May sinat pa ako at ayaw pa akong papasukin ni kuya kanina pero pinagpilitan ko na kaya ko naman na kaya ito ako ngayon sa school.
Kakarating-rating ko lang at dumiretso ako sa classroom namin.
Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto na makita na wala pang tao sa loob. Alam kong maaga pa pero dati naman meron na mga iilan na pumapasok ng ganito ka-aga.
Umupo ako sa pwesto ko at ipinahinga ang ulo ko sa table kasi masakit pa rin talaga yung ulo ko. Kaya lang naman ako pumasok kasi hindi ko na afford mag-absent pa ulit, knowing na marami na akong na miss na discussion. Ang hirap kaya maghabol lalo na kung hindi tumitigil yung hinahabol mo.
Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi ko na namalayan pa na nakaidlip na pala ako.
"Aray!" Sigaw ko. Nagising ako agad at napabangon mula sa pagkakapwesto ko nang may naramdaman akong malakas na pumalo sa batok ko.
Tumingin ako sa may gumawa nito at nakita ko ang kaibigan ko nakaupo sa tabi ko.
Si Sungyeon, matagal ko ng kaibigan yan. Siya talaga yung bestfriend ko maliban sa mga bebegorls ko. Nagkakilala kasi kami nung mga bata pa lang kami, sa pagitan ng mga magulang namin kasi dating magkatropa parents ko at parents niya.
"May laway-laway ka pa, punasan mo nga yan. Kadiri eh!" Reklamo niya na para bang nang-aasar, sabay turo sa may bibig ko.
Kinuha ko ang panyo na nasa loob ng bulsa ko at dali-dali kong pinunasan yung tinuro niya.
Out of nowhere, bigla nalang siya tumawa sa ginagawa ko. "Joke lang." dagdag niya pa bago siya tumawa ulit.
Napatigil ako sa ginagawa ko at pinalo braso niya.
"Hala siya, kailangan mo gawin yun?"
"Oh eh bakit? kanina nga natutulog ako ng tahimik pero hinampas mo ng malakas yung batok ko!" Sagot ko sakanya na halos palakas ng palakas sa kada salita na sinasabi ko habang sinamaan ko ulit siya ng tingin.
Hindi na siya muling umimik pa at mistulang nakatitig na lang sakin at pinagmamasdan ako.
"Kuhaan mo na lang kaya ako ng litrato, tutal it will last longer at pwede mo pang titigan kahit saan." Pa-inosente kong sinabi kahit pa naka-smirk ako sakanya.
Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.
"Ang putla-putla mo na pero ang harot mo parin talaga." Loko niya. "Bakit ka pa kasi pumasok?"
"Maputla lang ako pero malakas na ako, kaya ko naman sarili ko! Nakalakad nga ako papunta dito eh." Sabi ko, tinatry na kumbinsihin siya kahit alam kong mahina parin talaga ako.
Nakatingin lang ulit siya sakin na para bang hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ko nang biglang naming narinig na bumukas ang pintuan ng room kaya parehas kaming napatingin dito.
Naglakad papasok si Jungmo kasama ang mga kaibigan niya. Pinagmamasdan ko lang siya nang biglang nagkatitigan kami ngunit inirapan niya lang ako bago umupo sa pwesto niya sa may likod.
Ilang minuto pang lumipas, dumating na rin yung teacher namin sa History. Binati namin siya ng mga kaklase ko bago kami umupo ulit.
"Oh Ms. Park, you're back!" Bigla niyang sinabi nang mapansin niya ako.
"Opo hehe."
"Okay ka na ba? Parang ang putla mo kasi masyado eh."
Ngumiti at tumango lang ako sa sinabi niya.
Tumingin siya sa buong klase namin bago nagsalita muli.
"Anyway class, I have a meeting with the head of the school kaya I want you all to meet your partners and talk about the project while I'm out for the rest of the period."
Project? Dalawa pala yung project? Akala ko yung sa club lang, pero ito siguro tinutukoy ni Eunji kasi hindi naman kami same club kaya impossible naman na malaman niya nga yung tungkol dun.
Napatigin ako kay Eunji na nasa may likod banda. Nanghihingi ako ng sagot sakanya ngunit tinuro niya lang yung teacher namin gamit ang nguso niya na ibig sabihin ay makinig daw ako.
The teacher paused before looking at me again, "I don't know if somebody already informed you about this, but you're partner for the project is Mr. Koo Jungmo."
At dahil sa announcement niya, napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at napabuka ang bibig. "Ano po?!"
Oo, crush ko si Jungmo pero nainis talaga ako sa mga binitawan niyang mga salita kagabi eh. Nakakasakit kaya yun at nakakababa ng confidence kaya dahil doon ayoko muna siya makaharap o makausap.
"Bakit? May angal ka ba Ms. Park?" Tanong sakin ng aming guro habang nakataas ang kanyang kilay.
"Ah hehe, wala po." Sabi ko bago ako umupo muli.
"Pero ako po meron."
BINABASA MO ANG
ATTENTION ↻ JUNGMO ✓
Fanfiction❝ Tumigil ka na sa kakahingi ng atensyon ko dahil hindi ko kayang ibigay 'to sayo ❞ [♡ COMPLETED] ♡ pogihajimama mo series no. 2 ♡ filipino-english ♡ started: 060719 ♡ ended : 072419 ©gardaens, 2019