Unang beses niya akong niloko nanghingi siya agad ng isang pagkakataon. Babawi raw siya sa akin.
"Please, Kiera. Give me one chance. Hinding-hindi na kita lolokohin. Pangako."
Hindi naman ako masamang tao. Masakit man sa puso ay pinagbigyan ko ang hiling niya. I gave him one chance. I love him. Sabi ng iba, bigyan ng isang pagkakataon ang mga deserving. I was too blinded by my feelings.
Again, he broke it. Niloko niya ulit ako. Nanghingi siya muli ng isa pang chance. Umiyak siya sa harap ko. Para akong masama sa harap niya habang nagmamakaawa siya sa akin. Hindi manlang niya ako binigyan ng oras para mag-isip.
Naging masaya ang relasyon namin pagkatapos kong bigyan siya ng pangalawang pagkakataon. Umasa akong wala ng susunod pa.
Ngunit isang araw, nahuli ko siyang nanloloko na naman sa akin. May hawak siyang babae sa mall, maganda at mukhang mayaman. Umiyak ako sa harap nilang dalawa. Para akong tanga, kahit pilit niya along inaalo, at nagpapaliwanag na misunderstanding lang iyon.
Hindi na ako nakinig sa walang-kwenta niyang paliwanag. Maghapon siya sa labas ng bahay namin at sa mga sunod na araw. Pinagalitan ako ni mama dahil hindi raw iyon dapat ang ginagawa ko kay Liam.
Binigyan ko siya ng pagkakataon para magpaliwanag muli pero sawa na ako sa paulit-ulit niyang eksplenasyon. Nagalit sa akin si mama dahil sa pagtrato ng ganoon kay Liam. Ginawa niya iyong palusot para magmakaawa sa akin. Labag sa aking kalooban nang bigyan siya ng pangatlong pagkakataon.
Pakiramdam ko wala na akong choice para hindi siya tanggihan. Para akong robot nang sagutin siya nang ayon sa kagustuhan ng mama ko at ni Liam.
"One last chance, Liam."
Naging masaya ulit ang relasyon naming dalawa. Bumawi siya sa mga araw na hindi kami magkasama. Lumipas ang buwan at taon. Tatlong taon na kaming dalawa.
Ngunit hindi pa pala doon nagtatapos ang panloloko niya sa akin. Naabutan ko siyang may kasamang babae sa silid ng pad niya. Napasapo ako sa bibig ko nang makita ko silang dalawa. Parang pinagsamantalahan ang puso ko, masakit at nakakadiri.
Napakinggan niya akong umiiyak habang nakatingin sa kanila. Halata ang gulat sa mga mukha ni Liam nang makita ako roon. Wala na siyang magawang eksplenasyon. Wala na rin akong balak na pakinggan pa iyon. Sinampal ko siya. Maraming beses hanggang sa namula na ang pisngi niya at sumakit na rin ang palad ko.
"Tangina mo, Liam. I gave you four chances! Napakatanga ko para magtiwala sa 'yo ng maraming beses! Durog na durog na ang puso ko sa 'yo! Magsama kayo ng babae mo sa impyerno!"
Pagkatapos kong ilabas lahat ng galit ko ay umurong na ako at tumakbo palabas ng pad niya. Iniwan ko lahat ng sakit doon. Iniwan ko lahat ng mga alaala naming dalawa.
He doesn't deserve me. I deserve better. No one can hurt my heart again.
---
Dedicated to: cassandrakatrina, artemiszln, Kath_Thol.
BINABASA MO ANG
K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)
Romance(COMPLETED) #1 KIROT Nasaktan at naiwan ka na ba? Nagpalaya o nagparaya? Sumuko o sinukuan ka na rin ba? Ito ba 'yong pakiramdaman na kinukurot at dinudurog ang puso mo? Isa ka ba sa mga mambabasa na hopeless sa pag-ibig? Ikaw ba 'yong klase ng mamb...