I am Helen and I'm a dying mother.
Ang kinakatakutan ng isang ina ay ang maiwang mag-isa ang mga anak niya. Ang takot na hindi na niya muling mahahagkan, maalagaan, makikitang lumaki at tumanda ang mga ito.
Pinagmasdan ko ang maraming litratong nakatayo sa isang pasimano ng aming bahay. Ang aking buong pamilya—asawa at mga anak. Malungkot kong inaalala ang mga panahong masaya kaming lahat at higit sa lahat malakas pa ako.
Ngayon, malapit na akong kunin ng Panginoon. Mapayapa ang aking kalooban sapagkat alam kong hindi Niya pababayaan ang pamilya ko.
"M-Ma, iiwan mo na po ba kami?" tanong ng aking limang taong gulang na anak.
"Hindi kita iiwan, anak. Diba, sabi ko sa 'yo, nandoon ako sa stars tuwing gabi. I'll be watching you from above. I will be your light once I'm not here anymore."
"Iiwan mo nga po ako." Lumungkot ang mukha niya.
Sa murang edad ay nasasaksihan niya ang masakit na karanasang ito. Ngumiti pa rin ako sa kaniya.
"Anak, mahal na mahal kita," naluluha kong sambit sa kanya.
Malungkot din ang mata ng mga anak kong nakatayo at nakatingin sa akin. Nakahiga ako sa aking kama, dito sa aking kwarto. Tumanggi akong magpadala sa ospital at doon ma-confine. Gusto ko na sana sa huli kong alaala, nandito ako sa bahay ng aking pamilya.
Nasa tabi ko ang aking asawa. Nakangiti ngunit sa mga mata niya'y nakatago ang sakit at lungkot na nadarama. Ako'y hinang-hina na ngunit patuloy pa ring lumalaban. Gusto kong ipakita sa kanila na malakas pa rin ako. Ayaw kong mararamdaman ng mga anak ko na nahihirapan na ako.
"Gian, Mikee, Michael, Baby Zian," tawag ko sa aking mga anak.
Tumingin ako sa aking asawa. Tinawag ko siya, "Felix."
Lumipat ang aking tingin sa mga anak kong nangingilid na ang luha habang pinagmamasdan nila ako.
"Mahal na mahal ko kayo. 'W-Wag magpapasaway kay papa, ha?"
"Gian, matanda ka na, mag-aaral ka nang mabuti para matulungan mo si papa pagkatapos," tugon ko sa aking panganay. Si Gian na matipuno gaya ng kanyang ama, maginoo at disiplinado.
Tiningnan ko ang pangalawa kong anak na si Mikee, maganda tulad ko, "Mikee, alam kong nahihirapan ka sa pag-aaral pero 'wag kang mahihiyang magpatulong kay Kuya Gian mo. 'Wag mag-bo-boyfriend agad. Nandoon lamang ako sa taas."
"Michael, makikinig kay Kuya Gian at Ate Mikee. Ayusin din ang pag-aaral. 'Wag aawayin si bunso ha? Lagi mo siyang aalagaan," ani ko naman sa aking anak na pangalawa sa bunso, si Michael na masigla rin at mahilig sa pagkain.
"B-Baby Zian, 'wag pasaway ha? 'Wag aawayin si Kuya Michael. Laging susunod kay papa," paalala ko sa aking bunsong lalaki.
Nginitian ko ang minamahal kong mga anak. Kumirot ang puso ko sapagkat maiiwan ko na sila. Sobrang sakit sa pakiramdam. I turned my gaze to my husband. Ngumiti siya sa akin.
"F-Felix, mahal. I love you. 'Wag na 'wag mong pababayaan ang mga anak natin. 'Wag na 'wag mo silang hahayaang masaktan sa kung ano mang paraan. Aalagaan at tututukan mo sila. Didisiplinahin sa iyong tingin ay tama. Pakakainin ng maraming pagkain, lalo na si Michael. Ayaw kong papayat 'yan. Si Zian, aalagaan mo nang husto. Mahal na mahal ko kayong lahat."
Dinig ko ang malakas na iyak ng aking mga anak. Pumikit ako. Pilit kong pinipigilan ang lumuha. Ayaw na ayaw kong makikita nila akong nasasaktan.
Sa huli, nginitian ko sila. Hinawakan ko'ng muli ang kamay ng aking asawa, at pagkatapos ay namahinga.
----
Dedicated to , ishaille, Chariiieee & RosesOrg_
BINABASA MO ANG
K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)
Romance(COMPLETED) #1 KIROT Nasaktan at naiwan ka na ba? Nagpalaya o nagparaya? Sumuko o sinukuan ka na rin ba? Ito ba 'yong pakiramdaman na kinukurot at dinudurog ang puso mo? Isa ka ba sa mga mambabasa na hopeless sa pag-ibig? Ikaw ba 'yong klase ng mamb...