59

406 17 1
                                    

Ang bilis, Friday na agad. Ilang araw ko na ding katabi si Jungmo at hindi ko naman ito masyadong pinapansin except na lang kung kailangan talaga.

"Free ka ba mamaya?"

"Ah...eh—" simula ko pa pero agad akong pinutol nung tao sa likod ko yung sasabihin ko.

"Nako, hindi yan free mamaya eh. Pinapapunta siya ni mama sa bahay." Paliwanag ni Sungyeon. Kahit nakakaiinis at sarap isupalpal eh lifesaver ko talaga 'tong lalaki na to, alam talaga yung kailangan ko.

Buti na lang nasa likod ko lang siya, edi easy getaway ko. rak diba!

Tumango at ngumuso na lang si Jungmo, "Ah, ganun ba? Eh bukas, pwede ka?"

"Ay nako, dun kasi yan matutulog sa bahay nami—" Hindi na natuloy ni Sungyeon sasabihin niya kasi pinutol siya ni jungmo.

"Representative ka ba ni Aera para sagutin mo yung mga tanong ko sakanya?" Tinalasan ni Jungmo ang tingin niya kay Sungyeon habang sinasabi niya ito.

Napasandal na lang si Sungyeon sa upuan niya dahil sa sinabi ni Jungmo.

"Hindi ko kasi sure eh, gusto mo sa chat na lang natin pag-usapan?" Tanong ko.

"Kailangan natin mag-practice magkasama. Performance task natin 'to para sa music."

"Ah gusto mo ba doon na lang tayo sa bahay nila mag-practice bukas?" Narinig ko na parang nasamid si sungyeon at sinipa yung upuan ko dahil sa sinabi ko.

Nginitiian ko na lang si Jungmo kasi alam ko naman na hindi 'to papayag sa sinuggest ko eh.

Pero nagulat ako ng tumango siya. "Pwede naman, basta message mo na lang sakin kung saan."

Nakatingin ako kay Jungmo kaya nakita ko sa peripheral vision ko na napa head down na lang yung lalaki sa likod ko.

Simula kasi mabasa niya yung pinag-sesend sakin ni Jungmo eh ayaw niya na dito. Siya pa nga yung mas nainis kesa sakin, parang baliw lang.

ATTENTION ↻ JUNGMO  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon