Nakaupo ako sa puting silya rito sa veranda ng aming nilumang tahanan. We're waiting for the prodigious sunset in the west. This halcyon day with my husband was a dream come true and painful too.
I'm caressing Phil's left hand, kulubot na ang kanyang balat dulot ng katandaan.
Inalala ko ang mga panahong nagkakilala kami hanggang sa nauwi sa kasalan. Our relationships were like others. He had to leave us. He left me with our two children to pursue his career. Maaga kaming bumuo ng pamilya at iyon ang hindi ko pinagsisisihan. Mas maaga ko rin siyang nakasama.
I've never thought this day would come. I've never thought it would be sooner. Hindi ko inaasahan, kumbaga parang sa isang kwento, may plot twist. At katulad ng istorya may katapusan. Lahat ng tao ay may hangganan at wakas. Parang siya may pamamaalam.
"Naalala mo pa, mahal. Noong nag-away tayo dahil kailangan mo kaming iwan para makapagtrabaho sa ibang lugar?"
"I remember that I was away from you and our two kids for almost five years. I missed you and our children so much at that time."
"I'm happy with you, Phil. I will never regret falling in love with you. I will never regret spending my life with you. I know there's a goodbye and understand."
Mainit ang kanyang palad na nakahawak sa aking pisngi. Ramdam ko ang pagpalis niya sa mga luhang tumutulo mula sa mata ko.
"Kahit anong mangyari. Hihintayin kita, mahal."
"Mahal kita, Phil."
Hinalikan niya ang noo ko. May pagkakataon sa buhay natin na hindi natin mapipigilan ang paglisan ng isang tao. Ganoon naman ang lahat, may katapusan.
"Mahal din kita, Jane."
Dinampian niya ang aking labi ng isang halik pagkatapos ay niyakap niya ako. Hinilig ko sa balikat niya ang aking ulo. Malakas ang simoy ng hangin habang nakatanaw kami sa magandang dapit-hapon.
If this will be his end, then I would not fear being left behind. Because I know that we'll be together again sooner-in heaven.
BINABASA MO ANG
K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)
Romance(COMPLETED) #1 KIROT Nasaktan at naiwan ka na ba? Nagpalaya o nagparaya? Sumuko o sinukuan ka na rin ba? Ito ba 'yong pakiramdaman na kinukurot at dinudurog ang puso mo? Isa ka ba sa mga mambabasa na hopeless sa pag-ibig? Ikaw ba 'yong klase ng mamb...