32

343 17 0
                                    

Sobrang tahimik ng library kaso nabasag ito nang biglang nagwala yung tiyan ko.

Ano ba naman yan, epal naman 'tong tiyan ko eh, magwawala kung kelan may importante akong ginagawa.

Well, kasalanan ko rin naman ito dahil hindi ako kumain ng lunch para lang matapos ko yung essay ko para sa 21st century literature.

Tumunog nanaman yung tiyan ko kaya hinawakan ko na ito.

Tinigil ko ang pagbabasa ko at dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko.

"Gusto mo kuma-" Hindi ko na natapos ang tanong ko nang makita ko ang taong nakaupo sa harapan ko.

Nakalimutan ko na kasama ko pala si Jungmo at hindi isa sa mga kaibigan ko.

Nakasandal na lang siya sa upuan niya, naka cross arms habang seryosong nakatingin sakin. Natakot ako kaya di ko na tinuloy yung tanong ko.

Yumuko na lang ako muli at naagbasa.

Narinig ko na pinagsasarado niya na ang mga libro sa harapan niya, iniayos niya na rin yung mga gamit niya.

Napakunot na lang ang noo ko sa mga pinagagawa niya kaya napatingin ako sa wristwatch ako at nakita ko na halos 6:30 na pala.

"Hala, sorry!" Wika ko kaya napagatigil siya sa mga pinagagawa niya. "Sige mauna ka na baka may kailangan ka papalang gawin eh."

Umiling siya at nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya sakin ang mga libro at isinarado ito. Tumayo siya at nilagay ang mga libro sa return cart bago bumalik sa mesa namin.

"Akala ko ba kakain ka?" Taas kilay niyang tanong.

"A-ah...eh.." Simula ko pa pero hindi ko talaga alam kung ano dapat kong sabihin sakanya.

"Ayusin mo na yang gamit mo, maghihintay ako sa labas." Walang ka emosyon-emosyon niyang sinabi bago niya ako iniwan mag-isa at tuluyan lumabas ng library.

ATTENTION ↻ JUNGMO  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon