Nag-bell na, ibig sabihin lunch break na namin kaya nagsitayuan na ang mga estudyante at palabas na ng pinto.
Nakita ko si Jungmo kaya sinundan ko ito habang hawak ang mga papel. Kinalabit ko siya kasi alam ko na hindi ako papansinin nito kapag alam niyang ako yung tumatawag sakanya.
"Hindi ba sabi ko sayo na huwag mo na ako gugulu—"
Hindi ko na siya pinatapos pa kasi alam ko naman na ang sasabihin niya at masasaktan lang ako dito.
"Ito na yung peoject natin, tinapos ko kagabi." Mahinhin kong sinabi sakanya bago ako umikot at nagsimula ng umalis pero hinawakan niya ang wrist ko.
"Bakit ikaw lang nagtapos? Eh by partner 'tong project ah?"
Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti bago ako nagsalita. "Puro pait, galit, at lungkot lang naman nadadala ko sayo eh." Huminto ako saglit at nilihis ang mga mata ko mula sa mga mata niya papunta sa sahig. "Ayoko naman na makaabala pa. Ayoko naman na maging pabigat sayo. Ayoko na maging dahilan ng pagkasira ng araw mo kung gusto ko lang naman na makitang kang masaya."
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay saka ako umalis.
BINABASA MO ANG
ATTENTION ↻ JUNGMO ✓
Fanfiction❝ Tumigil ka na sa kakahingi ng atensyon ko dahil hindi ko kayang ibigay 'to sayo ❞ [♡ COMPLETED] ♡ pogihajimama mo series no. 2 ♡ filipino-english ♡ started: 060719 ♡ ended : 072419 ©gardaens, 2019