CHAPTER 12------MEET THE PRINCE

466 22 0
                                        

Maymay's POV

Nandito ako ngayon sa classroom namin.. Kakatapos lang ng meeting namin para ngayong sabado at pagplanuhan kung anong kanta ang gagamitin namin sa pagsasayaw... Marami ang nagsuggest na gusto nila yung mix songs pero tumutol ako... Gusto ko rin sana nga yung mix kaso bawal raw yung mix song na epeperform dahil automatic disqualified kami do'n.. Nasa criteria raw kasi yun kaya wala kaming magawa kundi sundin ang criteria namin.

Pababa na sana ako sa building namin ng maalala ko yung sinabi nila ate na sabay na kami umuwi,kaya bumalik nalang ako sa classroom ko at hinintay sila ate... May nakita akong mga students na nagkukumpulan sa unahan,pero hindi ko na yun inintindi dahil kailangan ko pang magreview para ngayon tuesday dahil may oral recitation kami.. At kailangan ko ring magreview ng mga formula dahil ako yung napili nilang representative sa school namin ipanlaban sa SCIE-DAMA and DAMATH COMPETITION kung saan marami kaming makakalaban INTERNATIONAL! Grabe!! Alam kong maraming naiinggit sa akin at balak pang sirain ang pangalan ko sa school record ko,pero hindi nila ako kayang sirain dahil kaya kong ipamukha sa kanila ang lahat kung ano ang kaya kong gawin.. Kaya hindi ko na rin kasalanan kung bakit meron ako ng mga ganitong talento... Tahimik lang ako kapag kailangan dahil sinesave ko ang scholar ko at wala rin akong balak pumatol sa mga malaki ang insecure sa akin,pero kapag hindi na ako makapagtimpi,lintik lang ang walang ganti! Hehehe

Napatigil lang ako sa pag-rereview na may namataan akong isang bagay na  lumilipad na tila hindi ko alam kung tao ba ito o insekto.. Dahil curious c aketch,nilapitan ko ito. Nung malapit na ako sa gawi nito,bigla nalang lumipad palayo sa akin. Hindi ako nakagalaw agad sa aking kinatayuan dahil matagal pa bago nagsync-in sa isipan ko ang nakita ko... Parang isang maliit na tao ang aking nakita na lumilipad at ngumiti sa akin.....

"Hoooo!! Heto na nga ba ang resulta sa kakapanood ko ng Encantadia, naghahaluccination na naman ako!"------

"Avisala,mahal na sanggre Ameldanata! Aking kapatid!".

" ay! Butiking kabayo!" Gulat na sambit ko.. Paglingon ko sa likod ko,nakakita ako na tila isang kakaibang nilalang... Napakurap ako ng bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo at biglang nawala sa pananaw ko...bumalik lang ako sa huwisyo ko ng biglang nag-snap c ate Liza..

"Huy bhe? Anong nangyari sa iyo? Ba't parang nakakita ka yatang multo diyan?" Tanong ni ate Liza.

"Ate, may yumakap at humalik sa noo ko.. Hindi ko alam kung sino ,basta lalaki. At kakaiba siya sa atin,parang isang ewan ko basta yung damit niya katulad nung sa Encantadia na pinapanuod natin sa bahay at sinabi niya pang
"Avisala,mahal na sanggre Ameldanata! Aking kapatid!".  Pag-eexplain ko kila ate. Bahala na kung hindi nila ako paniwalaan, basta yun yung totoo..

May naalala na naman akong isang lalaki na biglang humalik sa akin noon nung first year at first day of school ko dito.."asan na kaya yung monggoloid na yun?! Pagkatapos niya akong nakawan ng halik,hindi na nagpakita sa akin! Ah! Basta! Buti nalang,hindi na yun nagpakita sa akin dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko". Sabi niya sa isip.

"Wala naman kaming nakitang ibang tao dito maliban sa iyo,baby girl. Impossible naman na mapadpad yung mga sinasabi mo dahil nasa TV lang naman yun natin mapapanuod". Nagtatakang sagot naman ni ate Kathryn..

" tara na nga bhe, baka mabaliw ka pa sa kakaisip diyan eh wala namang ibang tao dito kundi ikaw lang at kami" sabi ni ate Maine sabay hila sa kanya.

Umalis na nga kami at patuloy na lumabas ng campus.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maalis-alis sa aking isipan ang sinabi niya...."Avisala,mahal na sanggre Ameldanata! Aking kapatid!". Yan ang tumatak sa aking isipan.

Hindi alam ni maymay na nagmamasid lang sa kanya ang lalaking humalik sa pisngi niya habang paalis na sila ng mga kaibigan niya.

SOMEONE'S POV

Hanggang sa muli nating pagkikita,mahal kong kapatid. Kay tagal nating hindi nagkita at nangungulila ang buong palasyo natin sa iyong pagkawala,lalong lalo na sa ating ina.

The Lost Sanggre [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon