CHAPTER 29------ GOODBYE BUT NOT A TOTALLY GOODBYE

388 14 0
                                        

Nagkasiyahan ang lahat... C maymay at ang mga kaibigan ay naliligo sa dagat.. Samantalang ang mga magulang naman nila at ang mga kasama nilang mga lalaki ay masayang nagkukwentuhan at nag-iinuman sa cottage habang nagbabantay sa mga dalaga.

Loisa Pov

Biglang may lumapit sa amin ng mga grupong babae.. At ng mamukhaan namin sila ay sina Hesha Hellsya at Koleen Tang pala at ang mga alipores nito.. Hinablot nila c maymay at dinala sa malalim na tubig. Nabigla kaming lahat sa nakita at ng bumalik kami sa huwisyo ay pupuntahan sana namin agad c maymay para iligtas pero may humawak na sa amin..nagpupumiglas kami pero hindi kami makawala. Nawala lahat ang lakas namin sa pangyayari..

Lumingon ako sa aming cottage at nakita naming may mga armadong lalaki ang humawak  sa kanila..

Tiningnan ko ulit c maymay.. Isinubsob nila ang mukha ni maymay sa tubig hanggang sa mawalan na naman ng malay c maymay...

Maya-maya pa ay biglang lumakas ang alon ng dagat na tila bang galit na galit ito... Hanggang sa maging isang tsunami ito at may mga malalaking isda ang pumaligid kina maymay.. Hindi naman agad napansin nina Hesha ang nangyari sa paligid nila dahil parang aliw na aliw ito sa ginagawa nila..

Biglang may humablot sa mga taong humawak sa amin at dinala sa pinakamalalim na bahagi ng dagat.. Lumapit sa amin ang  7 malaking isda at dinala kami sa buhanginan..

Nakita rin namin ang mga armadong lalaki na hawak-hawak ng mga shukoy at pinagsusuntok nila ang mga armadong lalaki,nang mawalan ng malay ay iniwan nila ang mga armadong lalaki na bugbog sarado at bumalik na sa dagat. Tumawag naman ng mga pulis sila Daddy para hulihin ang mga ito..

Nakita rin namin sina Hesha at Koleen Tang na tila natatakot sa pangyayari..  Nakita namin c maymay na nakaupo sa malatsunami na tubig.. Tila galit na galit ang mga mata ni maymay at umiilaw na color green na may pagka blue ang mga mata ni maymay habang nakatutok kina Hesha at sa mga magulang namin.. Hinablot ng mga shukoy ang dalawang babae at dinala sa buhanginan at nawalan ng malay nang nakita nila kung sino ang humablot sa kanila.

Nakita rin namin c maymay na unti-unti rin mawawalan ng malay kaya bago pa tuluyang mahulog sa tubig ay sinalo na sya agad ng malatsunami na tubig at dinala rin sa buhanginan.

Buti nalang at private resort ito nila tito kaya walang ibang nakakita sa pangyayari ngayon maliban sa amin...

Maya-maya ay nagkaroon na ng malay ang mga alipores at ang dalawang bruha... At dumating naman ang mga pulis... Hinuli nila sina Hesha at Koleen pati na mga alipores nito at kinasuhan narin namin dahil sa ginawa nila kay maymay my loves namin. At kasabay narin doon ay ang pag-expel ng dalawa at ang mga kasama pa nitong alipores nila na nag-aaral sa shool namin...

Nagmamakaawa pa sa aming mga magulang ang mga bruha pero hindi na nagpatinag ang aming mga magulang.. Kinausap rin nila kami at wala kamin pakealam kahit iiyak sila ng dugo.

Serves you right! Yan ang sinabi ng aming mga kaibigan. At tinalikuran ang mga ito... Nalaman din ng mga magulang nila ang ginagawang kalokohan ng mga anak nila kaya galit na galit rin ang mga ito sa kanila dahil ginamit lang naman nina Hesha at Koleen ang mga tauhan ng mga magulang nila.. Kaya pala,may mga armas ang mga lalaking nakahawak sa aming mga magulang dahil sundalo at pulis pala ang ginamit nila at binayaran lamang nila ito ng malaking pera para sa sekretong kagagahang gagawin nila... Kaya,heto ang napala nila. Sa kulungan ang bagsak kasama ang mga sundalo at pulis na sumang-ayon sa kalokohan ng kanila mga anak.

Ngayon,matitikman na talaga nila kung paano maghirap sa loob ng selda.. Kung hindi lang naman nila binangga c maymay,e di,hindi sila aabot sa ganitong pangyayari.

The Lost Sanggre [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon