31

354 20 2
                                    

Patapos na yung last subject at nag-iipon ako ng lakas ng loob para makausap ko si Jungmo. Aayain ko kasi siya na mag-research na kami sa library kasi hindi pa ako tapos maghanap dun.

Sa bawat minutong lumilipas, mas bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. I also got my fingers crossed na rin, umaasa na kahit papano ay hindi maging mainit ang ulo niya sakin.

"Kring" malakas na tunog ng bell na ikinagulat ko na halos mapatalon ako sa pagkakaupo ko. Oa na kung oa pero kinakabahan talaga ako sakanya lately eh, pano banaman kasi parang lahat ng galit niya sakin niya nilalabas.

Palabas na siya ng pintuan at hinabol ko siya agad.

Kinalabit ko ang likod niya habang nakatingin lang ako sa sahig. Nakita ko yung mga paa niya na humarap sakin kaya itinaas ko na ang ulo ko.

Tinry ko siyang ngitian pero it came out more of a grimace.

"Tsk." Sabay nag-smirk siya.

"A-ano kasi eh..." Putcha naman oh, hindi ako mabilis mautal pero nautal ako sa harap niya.

"Ano? sinasayang mo nanaman oras ko eh." Sambit niya pa bago tumingin sa wristwatch niya.

"Research sana tayo sa library kung free ka..." Napahinto ako dahil sinusubukan ko siyang basahin pero naka poker face lang siya. "kung hindi, okay lang din naman na next time na lang. Baka kasi may gagawin ka pa eh." Paliwanag ko.

Tumalikod siya sakin at simulang naglakad palayo sa akin.

Mga naka limang hakbang na siya bago siya tumigil at nilingon ako. "Ano hindi ka ba sasama?"

Napalunok na lang ako at tumango.

Naglakad na ulit siya kaya humabol ako pero hindi ako tumabi sakanya. Naglalakad at sumusunod lang ako sa likod niya.

At from time to time, hindi man siya totally lumilingon ng 180 degrees nakikita ko pa rin na parang sinisigurado niya na nasa likod niya pa rin ako.

ATTENTION ↻ JUNGMO  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon