Pitong taon na ang nakalipas........
Sa mundo ng mga mortal:
"Mama!!! Mga Kuya!!! Papa!!! Tingnan niyo po!!!! Ang dami ko pong nahuling isda sa dagat oh!!! Kasyang-kasya na po sa atin ito para sa isang linggong pagkain!!" Ang excited na sabi ni Maymay
"Naku! Ikaw talaga,Maymay!Diba,sinabi na namin nang mga kuya mo na huwag kang pumunta doon sa dagat na mag isa?! Baka mapano ka pa doon! Ang nag aalalang sabi ni Marco kay Maymay.
"Sa susunod,maymay, huwag ka nang pumunta doon ha?! Na hindi namin alam! Nag aalala ring sabi ni Luis.
"Oo nga,maymay!. Para naman masamahan ka namin sa pangingisda mo doon. Nakung bata ka!! Napaka bata mo pa para mangisda ng mag isa! sabi ni Mccoy kay Maymay na nag aalala rin.
"Sorry po mga kuya. Ang totoo po niyan, pumunta lang naman po ako doon para manguha ng shells. Naaaliw po kasi ako.. Wala naman po talaga akong planong mangisda, dahil alam ko pong magagalit po kayo. Pero, dahil naisip ko sila mama at papa,nanghuli nalang po ako ng isda dahil kusang lumalapit lang po sa akin yung mga isda. Kaya hinuli ko nalang po sila para madagdagan naman ang ulam natin at para meron rin po tayong maibigay sa mga taong tinutulungan natin na halos walang pagkain. Gusto ko lang pong tulungan kayo nina mama at papa." Sagot ni maymay.
"Okay lang yun,maymay.. Basta sa susunod,magpaalam ka muna sa amin ha? Para masamahan ka namin sa dagat." Sabi ni Ivan kay Maymay.
"Mahal na mahal ka namin ng mga kuya mo. Kaya ganito kami sa iyo dahil ayaw namin mapahamak ka. Di baleng mapahamak kami,basta ikaw ay hindi.. Ganyan ka namin kamahal ng mga kapatid mo.. Hmmm?! Sabi ni Zeus sabay pisil sa cute na ilong ni maymay.
"Halika nga rito mahal naming princessa!" Sabi ni Luis sabay pisil na nanggigigil sa magkabilaang pisngi ni maymay..
"Aaaarrraaayyy!!! Kuya naman eh! Masakit po". Reklamo ni maymay.
"Sali naman kami jan!!" Sabay sabi nina mccoy,ivan,marco at zeus na nangigigil naring kinikiliti si maymay.
"Hahahaha!!! Kuyaa!! Hahaha!!! Hahaha!!!! Hahaha!! Tama na po!! Hahaha!! Nakikiliti na po ako!! Hahahah!!!!" Sabi ni maymay habang tumatawa dahil sa pangingiliti ng mga kapatid niya..
Maya-maya ay dumating na ang kanilang mga magulang.
"Mga anak?! Nandito na kami!!" sabay sabi nina mama karylle at papa Ryan. Maya-maya'y nakarinig sila na tila nagtatawanan sa itaas ng kanilang bahay.. Pinuntahan nila ang mga iyon at nakita nilang nagkakasiyahan ang magkakapatid.. At sabay sabing
"Sali rin kami diyan ng papa niyo!!" Sabi ni mama karylle na ngayon ay naki-join na rin sa bonding moments ng magkakapatid at kinikiliti rin nila ang kanilang mga anak...
SOMEONE's POV:
Ang saya saya ng pamilya nila.. Kahit na hindi naman nila totoong anak ang mahal na sanggre, pero tinuring parin nila na parang isang tunay na anak at kapatid ang mahal na sanggre.
BINABASA MO ANG
The Lost Sanggre [ COMPLETED ]
FanficAng story pong ito ay KATHANG-ISIP lamang na galing sa aking BALIW NA IMAHINASYON. hehehe Kung meron man pong pagkakapareho/pagkakatulad sa mga story/stories na ginawa ko,halimbawa sa mga tauhan/oras/lugar/pangyayari,etc., hindi ko po sinasadya dahi...
![The Lost Sanggre [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/181809116-64-k796851.jpg)