It has been two months and naging tahimik naman buhay ko. Well, not really since ang iingay at ang kukulit ng friends ko. Alam niyo na, yung bebegorls ko plus yung dalawa kong bebeboyz.
3 days na rin akong absent kaya syempre pumasok na ako. Ito kasi limit ko eh, kapag mag-aabsent ako dapat hanggang dito lang at hindi na sosobra pa.
Di daw makakapunta teacher namin kasi may faculty meeting kaya matutulog na lang ako kahit pa nakalagay sa board na discuss with your partners. Tutal di ko pa naman kilala partner ko.
Nakapatong ang ulo ko sa kamay ko at nakapikit ang mga mata ko nang may na feel akong tumabi sakin.
Naramdaman ko ang paghawi niya sa buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Inilagay niya ito sa likod ng tenga ko. At bago pa niya tuluyang maalis ang kamay niya ay hinawakan ko ito.
"Sungyeon, pwede ba natutul—" hindi na natuloy ang sinasabi ko nang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Parang sasabog na ata puso ko.
Binitawan ko agad ang kamay ni Jungmo.
"Anong ginagawa mo sa puwesto ni Sungyeon?" tanong ko habang inusod palayo ang upuan ko sakanya. Ang lapit kasi masyado eh, nakakailang kaya.
"Ah hindi ka papala informed. Ako na kasi yung bago mong seatmate eh." Sabi niya pa ng medyo nakangisi. "Ako rin pala partner mo para sa music project." Sabay turo sa gilid ng board kung nasan listahan ng magkakapartner.
"Ah ganun ba?"
Tumango lang siya. "Akala ko nga mag-aabsent ka ulit eh. Akala ko iiwasan mo ako."
"Bat naman ako iiwas sayo?" Tanong ko ng painosente na para bang walang nangyari samin.
"Kasi alam kong galit ka sakin after lahat ng pinagsasabi ko sayo dati."
Malungkot akong ngumiti sakanya. "Wag ka mag-alala. Hindi ako nagalit sayo kasi sa sarili ko ako nagalit."
BINABASA MO ANG
ATTENTION ↻ JUNGMO ✓
Fanfiction❝ Tumigil ka na sa kakahingi ng atensyon ko dahil hindi ko kayang ibigay 'to sayo ❞ [♡ COMPLETED] ♡ pogihajimama mo series no. 2 ♡ filipino-english ♡ started: 060719 ♡ ended : 072419 ©gardaens, 2019