Dagli #3: Cool Off

385 53 56
                                    

Malakas ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kakaibang emosyon na ipinapakita ng mata ng kasintahan ko. Nakipagkita siya sa akin sa tapat ng kanyang bahay. Wala akong ideya kung anong gusto niyang sabihin sa akin sa mga oras na ito.

"C-Cool off muna tayo," bungad niya. 

Nabingi ako, literal.

Noong una ayaw ko. Sino'ng matinong lalaki ang papayag sa ganoong klaseng paghihiwalay kung mahal na mahal mo ang babaeng nagsabi noon? Ayaw ko dahil bukod sa mababaw lamang ang dahilan kung bakit niya nasabi iyon. Kundi dahil hindi ko kayang hindi siya kausapin at yakapin kahit saglit lamang. Ngunit sa kabilang banda, naisip kong makakaluwag ako saglit mula sa pagkakagapos sa aming relasyon. Sinunod ko siya.

"Cool off muna ulit tayo," sabi niya. 

Isang araw mula noong sinabi niya ulit ang mga katagang iyon—noong isang buwan.

Noong wala siya sa piling ko dahil sa paghihiwalay namin nang panandalian, maluwag para sa akin ngunit masikip sa damdamin. Kasi wala siya. Kasi hinahanap-hanap siya ng puso ko. Ayaw kong pumayag sa gusto niya ngunit naisip kong baka sakal na naman siya akin. Sinunod ko muli siya.

"Cool off muna ulit tayo, Ray," aniya.

Hindi na ito ang pangatlong beses na nag-cool off kaming dalawa. Ang totoo, panglima na ito.

Tinatawanan na lamang ako ng mga kabarkada ko sa tuwing sinasabi kong cool off ulit kaming dalawa. Hindi ako manhid para hindi masaktan sa pangungutya nila sa akin at lalo sa kanya.

Hindi rin ako tanga para hindi maisip na mayroon na siyang iba. Hindi ako tanga para hindi maramdamang hindi na niya ako mahal—na nagbago na ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi ako tanga para magpakatanga pa. Dahil simula nang mag-cool off kaming dalawa, unti-unti nang nanlalagas ang pagmamahal na itinanim namin dito sa puso ko.

Unti-unti nang nawawala ang pakiramdam ko kung paano mahalin ang tulad niya. Unti-unti ko nang naaalis ang pagkahibang at pagkabaliw ko sa kanya. At sa huli, unti-unti nang nabubura sa isip at puso ko kung paano maging masaya sa piling niya. Nagdesisyon ako.

"Bakit hindi na lang tayo maghiwalay? 'Di ba, Jea? Para tapos na! Iyon naman talaga ang gusto mo, hindi ba?" sambit ko.

Oo, masakit. Oo, ang tanga-tanga ko para makipaghiwalay sa kanya. Ngunit sa kabilang banda, alam kong iyon din ang gusto niya.

Hindi siya nagmakaawang bawiin ko ang sinabi ko. Parang hinihintay na lamang niyang ako ang tumapos sa aming dalawa. Hindi siya umiyak tulad ng nasa teleserye kung saan naghihiwalay ang magkasintahang tulad naming dalawa. Kita ko rin, hindi manlang siya nasaktan miski kirot nang sabihin ko iyon.

Tama ako. Hindi mo na nga ako mahal.

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon