RYAN ENTRATA POV
"Honey?! Tara na! Baka malate tayo sa meeting natin!" sabi ni Karylle, asawa ni Ryan.
"Anjan na nga oh! Excited ka naman masyado! Eh, sa school lang naman tayo ng mga bata ah! Pero kung makasabi ng meeting,parang merong bussiness! Tsk!" ang pagrereklamo ni Ryan sa kanyang asawa na si Karylle.
"Ewan ko sayo! Late comers ka kasi eh!... Mga anak?! Tayo na! Alis na tayo! Baka malate tayo sa meeting sa school!" Tawag ni Karylle sa kanyang mga anak.
Dali-dali namang bumaba ang kanyang mga anak. At umalis na..
Dumating na sila sa paaralan, ang daming mga tao.... Hindi naman masyadong matagal ang meeting dahil tungkol lang naman sa FIELD TRIP ang pinag-uusapan nila kaya wala pa'ng isang oras ay natapos na ang meeting nila.
Kasalukuyan silang nasa biyahe nang tumawag ang kanilang matalik na kaibigan.
Ryan: hello,pare?! Kumusta?! Napatawag ka?
Zanjoe: Ay! Oo,napatawag ako dahil gusto kong magbonding tayo sa susunod na araw! Bukas na kasi ang uwi ko. Kaya, next day, magrereunion tayong magkakaibigan!
Ryan: bakit ayaw mo bukas? Susunduin ka nalang namin sa airport para deretso na tayo sa pagbabonding?
Zanjoe: nah! Jetlag pa ako bukas niyan,pre! Uuwi muna ako sa pamilya ko! Miss ko na kasi ang asawa't mga anak ko eh! Ang hirap kayang maging OFW dito! Tsk!
Ryan: o sige sige! Next day nalang! Saan naman tayo magkita-kita?
Zanjoe: Diyan nalang sa bahay niyo,pre! Para makita ko rin yung mga inaanak ko noh! Hindi naman kayo pwedeng bumiyahe ng malayo dahil meron pa kayong sanggol diyan! Eh, sa ating magkakaibigan, ikaw nalang ang meron pang sanggol,eh ang mga anak ng ating mga kaibigan, puro malalaki na ang kanilang mga anak! Tsk! Pang-ilan na nga yan pre?!
Ryan: langya ka pre! Pero,oo nga ano? Hindi nga pwede bumiyahe ng malayo.... Pang-anim na pre! Hehe... Sige na pre! Nagdadrive pa ako! Sa susunod nalang tayo magchikahan! Total,magkikita rin naman tayo next day eh!
Zanjoe: langya! Ang bilis mo pre! O sya! Sya! Sige na! Babye! I love you Misssshhhhhyyyyooouuuu!!!! Muwaa!!! Hahaha!!
Ryan: p*t*! Ang lakas mo makabakla,pare! Kadiri ka!
(Ryan!!! Yang bunganga mo! Huwag na huwag kang magmumura sa harapan pa mismo ng mga anak mo!) biglang napalingon ito sa asawa niya at ganun nalang pamumutla niya ng masama ang tingin ng asawa niya sa kanya.Zanjoe: haha!! Ano,pare?! Natahimik ka yata ngayon! Sige na pare,babye na!! Baaabooosshh!!! Mishyou,baby!!! Wahahaha!!!
Ryan: heh! Ng dahil sayo,hindi ako makascore mamaya!!!
At ini-off na ni Ryan ang tawag ng kaibigan niya bago pa makasagot ang kanyang kaibigan ng kung anong kalokohan. Rinig pa nga nito ang pagtawa nito sa kabilang linya bago niya pinatay ang tawag...
BINABASA MO ANG
The Lost Sanggre [ COMPLETED ]
FanfictionAng story pong ito ay KATHANG-ISIP lamang na galing sa aking BALIW NA IMAHINASYON. hehehe Kung meron man pong pagkakapareho/pagkakatulad sa mga story/stories na ginawa ko,halimbawa sa mga tauhan/oras/lugar/pangyayari,etc., hindi ko po sinasadya dahi...