— JUNGMO's
Maaga ako pumasok ng school ngayon, hindi na ako sumabay sa mga kaibigan ko. Nauna na ako kasi dahil sa pinagsasabi ni Aera kagabi.
Nakita ko siya papasok na ng classroom namin kaya agad akong tumakbo palapit sakanya. Tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang mga kamay ko at agad niya rin itong sinubukang tanggalin.
"Koo Jungmo, alam kong ikaw to!!! YUNG RELO MO PALANG HALATANG-HALATA NA!"
Tumawa ako at inikot siya para humarap sa akin.
"Totoo ba yung sinabi mo kagabi?" Seryosong tanong ko.
"Mukha ba akong nakikipaglokohan?" Balik niya.
Umiling ako. Bumibilis na rin tibok ng puso ko, gusto ko na magtatatalon sa tuwa pero syempre ayoko muna umasa kaya tinanong muna siya, "So ano? Tayo na?
Sinasagot mo na ako?"—————————————————————
— AERA's
Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at saya. Dahan-dahan akong tumango bago nagsalita, "Oo, Jungmo, sinasagot na kita."
Nanlaki ang mga mata niya na para bang hindi makapaniwala, para bang nag-sink-in palang sakanya ang nangyayari at yung ngiti niya hindi mabura-bura.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit at ganon din ang ginawa ko. Sa yakap namin naramdaman ako ang saya na nadarama namin. Para bang sa yakap niya, I found my home.
"Sobrang worth it nung three months na panliligaw ko sayo. Sobrang worth it nung three months na paghihintay ko sayo. Higit sa lahat, sobrang worth it nung three months dahil ngayon ang mundo ko ay nasa pagitan na ng mga kamay ko....Park Aera, I'll promise to love and cherish you for as long as I can." bulong niya sa tenga ko habang magkayakap pa din kami.
Sobrang saya ko na halos di ko ito ma-express into words because I don't think no word can ever suffice for it. Hindi ako makapaniwala na nagyayari ito. Hindi ako makapaniwala na ang dating mapait na kwento namin ay nagbago at nakabuo ng isang magandang pag-ibig.
"Koo Jungmo, I'll make make you happy by giving you the love that you have always deserved."
THE END.
[a/n] Phew, that was a long a$$ ride. So yes, that's it for this epistolary. I hope you had fun following the story of Jungmo and Aera.And of course, I want to thank you guys who read and supported this book, I really do appreciate yall. But anyway, I hope I'll see you all on the next epistolary too. 😌☝🏻💖
< LOVE LOTS, GARDAENS 3
BINABASA MO ANG
ATTENTION ↻ JUNGMO ✓
Fanfiction❝ Tumigil ka na sa kakahingi ng atensyon ko dahil hindi ko kayang ibigay 'to sayo ❞ [♡ COMPLETED] ♡ pogihajimama mo series no. 2 ♡ filipino-english ♡ started: 060719 ♡ ended : 072419 ©gardaens, 2019