PAST

1.5K 36 0
                                    


Kiro's POV

"Hindi parin tapos ang labanan! Kakaunti nalang ang natitirang mga kawal pero hindi parin tapos ang laban!! Pashnea! Hindi ito maaari! Kailangan kong puntahan sa silid ang mahal na sanggre upang ilayo,itakas at maprotektahan ang kaisa-isang tagapagmana sa kahariang Diwatao. Hindi dapat siya makita ng mga kalaban! Dahil,pagnagkataon, papatayin nila ang sanggre! Tama! Kailangan ko nang puntahan bago pa ako maunahan!". Sabi niya sa isip at tumakbo na patungo sa silid ng sanggre.

Sa silid tulugan

Hindi ito maaari! Bakit wala dito ang mahal na sanggre?! Bakit wala dito ang sanggol!?. Tanong ni Kiro sa kanyang sarili na tila nagpabaliw sa kanya.

Dali-dali niyang pinuntahan ang hari at reyna kung saan nakikipaglaban pa ito sa mga kalaban nila. Pagod na rin ang mga ito ngunit hindi parin sila tumigil sa pakikipaglaban para hindi tuluyang mapunta sa mga masasama ang kanilang kaharian.  Hinanap niya ang hari at reyna. At nang matagpuan na niya ang mga ito ay agad naman siyang lumapit sa kanila at sinabing:

Mah-hal na H-h-hari at Mah-h-hal na Re-e-eyna,pau-manhin po,sa-pagkat ka-ilang-an niyo po itong mal-l-laman!! Hingal na hingal na sabi ni Kiro.

ang mahal na sanggre! Nawawala! Wala rin po sa silid-tulugan niya! sabi ni Kiro ng makabawi na sa pagkahingal.

Paanong nangyaring nawala ang anak ko sa silid-tulugan niya?! Sanggol palang ang anak ko! Impossibleng matunton iyon ng mga kalaban! May proteksyon ang kwartong iyon para walang mangahas na pumasok sa silid niya ng walang pahintulot sa amin! Kaming dalawa lang ang maaaring makapasok sa silid niya! Paanong nangyari yun?! Naguguluhan,nagtataka,kinakabahang tanong ng reyna kay Kiro.

Hi-----Sasagot pa sana si Kiro ngunit  lumusob na ang kanilang kalaban sa kanilang pwesto....

SOMEONE's POV

Patawarin nawa niyo ako sa aking kapangahasan,mahal na hari at mahal na reyna. Ngunit kailangan kong gawin ito para sa kapakanan ng lahat, sa pagdating ng tamang panahon, babalik ng kusa ang mahal na Sanggre para bawiin ang nawala sa atin. Patawarin niyo rin po ako mahal na sanggre sa aking kapangahasan.. Ibinibigay ko sa iyo ang basbas ko para sa iyong kapakanan para sa iyong sarili na maging malayo ka sa lahat ng kapahamakan at mailigtas mo ang sarili mo nang walang kahirap hirap at maipagtanggol mo rin ang mga taong inocente,mga taong mahal/importente sa iyo at sa mga taong naging mabait sa iyo habang nandito ka pa sa mundong ito..... Patawad rin mahal na Emre,nawa'y mapatawad niyo rin ako sa aking gagawin...

Avisala Meiste, mahal na sanggre Ameldanata!

The Lost Sanggre [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon