalakbay kami ngayon sa isang napakalaking kaharian at ang daming mga mortal na nakatira dito. Ngayon lang ako napadpad sa lugar na ito kaya kahanga-hangang pagmasdan ang paligid.. Mas malaki pa ito kesa sa amin.. Pero napakainit ng paligid at pare-pareho lamang ang suot nilang damit.

Sa paglalakbay namin ay may nakita akong isang binibini na nakatayo lamang sa gusaling yun at may hinawakan na isang bagay na hindi ko alam kung ano yung bagay na yun dahil hindi ko masyadong maaninag.. Ang mukha lang ng binibini ang aking maaninag....

"Narito na tayo sa paaralan ng mahal na sanggre,mahal na prinsipe. At ang binibining nakita mo sa gusaling yun ay ang kapatid mo na matagal mo nang inaasam na makita pang muli". Rinig kong salita ni Nympha.

" siya ang kapatid ko? Siya ang nawawala kong kapatid? Hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang aking kapatid. Nakakahangang pagmasdan ang gandang taglay na meron siya,Nympha! Nais ko siyang lapitan at mayakap. Sabik na sabik na ako sa aking kapatid na mayakap ko at pagmasdan ang mukha niya.. Napaka-amo ng mukhang meron siya,Nympha! At hindi malayong nakuha niya nga ang mala-dyosang mukha ng ina namin!" Sabi ko kay Nympha na hindi ko parin maalis-alis ang tingin ko sa aking kapatid.

"Tama ka sa iyong sinabi,Aiel! At napakatalinong binibini talaga ang mahal na sanggre! Palagi siyang nanalo sa mga paligsahan na meron dito! Napakatalino niya at napakabuti ng ating mahal na sanggre. Napakabuti ng mga magulang na kumupkop sa ating mahal na sanggre." Sagot naman ni Nympha na may paghanga at ngiti sa labi niya.

"Tayo na,prinsipe Aiel. Baka hindi mo na mapagmasdan ang mukha ng iyong kapatid dahil may pupuntahan pa sila ng mga kaibigan niya." Dagdag niya pang sabi at naglakad na patungo sa kanyang kinatayuan

Hindi ako napansin agad ng aking kapatid dahil mas naunang umalis ang aking kaibigan at siya ang naunang napansin nito. Nang nasa likuran na niya ako,ay bigla siyang nagulat sa akin pagkaharap dahil bigla ko lang siyang niyakap at hinalikan sa noo sabay sabing
"Avisala,mahal na sanggre Ameldanata! Aking kapatid!". Naramdaman kung bigla siyang nanigas sa kanyang kinatayuan  dahil sa ginawa at sa sinabi ko.. Malamang,nagtataka siya kung bakit yun ang inasal ko sa kanya..

  Nangungulila talaga ako sa aking kapatid dahil hindi ko naaninag ang mukha ng kapatid ko dahil wala ako sa kaharian namin simula nu'ng nagdadalantao pa ang aming inang-reyna.. Dinala ako ng mga ninuno ko sa ibang lugar para makapag-ensayo ako at huli na ako sa pagdating namin dahil nawawala ang aking kapatid habang may labanan na nangyayari sa kaharian namin.. Natapos na yung labanan at kami ang nagwagi,pero kahit anino ng aking kapatid ay hindi namin nakita...

Hindi kami nagtagal sa kinatayuan namin ng biglang dumating ang apat pa na binibini,marahil ito yata ang mga kaibigan ng aking kapatid.. Umalis kami kaagad at nagtago sa isang gusali na hindi kami mapansin. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagkalito ngunit pinagsawalang-bahala nalang niya yun dahil hindi naman siya pinaniwalaan ng mga kaibigan niya.

Rinig ko pa ang pag-uusap nila. At tama nga ako,hindi sila naniniwala sa aking kapatid. Hindi nila kami napansin dahil ginamit ko ang kapangyarihan ko na patigilin muna ang takbo ng oras at burahin sa ala-ala nila ang nakitang pangyayari namin sa aming kapatid.. Kaya ganun ang sagot nila sa aking kapatid..

Isa lang ang nasa isipan ko.....

Gagawin ko na ang dapat kong gawin para mapalapit sa aking kapatid. Babalik muna ako sa aming tirahan para ipagpaalam ko sa kanila ang aking pasya at kailangan ko rin ng tulong mula sa aming angkan.. Sabi ko sa aking isip.

"Tayo na,Nympha. Kailangan natin bumalik agad sa kaharian para maisagawa ko na agad ang aking pasya.."

-----

The Lost Sanggre [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon