63

408 15 5
                                    

JUNGMO's

"BOO!" sigaw ni Minhee. Halos mapatalon ako sa gulat eh. hayop lang? nanahimik ako dito eh.

Andito kasi ako sa open space, naka-upo sa bleachers. Kanina ko pa sila inaantay ngayon lang dumating. AYOS DIN?!?

Sisikuhin ko sana eh kaso biglang nagsalita si yung labi. Ay! Wonjin pala.

"Kanina ka pa tulala ah, malayo pa lang kami pero kitang-kita. Ano ba iniisip mo?" Tanong niya habang nakakunot noo.

Sasagot sana ako eh kaso nagsalita yung baby damulag namin.

"Sus, tinanong mo pa kung ano iniisip. Eh wala naman utak yan." Asar ni Hyungjun.

Babatukan ko sana eh kaso tinitignan ako ni Wonjin kaya tinalasan ko na lang ng mata. "Nagsalita! Kala mo naman may utak!"

Pinabayaan ko na sila magbangayan nang makita ko si Aera nakaupo sa isang bench sa ilalim ng puno kasama si Yunseong.

"Luh, sila nanaman magkasama. tss." Sabi ko sa sarili ko at ibinaling sa iba ang tingin ko.

Nakita kong napatingin 'tong si Hyunbin sa tinitignan ko kanina bago siya ngumisi sakin na para bang nang-aasar.

"Selos ka na niyan?" pabulong niyang tanong habang tumataas-taas pa kilay niya. Sarap hambalusin, pero ayun batok nalang inabot niya.

Di ko alam pero bigla ako nagkaroon ng urge na puntahan sila kaya ito ako naglalakad ngayon. Kada hakbang ko nararamadaman ko pagbilis ng tibok ng puso ko at parang kinakabahan. ANO BA KASI SUMANIB SAKIN? BAT KO TO GINAGAWA?

Napatingin sila sakin pagdating ko sa harap nila. Putcha, bat ba ko pumunta dito eh wala naman akong sasabihin. Napapikit na lang ako sa hiya.

"Tara Yunseong, alis na tayo dito." rinig kong sabi ni Aera. Tumango naman yung kasama niya.

Paalis na sila pero bigla kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

Mukha akong kalmado pero sumisigaw na talaga at nagwawala na ako sa loob.

ANAK NG!!! KOO JUNGMO, BAT MO GINAWA YUN?!? NABABALIW KA NA BA?

Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa hawak ko sakanya. Napalunok na lang ako bago siya binitawan.

Nakatingin lang si Aera sakin na para bang inaantay ang sasabihin ko pero pota, hindi ko nga alam sasabihin ko eh.

Gusto ko magsalita pero hindi ko talaga alam.

Umiling lang siya bago tuluyang hinila paalis ni Yunseong at naglakad papalayo sa akin.

ATTENTION ↻ JUNGMO  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon