Dagli #11: Boyfriend's Duty

69 17 10
                                    

"Oh, Miko. Ang aga mo na naman," natatawang sambit sa akin ng ka-dorm mate kong si Gerard.

Ngumiti ako sa kanya habang kinukuha ang gamit panligo.

"Boyfriend duties, pre," sagot ko.

Tumango siya akin. Nagpatuloy ako sa araw ko. Nag-intindi at tinahak ang aking pupuntahan.

Kinabukasan ganoon ulit. Medyo nanguna nga lang si Gerard sa akin ng gising.

"Pre, boyfriend duties ulit?" tanong niya sa akin pagkagising na pagkagising ko.

Napahimalos ako sa mukha saka sumagot, "Oo, pre."

Nag-intindi muli ako at tinahak ang importante kong duty bilang boyfriend. Ganoon araw-araw, wala akong pinagpapaliban. Dahil mahal na mahal ko siya. Handa kong puntahan kung nasaan siya, magpakailanman.

Katulad ng ibang araw, alas-sais punto ay gising na ako at mag-iintindi muli.

"Pre, tanong ko lang ha. Saan kayo nag-da-date ng girlfriend mo? Pakilala mo naman sa amin," pangungulit niya sa akin. Tiningnan ko siya. Ngumiti ako.

"Hindi kami nag-da-date."

"E, anong tawag mo riyan? Hanga nga ako sa 'yo e, napaka-loyal mo."

"Gano'n talaga kapag mahal mo. Handa akong gawin ang lahat para lang sa kanya. Kahit na napakaraming hadlang. Mahal ko pa rin siya. Sige, pre."

Walang-imik si Gerard nang umalis ako ng kwarto para mag-intindi. Nag-ayos ako ng sarili ko. Naghanda ng pagkain at kumain saka tumahak sa aking paroroonan.

Katulad ng ibang araw, bibili muna ako ng isang tangkay ng rosas na pula, saka pupuntahan kung nasaan siya-ang puntod niya.

'Trixie Hernandez'

She died because of a heart attack. She's the love of my life. I know, she's still not my wife para sabihing until death does us part. Ang pagmamahal ko sa kanya ay walang-hangganan.

Alam kong nakikita niya ako ngayon. Gusto ko na maging masaya kahit na wala na siya rito sa tabi ko. Mamahalin ko pa rin siya. Dahil bilang boyfriend niya, gusto kong tuparin pa rin ang mga hiling niya.

That's a boyfriend's duty.

---

Dedicated to: Jazzywrites188

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon