Tapos na kumain si Jungmo pero ako hindi pa kasi big serving ba naman yung inorder niya sakin yung tipong pang 2-3 person. Syempre wala naman akong angal kasi masarap naman.
Sinulyapan ko siya saglit at nakita ko na nakangiti siya habang nakatingin sa phone niya.
"Ang cute talaga ng ngiti mo, sana mas madalas ko pang makita yan." bulong ko sa sarili ko pero nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin siya sakin.
Agad napawi ang ngiti niya at biglang naging seryoso siya. "Pwede ba bilisan mo na lang kumain, hindi kung ano-ano pinagsasabi mo diyan!" Wika niya habang tinatalasan niya ang titig sakin.
"P-pwede ka naman na mauna ng umuwi tutal pagtapos neto busog na ako kaya hindi na ako mahihimatay."
Ano ba naman 'to, parati na lang ako nauutal kapag kaharap siya pero pag sa chat ang kapal-kapal ng mukha ko. tsk.
"Gabi na, paano kung may mangyari sayo?" Pagalit niyang tanong.
"Papasundo na lang ako sa kuya ko para hindi ka na maabala pa."
"Siguraduhin mo yan ah! Baka mamaya ako pa masisi kapag may nangyari sayo. tsk." Ani niya bago siya tumayo at lumabas ng maliit na restaurant.
Natapos na ako kumain wala pang limang minuto makalipas umalis ni Jungmo. Tinext ko agad si kuya na sunduin ako pero agad naman siyang nag-reply na hindi niya ako masusundo kasi may practice pa siya.
Goodluck na lang sakin.
BINABASA MO ANG
ATTENTION ↻ JUNGMO ✓
Fanfiction❝ Tumigil ka na sa kakahingi ng atensyon ko dahil hindi ko kayang ibigay 'to sayo ❞ [♡ COMPLETED] ♡ pogihajimama mo series no. 2 ♡ filipino-english ♡ started: 060719 ♡ ended : 072419 ©gardaens, 2019