Naglalakad kami ni Jungmo and as usual nakasunod lang ako sa likod niya.
Kinuha ko walet ko at binuksan ito para i-check kung magkano na lang lamang nito nang narinig ko siyang magsalita.
"Saan ka ba kaka—"
Napataas ang ulo ko at napatingin sakanya. Nakatingin siya sakin ngunit hindi niya na tinuloy ang sasabihin niya pero naintindihan ko parin.
Tinago ko agad ang wallet ko at nagpeke ng ngiti. "Ah hindi! Sa bahay ako kakain." Paliwanag ko pa ngunit umiling lang siya at tumalikod sakin bago naglakad muli.
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sundan kasi di ko alam kung uuwi na ba siya or not.
"A-ah sige! Bye, Jungmo." Sambit ko pa before I turned around and started walking away.
Hindi pa ako nakakailang hakbang pero may narinig na akong mga yapak na sumusunod sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko kasi madalim na at wala pang mga ilaw kaya binibilisan ko lakad ko. Naririnig ko parin ang mga yapak na bumibilis din kaya tumakbo na ako.
Bago pa ako makalayo ay mabilisan akong hinatak gamit ang backpack ko.
Sa sobrang lakas ng pagkakahila sakin ay napatumba kami pareho patalikod.
"Please! Wag niyo po ako sasaktan, bibigay ko po sainyo yung wallet ko kahit kakaunti na lang laman nun." Lakas loob kong sinabi habang nakapikit. Ginamit ko din ang mga kamay ko bilang shield.
"Tumayo ka na nga diyan!"
Bumukas agad ang mga mata ko ng marinig ko ang familiar na boses na iyon.
"J-jungmo? Akala ko umuwi ka na?"
"Wala naman akong sinabi na uuwi ako ah." Depensa niya.
"Bigla ka kayang naglakad kaya kala ko umuwi ka na."
"Naghanap lang ako ng makakainan mo tas nakita ko na lang naglalakad ka na palayo sakin." Paliwanag niya.
"Eh sabi ko naman sayo bahay na lang ako kakain eh."
"Kanina pa kaya tumutunog iyang tiyan mo baka mahimatay ka nanaman sa wala sa oras. At ako pa naman ang kasama
mo, ayoko na magbuhat, okay!""Sapat na lang yung pera ko pang-commute. Saka hindi mo naman ako responsibilidad kung mahimatay man ako mamaya sa bus o kung saan man eh kasi hiwalay ang daan natin."
"Hindi mo ba nagegets na tuwing may nangyayari sayo, ako yung last mong nakakasama so kung may mangyari man sayo, ayokong masisi!" Tumigil muna siya na para bang nagpipigil bago siya nagsalita muli. "Kaya pwede ba sumunod ka na lang sa akin, ako na ang magbabayad."
BINABASA MO ANG
ATTENTION ↻ JUNGMO ✓
Fanfiction❝ Tumigil ka na sa kakahingi ng atensyon ko dahil hindi ko kayang ibigay 'to sayo ❞ [♡ COMPLETED] ♡ pogihajimama mo series no. 2 ♡ filipino-english ♡ started: 060719 ♡ ended : 072419 ©gardaens, 2019