Dagli #6: What A Lie

128 29 25
                                    

"Gerard, maghiwalay muna tayo. Mas gusto kong i-prioritize muna ang pag-aaral ko. Hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang pakikipagrelasyon sa 'yo," sabi niya sa akin noon.

Nasa canteen kami. Magkasamang nagme-meryenda. Muntikan na nga akong tumawa. Ang sarap magmura, Bea.

"Kung iyan ang gusto mo. Hihintayin pa rin kita."

Iyon ang pangako ko. Hihintayin ko siya hanggang sa makapagtapos kami ng pag-aaral. Hindi ako susuko. Mali pala ako.

Kasinungalingan ang mga sinabi niya, lalo na ang rason niya. Hindi niya kayang pagsabayin ang pag-aaral niya at ako o hindi niya kami kayang pagsabayin ng lalaki niya?

Tangina. Napakasinungaling niya. Mahal na mahal ko siya. Basketball, swimming, pag-aaral at siya napagsasabay ko. Pero siya hindi niya kaya? Niloloko niya ba ako?

Sinungaling siya, sinabi niya pagkatiwalaan ko siya. Siya pala iyong manloloko.

Sinungaling siya, sinabi niya kakayanin niya lahat-lahat basta kasama niya ako, o ang lalaki niya?

Sinungaling siya, sinabi niyang hindi niya ako iiwan at hindi niya ako susukuan pero siya itong unang nang-iwan at unang sumuko.

Sinungaling siya, sinabi niyang uunahin niya muna ang pag-aaral. Pumayag ako, tangina. Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sa kanya dahil alam kong mahalaga sa kanya ang pag-aaral. Pero sa huli, mali pala ako.

Kaya siya nagsinungaling dahil may iba na siya. May mahal na siyang iba.

'Wag kang mag-alala, Bea. Nagsinungaling din ako—na hihintayin kita. Hindi ko na kaya e, masakit.

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon