Liza POV
Dahil ang iyong kinakapatid ay anak ng aking kaibigan.. At ang inyong matalik na kaibigan ay ang nawawala kong kapatid sa matagal at mahabang panahon...at kailangan na nilang bumalik sa mundo namin dahil lubos kaming nagdadalamhati sa pagkawala nilang dalawa.
Napalingon kami sa tao kung saan siya banda nagsalita... Pero wala kaming mahagilap kahit anino...
A-anong ibig mong sabihin? Hi-hindi tunay na tao ang aking kapatid? Tanong ko sa nagsasalita kung saan man siya banda ngayon.
Tao parin naman ang iyong kinakapatid.. Kalahating-tao,kalahating diwata.. Ang ina ng iyong kapatid ay buong diwata at ang ama naman niya ay buong tao..sa pagkakaalam ko------
Nasaan ka! Lumabas ka! Magpakita ka sa amin kapag kinakausap ka namin! Paano kami maniniwala sa iyo kung hindi ka magpapakita sa amin?! Litong sigaw ko.
Nasa harapan mo lang ako.
At biglang lumitaw ang isang lalaki.. Gwapo bai!
Sige! Pwede mo na ituloy ang kwento! Utos ko sa lalaking to.
O sige! Makinig ka! Gaya ng sabi ko,ang iyong kapatid ay ang nawawalang anak ng aking kaibigan at ang inyong matalik na kaibigan ay ang aking nawawalang kapatid sa mahabang panahon.. At tama kayo, c maymay o sanggre Ameldanata ay iisa.. Ang sanggre ay ang pinakamakapangyarihan kahit saang mundo siya ilalagay,ngunit wala siyang kaalam-alam do'n.
At ang iyong kinakapatid,ay walang kapangyarihan,ngunit, gaya nang sanggre ay nakakausap niya ang kahit na anong klaseng hayop at matalas ang pandinig. Habang ang sanggre naman ay nakakausap niya lahat ng klaseng hayop,mga halaman,mga puno,kahit ang tubig ay nakakausap niya... Ganyan kamakapangyarihan ang aking kapatid.. Lahat,kaya niyang gawin.. Walang impossible sa kanya.. Lahat ay possible-------
Tungkol naman sa aking kapatid? Paano siya napunta dito sa mundo namin? Tanong ko sa kanya.
Tungkol naman kay Donny o tawagin nalang natin sa pangalang Yphen, sa pagkakaalam ko,napadpad siya dito dalawang taon bago nawala ang aking kapatid... Dahil,may nangyaring labanan noon sa aming mundo...To make it short,pinatakas ni Nympha,ang ina ni Donny, pinatakas nila ang mag-ama para maprotektahan sila sa kaguluhang nangyari no'n...nagpaiwan ang ina ni Donny sa aming mundo para tumulong sa pakikipaglaban... Umalis nga ang mag-ama pero,iniwan lang sya dito sa mundong 'to si Donny at bumalik sa kaharian namin para tumulong din sa pakikipaglaban... Ngunit,sa kasamaang palad,napatay ang ama ni Donny sa kalagitnaan ng kanyang paglalakbay pabalik sa kaharian namin... Huli na nang nalaman namin ang balita na patay na c Efren,ang ama ni Donny at nasa mundo niyo lang ang nawawalang anak ng kaibigan ko... Nung nalaman niya na nandito lang si Yphen,agad niyang hinanap ang kanyang anak.. At natagpuan nga niya c Yphen,sinubukan niyang lumapit kay Yphen ngunit hindi sya nakikita ng kanyang anak hanggang sa ngayon.....
-----------
BINABASA MO ANG
The Lost Sanggre [ COMPLETED ]
FanfictionAng story pong ito ay KATHANG-ISIP lamang na galing sa aking BALIW NA IMAHINASYON. hehehe Kung meron man pong pagkakapareho/pagkakatulad sa mga story/stories na ginawa ko,halimbawa sa mga tauhan/oras/lugar/pangyayari,etc., hindi ko po sinasadya dahi...
![The Lost Sanggre [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/181809116-64-k796851.jpg)