Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko mula sa lamesa. Binuksan ko ang mata ko habang ako'y nag-iinat ng mga buto-buto.
Tuwing bagong gising ako, hindi agad nagsisink-in sakin yung paligid ko kaya laking gulat ko na lang after I rubbed my eyes.
Andito pa rin pala ako sa library ng school at madilim na. Onti lang kasi ang mga ilaw na nakabukas kapag onti lang ang tao, eh parang ako na nga lang at yung librarian yung nandito.
Tinignan ko ang relo ko at nanlaki nanaman ang mga mata ko.
Alas otso y medya na at magsasarado na to mamaya saktong alas nwebe. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero dumiretso kasi ako agad dito pagkatapos ng huling klase ko.
I was able to gather some information naman kahit papaano kaya okay lang kasi hindi totally nasayang pagpunta ko rito.
Pagkatapos ko maisauli yung mga libro na binasa ko ay tumakbo na ako palabas ng library. Pagkalabas ko ay kinuha ko na ang phone ko na nasa loob ng bag ko.
Hindi ako madalas magkaroon ng notification kaya masasabi ko na lang ay medyo nagulat ako sa mga na receive ko.
Dahil dito sa mga nakita ko, dali-dali na akong nagtungo pauwi kundi baka kung ano pa ang maabot ko kay kuya Jihoon.
BINABASA MO ANG
ATTENTION ↻ JUNGMO ✓
Fanfiction❝ Tumigil ka na sa kakahingi ng atensyon ko dahil hindi ko kayang ibigay 'to sayo ❞ [♡ COMPLETED] ♡ pogihajimama mo series no. 2 ♡ filipino-english ♡ started: 060719 ♡ ended : 072419 ©gardaens, 2019