Dahan–dahan kong iminulat ang aking mga mata at nagulat na lang ako nang marealize ko na nakahiga ako sa kama ng clinic.
"Hala! paano ako napunta dito?" Pabulong kong tanong sa sarili ko.
"Oh, Ms Park, you're finally awake! Base sa friend mo na you suddenly passed out kaninang first subject niyo."
Umupo na lang ako at tumango.
"I also checked your temperature kanina. Nag-39 degrees ka, bakit ka pa pumasok?"
"Ang dami ko na po kasing na-miss na lessons eh, ayoko naman pong madagdagan pa at matambakan ng requirements. Tsaka parang kaya ko naman na po eh." Paliwanag ko pa.
"Oh siya, drink this after you eat your lunch."
Tumingin ako sa wall clock ng clinic at nagulat ako na halos mag 12 noon na. Naka miss nanaman ako ng apat na subject, ano banaman'to.
Dumiretso ako sa canteen kasi hindi naman pwede na bigla na lang akong papasok pa sa loob ng classroom. Kasi matatapos naman na yung period at baka ang dami pang tanungin nung teacher namin.
Wala pang katao-tao masyado kaya madali akong nakabili ng makakain ko.
Tahimik lang akong kumakain mag-isa nang bigla nalang may nagtakip sa mga mata ko.
"Taena mo Nari! Ang sarap-sarap ng kain ko tas guguluhin mo ko." Sabi ko pa habang sinusubukan kong tanggalin yung mga kamay.
"Luh siya! Hoy, andito ako sa harapan mo." Narinig kong depensa ni Nari habang nilalapag niya ang mga pagkain sa lamesa.
Narinig ko naman na nagpipigil ng tawa itong taong nagtatakip sa mga mata ko at dahil dito nahalata ko kung sino siya.
"Tengene lang? Sungyeon, tigil-tigilan mo ako."
Tumawa lang siya bago tinanggal ang kanyang mga kamay.
"Hindi ko alam na pangbabae pala kamay ko? Masyadong smooth noh?" Sabi niya pa habang tinitignan ang mag ito.
"Sadyang pangit lang kamay ni Nari." Pang-asar ko.
"Hoy, narinig ko yun! Akala mo ba porket may sakit ka, hindi na kita papatulan?" Sabi ni Nari habang may laman pa bibig niya.
"Yuck! Dugyot mo naman, lunukin mo kaya muna yan!" Asar pa ni Eunji na nasa tabi niya. Ngunit pinalo lang siya nito ng pabiro na ikinatawa na lang namin.
Bumalik ang atensiyon ko kay Sungyeon na nakatayo pa rin sa likod ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit hindi mo kasama sila Seokhwa?" Tanong ko sakanya ng marealize ko na wala siyang kasama.
"Gaga, pinuntahan lang kita saglit para i-check kung kamusta ka."
"Yiee, nag-alala siya! Sus, ang sabihin mo mahal mo lang ako eh." Asar ko at kinindatan siya dalagang pilipina style.
"Ano ba yan! Mangilabutan ka nga sa mga pinagsasabi at pinagagawa mo!" Sabi niya sabay hampas sa may braso ko ng pabiro bago siya umalis.
BINABASA MO ANG
ATTENTION ↻ JUNGMO ✓
Fanfiction❝ Tumigil ka na sa kakahingi ng atensyon ko dahil hindi ko kayang ibigay 'to sayo ❞ [♡ COMPLETED] ♡ pogihajimama mo series no. 2 ♡ filipino-english ♡ started: 060719 ♡ ended : 072419 ©gardaens, 2019